Inalmahan ni Anne Curtis ang kumakalat na mensahe sa X (dating Twitter), gamit ang kanyang pangalan at litrato, tungkol sa kaibigan at It's Showtime co-host niyang si Vice Ganda.
Na-post ang fake tweet mula kay "Anne Curtis" noong August 5, 2025.
Pinuna ni "Anne Curtis" ang hindi na umano nakatutuwang biro ni Vice. Nakakasakit na rin daw ito ng damdamin ng tao.
Pati raw mga kasamahan ni Vice ay nagtatanim na ng lihim na galit sa kanya, pero hindi lamang nila ito ipinapakita dahil sa "respito" nila sa Unkabogable Star.
Buong mensahe ni "Anne Curtis": "sometimes yung joke mo vice hindi na talaga nakakatuwa, di mo talaga ramdam na nakakasakit kana ng tao, kahit yun man ang role mo mag control ka naman sa mga biro mo, alam mo ba na iilan din kami na may lihim na galit sayo? di ka nalang namin pinapatulan dahil lamang sa respito! ang hilig mo magpahiya ng tao di mo nga alam na andami na contestant na badtrip sayo!"

Read: Kim Chiu and sister Lakam unfollow each other on Instagram
ANNE CURTIS, NETIZENS REACT TO FAKE TWEET
Pinabulaanan ng totoong Anne Curtis na sa kanya galing ang tweet na patama sa kanyang "sisterette" na si Vice Ganda.
Pinatutsadahan din nito ang paggamit ng netizen ng salitang "respito," at itinama ito in all caps: "RESPETO."
Buong mensahe ni Anne: "Good morning guys! See you on showtime today! And cguro naman by now alam nyo Hindi galing sa akin ung post that’s floating around about my sisterette!!! Konting RESPETO naman po"
Tawang-tawa naman ang maraming followers ni Anne sa salitang "respito."
