Itinanggi nina Joel Fabello at Darwin Rosales ang pahayag ng kampo nina Aljur at Vin Abrenica na miscommunication ang dahilan kaya hindi sinipot ng magkapatid ang premiere night, press conference, at promo guestings para sa pelikulang Wild Boys.
Si Joel ang associate producer at si Darwin ang line producer ng Wild Boys, ang unang pelikula ng aktor na si Carlos Morales bilang direktor.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes ng gabi, Agosto 11, 2025, mariing pinabulaanan nina Joel at Darwin ang katuwiran nina Aljur at Vin, na ipinarating sa kanila sa pamamagitan ng manager ng magkapatid na si Ben Benedicto.
Read: Aljur at Vin Abrenica, sasampahan ng reklamong breach of contract
Pagtutuwid ni Joel: “From the production side, if I may share lang para po mas maliwanag at para po maintindihan ng lahat, na it’s true po na after so many weeks na hinahanap po namin sila, after po ng ating press conference, it was only then na they’re trying to reach out.
“We’re not buying that. For the record, gusto ko sanang i-explain yung sinasabi nila na miscommunication.
"We don’t see the point po na magkakaroon ng miscommunication kasi kung gusto po talaga nila, we can actually show yung mga chat."
NO SHOW IN PICTORIAL
Ibinigay na halimbawa ni Joel ang hindi raw pagsipot nina Aljur at Vin sa pictorial para sa poster at promo ng Wild Boys.
Hindi rin daw nagpaabiso ang magkapatid na hindi sila darating sa premiere night ng pelikula.
Lahad niya: "Marami pong instances kung mapapansin ninyo, tingnan po ninyo yung aming poster.
"We’re having a hard time to come up talaga ng isang magandang poster for the simple reason na, for several incidents po, darating daw po sila sa pictorial namin.
“So, kami po na maliit na business na nag-uumpisa pa lamang, nag-arrange po kami ng studio, nag-arrange kami ng makeup artist, anybody na kailangan sa pictorial.
“Hindi po sila dumarating. Yun ang nakakalungkot po, and we have text messages na on the way na sila.
“All of a sudden, meron daw isang aksidente or emergency.
"Sa amin po, given the fact na merong emergency, sana dun sa premiere night namin, sa presscon namin, they should have at least informed us na hindi sila darating.
"Kasi po ni ha, ni ho, wala silang ibinibigay."
Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda's Duterte joke at concert

WILD BOYS PRODUCERS' TRAGIC EXPERIENCE
Inilarawan ni Joel ang pakikipagtrabaho sa Abrenica brothers bilang "tragic experience."
Pahayag ng Wild Boys associate producer: "Ang gusto lang po naming ipunto, kami po isang maliit na company, nag-try lang po, nagpa-distribute sa Viva. Gusto po namin kumita para makagawa uli ng pelikula.
“Kung maibabalik lang po siguro, napag-usapan namin ni Direk Carlos [Morales], baka hindi na po namin ginawa ito dahil sa aming tragic experience sa dalawang magkapatid, with due respect po sa kanilang dalawa.
“Hindi lang po sa amin nanggaling, there was this actor, si Nico Locco. Talagang he was so fed up and he can’t help it but to explain.
“He even asked for the microphone kasi po may times na late na late na dumarating [si Aljur].
"Tapos may incident pa po na parang nagkaroon ng food poisoning, so may isang araw pa kami dapat na shooting, lahat didn’t go.”
Pinatotohanan ni Darwin Rosales, line producer ng Wild Boys, ang salaysay ni Joel dahil siya ang kausap ni Ben Benedicto tungkol sa pictorial nina Aljur at Vin na apat na beses hindi natuloy.
Read: Nico Locco reacts to Abrenica brothers skipping Wild Boys promo
EXCUSES, EXCUSES, EXCUSES
Nagsalita rin si Darwin tungkol sa isyung hindi raw nagustuhan nina Aljur at Vin ang Wild Boys kaya hindi nila sinipot ang premiere night, presscon, TV at radio guestings para sa kanilang pelikulang itatanghal sa mga sinehan bukas, Agosto 13, 2025.
“Excuse na lang po yan ni Ben," sambit ni Darwin.
"Ang sabi sa akin ni Ben, ‘Puwede naman namin idahilan na kaya kami hindi nagpo-promote kasi hindi namin gusto yung pelikula. Gusto mo ba yon?’ Ginaganoon ako ni Ben.
"Saka ginagawa rin nilang excuse na miscommunication, e, ang dami-daming beses na nagko-confirm sila sa akin tapos hindi sila dumarating.
“Lately nga, halos hindi na sila nagre-reply. Fully paid sila, pero eto nga, inipit na nila ako."
Lahad pa ng line producer ng Wild Boys: “Meron kaming balance sa kanila na around PHP60,000.
"Ang nangyari kasi, nagbago yung playdate namin. So, sabi ko, 'Babayaran na namin yung balance pero kailangan na talaga nating gumawa ng poster. Mag-set tayo ng another pictorial, promise, gagawa na tayo ng poster kasi hinahanap na ng Viva.'
“Sabi ni Ben, ‘Sige, send mo na sa akin yung balance. Darating kami bukas.’
“Pagka-send ko ng balance, hindi naman sila dumating.
