Binuweltahan ng dating aktres na si Iwa Moto ang isang basher na pinulaan ang pagiging live seller niya.
Lunes ng gabi, August 11, 2025, nag-live si Iwa sa TikTok upang magbenta ng skincare products.
Sa gitna ng kanyang pagla-live, mababasa ang komento ng isang netizen (published as is): "Hindi ba nabubully mga kids sa school na nagtitinda kayo sa tiktok?"

Read: Wild Boys producers on "tragic experience" with Abrenica brothers
IWA MOTO CLAPS BACK AT NETIZEN FOR BELITTLING LIVE SELLERS
Hindi nakapagtimpi si Iwa at binuweltahan ang basher dahil tila minaliit nito ang trabaho ng mga nagla-live selling.
Disenteng trabaho raw ang kanyang ginagawa.
Sabi ni Iwa: "So guys, to stay here at home through live selling so I can earn, plus be with my family.
"So, guys, huwag na huwag na huwag niyong mamaliitin ang mga online sellers.
"We are working our ass off, we are doing our best, and we are not hurting anyone, okay?
"This is a decent job. Hindi katulad ng mga scam, mga ganyan. Bitch, no.
"You do not do that. Not here, not in my platform. Okay?
"So go to Pluto."
Kahit daw anong klaseng trabaho ay hindi dapat pagtawanan at maliitin ng iba.
Marangal daw ang lahat ng trabaho lalo na pag ito ay pinagsisikapan.
Dagdag ni Iwa: "Never, never underestimate any job, any job.
"Mapa-janitor, mapa-kahit na ano yan. P*ny*t* mga ganyan.
"Marangal na trabaho 'to. Okay?
"Lahat. Lahat ng klase ng trabaho. Lahat ng klase."
Dagdag pa ni Iwa, dahil sa kita niya sa pagla-live selling ay napag-aaral niya sa magagandang eskuwelahan ang kanyang mga anak.
Aniya: "Alam mo ba na itong pagla-live selling ko, napag-aaral ko yung mga anak ko sa magagandang eskuwelahan. Ikaw?
"No. Lahat ng trabaho na tama, na marangal, huwag na huwag niyong mamaliitin. Maliit man yan o malaki.
"Ako, guys, ako nung artista ko, I can attest lahat.
"Mula makeup artist, mula sa tagabuhat ng bag, wala sa ano. Kakilala ko yung mga tao. Okay?
"Never, ever, ever. Lalo na yung mga naghihirap, lalo na yung nagsusumikap.
"Never, ever, ever gawin na maliitin.
"Lalo na sa platform mo. Ako mismo makakalaban mo. Okay?"
Ang pinakahuling celebrity na nagalit din sa basher dahil sa kanyang pagla-live selling ay si Matet de Leon.
Read: Matet de Leon hurt by insensitive comments during live selling
