PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Queenay Mercado enters hosting era in TV5's Vibe

Queenay: "Gusto nating bigyan ng spotlight yung mga OPM artists."
by Melba R. Llanera
Published Aug 11, 2025
TikTok star Queenay Mercado among VJs on Vibe, TV5's music countdown show that started airing on August 10
TikTok star Queenay Mercado on co-hosting TV5's music countdown show Vibe: "Nakaka-pressure siya, pero ito ay bigay sa akin ni Lord. Why not tanggapin ko tapos ipakita ko ang best ko."
PHOTO/S: @queenaymercado Instagram

Unang nakilala bilang TikTok sensation, pinasok na rin ni Queen Mercado ang hosting.

Kasama sa siyam na jocks ng Vibe, ang bagong music countdown show ng TV5, na nagsimulang umere kahapon, August 10, 2025.

Read: TikTok star Queenay Mercado seryoso na sa pagiging "aktres"

Ang iba pang Vibe jocks na kasama ni Queenay ay sina Ryle Santiago, Paulo Angeles, ang drag queen na si Maxie Anderson, Dylan Menor, Joaoa Constancia, Ana Ramsey, Kych Minemoto, at Elijah Canlas.

“We're just grateful na kami ang napili para dito, nakitaan ng passion tungkol sa ganitong variety ng show.

“Pinagkatiwalaan kami kasi siyempre ang daming puwedeng iba, di ba? Pero kami yung nabigyan ng responsibility.

“Nakaka-pressure siya, pero ito ay bigay sa akin ni Lord. Why not tanggapin ko tapos ipakita ko ang best ko,” bungad ni Queenay.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Queenay sa media launch ng Vibe noong July 31, 2025. Ginanap ang event sa Kita Cafe sa Worldwide Corporate Center sa Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya si Queenay na bibida sa Vibe ang OPM songs at artists.

“All OPM talaga kasi siyempre gusto nating bigyan ng spotlight yung mga OPM artists.

“Alam naman natin na napakaraming talented pero di nabibigyan ng spotlight, di nabibigyan ng oportunidad.

“Siyempre bawat music nila may kuwento, may puso, so why not ipakita natin?”

Pilot episode of TV5's music countdown show Vibe, featuring VJs Queenay Mercado, Ryle Santiago, Maxie Andreison, Paolo Angeles, Kych Minemoto, Ana Ramsey, and Elijah Canlas
Vibe jocks Elijah, Joao, Queenay, Dylan, Ana, Paolo, Ryle, and Kych
Photo/s: @itsmemaj.993 via @queenaymercado Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: How Lian Paz and John Cabahug raise their daughters

QUEENAY MERCADO ON VIBE'S VOTING ELEMENT

Fan-driven ang Vibe. Kada Linggo, 6:45PM-7:45PM, ipapakita ang resulta ng boto ng fans.

Paliwanag ni Queenay tungkol dito, “Halimbawa, gusto nilang mag-top ang kanilang idol. Siyempre for the vote kung sino ang gusto nilang mag-top and kung sinong star ang magpe-perform.

“Kunwari SB19, BINI. Siyempre mga fans ng BINI di magpapatalo sa SB19.”

Paano kung ang iboto ng fans ay GMA artist? Hindi kaya magkaproblema dahil sa TV5 umeere ang Vibe?

Sagot ni Queenay, "Bahala na ang team kung paano kakausapin, makikipag-organize dun sa mismong artist.

“Sila-sila na lang yung makikipag-coordinate. Pero kami we're just excited kung sino ang mga magta-top."

Kumpiyansa si Queenay kahit live pa ang show.

“Kasi more of enjoyment naman. [Kapag] mas kinakabahan ka, mas lalo kang magkakamali, mas lalo kang mape-pressure.

“Enjoy lang and just be happy–good vibe."

Queenay Mercado and Joao Constancia dance prod at Vibe
Queenay and Joao's dance number on Vibe's pilot episode
Photo/s: @queenaymercado Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kris Aquino goes into preventive isolation in Tarlac

QUEENAY MERCADO on her stint as a host

Nakilala sa paggawa ng content na nagpapakita ng kanyang pagka-Batangueña, at masisilayan ba ang side niya na iyon sa kanyang stint bilang Vibe jock?

"I'm proud to be a Batangueña. It's part of being me, my personality so bakit ko tatanggalin? Ako pa rin si Queenay, pero kaunti lang, pipihit lang tayo ng kaunti."

Sa TikTok, si Queenay ay may 15.5 million followers. Pinasok din niya ang pag-arte at napanood sa mga pelikulang Slay Zone at Fruitcake noong 2024.

Ano ang mas matimbang sa kanya ngayon, acting o hosting?

“Parang both, e,” sagot ng dalaga.

“Pero ang hosting sa akin may kaunti pang mas made-develop.

“Siyempre nag-practice pa rin ako at home kung paano sa hosting kasi sa acting siyempre nag-workshop.

“For now siguro hosting side naman siguro. Napapanood ninyo naman ako."

Sinisiguro naman daw ni Queenay na may kinapupuntahan ang mga kinikita niya sa proyekto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For investment talaga, lupa-lupa… Gusto ko lang i-share na may nangyayari sa mga kinikita ko.

“Mas maganda yung ganun. Nagbi-business ako, yung coffee shop namin."

Bukod sa Vibe tuwing Linggo, meron ding daily show na Vibe Up, tuwing 4:45P.M. to 5:30P.M., Monday to Friday. Dito ipi-feature ang emerging at favorite music artists para mas makilala ng fans.

Sa daily show na Vibe Night, tuwing 11:30P.M. to 12A.M., Monday to Friday, magaganap ang kumustuhan ang kulitan.

Sa Vibe TV naman tuwing Sabado, 6:30P.M. to 7:15P.M., ipapakita ang updates, highlights, at behind-the-scenes para sa voting ng fans.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TikTok star Queenay Mercado on co-hosting TV5's music countdown show Vibe: "Nakaka-pressure siya, pero ito ay bigay sa akin ni Lord. Why not tanggapin ko tapos ipakita ko ang best ko."
PHOTO/S: @queenaymercado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results