"Another dahilan na naman na, ‘Ay, nagkaroon ng aksidente. Si Vin, parating pa lang. Nasa San Juan, La Union, so hahabol pa siya.’
“Si Aljur, ang dahilan may emergency. Si Vin naman, ang dahilan, na-late yung backup niya sa La Union so gabi pa makakarating.
“Natuloy ang pictorial pero hindi sila dumating.
"Sabi ko, 'Nagagalit na sa akin ang producer ko. Gumagastos kami tapos hindi kayo dumating.'
“Sabi nila sa akin, ‘Kami na lang ang magpi-pictorial. Sagot na namin ang lahat ng gastos.’
“Naghintay kami nang naghintay, wala rin nangyari."
Read: Ramon Ang: "Si Atasha is a very nice lady.”
WARNING TO OTHER PRODUCERS
Para naman kay Joel, hindi maganda ang sinasabi ng kampo nina Aljur at Vin na hindi nila nagustuhan ang Wild Boys.
Ito ang dahilan kaya tuluyan na siyang naglabas ng sama ng loob laban sa magkapatid.
Saad niya: “Para naman po yatang hindi maganda na ang sasabihin nila, yung film namin hindi nila nagustuhan.
“Kahit saan naman siguro, kung ikaw ay empleyado, hindi naman puwedeng ikaw ay aangal.
“Ang dami pong insidente na all the stars had to wait for them.
“Dun sa premiere night, everybody was expecting them at least to show up. Hindi sila dumating.
"Sa presscon, hindi dumating. That goes to show what kind of…
“Nakakalungkot, nagkamali kami sa kinuha naming lead actors.”
Sa media conference ng Wild Boys noong Huwebes, Agosto 7, inanunsiyo ng legal counsel ng Bright Ideas Production na si Atty. Noel Atienza na maghahain sila ng reklamo sa korte laban kina Aljur at Vin.
Pero nang malaman ng kampo ng magkapatid ang planong pagdedemanda ng mga producer ng Bright Ideas Productions, nakiusap umano ang kampo ng Abrenica brothers na huwag ilabas ang panayam kay Atty. Atienza, kasunod ang pangakong tutulong sina Aljur at Vin sa promo ng pelikula.
Pagbabahagi ni Joel: “Nung nalaman na kakasuhan na sila, ang sinabi sa amin, ‘Magpo-promote na kami kung saan ninyo gusto. Huwag ninyong ilabas ang statement. Nangangako kami.’
“Pasensiya na po sa ibang [press] ipina-hold namin. Na huwag munang ilabas ang statement dahil nakinig pa rin po kami sa kanila.
“But here’s the thing, nung nag-check kami kung saan mag-a-appear [ang Abrenica brothers], wala na pong platform because napaka-slim na po ng natitirang araw namin [para mag-promote].
“Marami po kaming TV guestings, maraming radio interviews, hindi po kami natuloy because they were all asking for the two brothers to be present.”
Hindi raw alam ng producers ng Wild Boys ang kasasapitan ng kanilang pelikula dahil hindi ito gaanong nai-promote.
Pero sinabi rin nilang magsilbi sanang babala sa ibang producers ang nangyari sa kanila.
Pahayag ni Joel: "Kung papaano ang mangyayari sa movie namin, hindi na namin alam kasi nga hindi properly promoted.
“Kahit papaano po, parang vindication din sa amin, once and for all, kasi po matagal na kaming nagri-reach out sa kanila.
“This would serve as a warning to other producers, to check out your actors po.
"Dapat po matuto, kasi kami natuto.
"And we want other people din to know na talagang ganito pa ang nangyari sa amin. And we hope, hindi na po masusundan. Wala na sanang sumunod sa amin.
“Nung hindi nila kami sinasagot, ang pakiramdam po namin, yung sinasabi nila na, 'Ganyan talaga kapag maliit ang production ninyo. Hindi ka talaga papansinin.'
“Mabuti na lang, nagpapasalamat kami sa Viva, tinanggap nila kami.
"Kahit ganito ang nangyari, we’d still continue.
“In fact, meron na kaming isang movie na naka-line up. We would still continue.
"But this time around, pag-aaralan namin. Itatanong namin mismo sa lead actors if they’re willing to promote.”
Read: WillCa, DustBia spark fan hysteria at PBB The Big Collove concert
DEMAND LETTER
Tiniyak ni Atty. Atienza sa PEP na ipadadala niya sa magkapatid na Abrenica ang demand letter na personal daw niyang dadalhin para siguradong matatanggap ngayong Martes, Agosto 12.
Pahayag niya: “Meron nang draft ng demand letter at, most likely, personal natin na ise-serve yon by tomorrow, Tuesday, August 12.
“As I’ve said before, if ever they will not comply with my demand, wala po tayong choice kundi mag-file tayo ng appropriate action.
“After the presscon last Thursday, nakipag-ugnayan yung manager nila at they’re trying to discuss the matter.
“I was informed na tumawag daw yung manager nina Mr. Abrenica at ang parang punto, baka puwedeng i-settle o i-negotiate.
“Formality ang demand letter. If they will not do something tonight or until tomorrow, even until the showing, e, wala tayong choice kundi mag-file ng demanda.”
Mananatiling bukas ang PEP sa panig ng kampo nina Aljur at Vin Abrenica kaugnay ng pahayag ng producers ng Wild Boys.
Read: Will Ashley open to working again with Bianca de Vera as loveteam