Hindi pa rin makapaniwala si AZ Martinez sa kasikatang tinatamasa niya matapos ang kanyang partisipayon sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the housemates & houseguests
"Ako, honestly, sobrang overwhelmed pa rin ako with the popularity, the attention that I’m getting.
"Sobrang na-amaze pa rin ako that there are fans, that there are people supporting, yung efforts na nagagawa nila," bungad ni AZ.
Ang tambalan ni AZ kay Ralph de Leon ay isa sa mga shini-ship ng fans ng Kapamilya franchise reality show.
Kilala rin sina AZ at Ralph sa uniname na AzRalph.
Sobrang supportive ng AzRalph fans na nagpagawa pa ng LED billboard sa Robinsons Galleria along EDSA sa Ortigas, Pasig City.
Makikita roon ang ilang sweet moments ng AzRalph sa PBB house.
"Like, I have LED," namamanghang sabi ni AZ.
Dagdag niya, "Yung billboard yesterday, they had one for both Ralph and I so nagugulat ako sa mga ganun."

Siniguro naman ni AZ na hindi niya hahayaang matangay siya ng popularidad ng PBB housemates ngayon.
Lahad ng dalaga: “Pero of course, sobrang grateful ako, but I always put in mind na stay grounded.
"Always remember my core, kung bakit ako nandito, kung bakit ako napunta dito, not forgetting kung paano ako napunta dito, and yung mga taong nakasama kong pumunta dito.
"So, ayun po, always remembering kung saan ako nanggaling. Yun po."
Read: Wild Boys producers on "tragic experience" with Abrenica brothers
AZ MARTINEZ ON BIGGEST CHALLENGE FOR AZVER
Tungkol pa rin sa journey ni AZ bilang PBB housemate, tinanong siya kung ano ang isang moment sa kanyang PBB journey na hindi niya makakalimutan.
Ang isinagot ni AZ ay ang challenge na nalampasan nila ng ka-duo niyang si River Joseph. Kilala ang tambalan nila sa uniname na AzVer.
"Yung never ko po talagang makakalimutan from sa journey ko sa loob ng Bahay Ni Kuya yung nanalo kami ni River sa Big Jump Challenge," saad ni AZ.
“Kasi, yun po yung pinakamahirap na challenge for me, for both of us, kasi endurance yun, e.
“We were standing with blocks in between us for seven hours, umulan man or sobrang araw man, mainit, [pero] nandun kami nakatayo."
Turning point daw iyon para kina AZ at River.
Paliwanag niya: "Parang iyon yung time na gustung-gusto na talaga namin… We were really fighting for it kasi para yon mapabilang sa Big 4, e.
"And pangarap po talaga namin ni River na makasali sa Big 4, kaya iyon yung something na hindi ko po talaga makakalimutan."
Worth it naman daw ang hirap nila ni River noon.
“Kasi once na-announce ni Kuya na, 'Congratulations, parte na kayo ng Big 4!' sobrang, 'Oh my god!' Parang naano na yung puso ko... Gusto ko umiyak, umiyak, umiyak. Iyon po."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si AZ nang ilunsad siya bilang bagong brand ambassador ng SCD beauty products.
Ang brand ay mula sa kumpanyang pag-aari ni Gracee Angeles na CEO ng EEVOR Skin Care Depot.
Read: PBB Celebrity Collab housemates trending for GMA Gala 2025
FANGIRLING OVER ANNE CURTIS
Ginanap ang event kahapon, August 12, 2025, sa ballroom ng Cities Events Place sa Sgt. Esguerra St., sa Quezon City.
Bilang endorser ng isang beauty brand, sinong female celebrity ang gandang-ganda siya na nais niyang ma-meet ng personal?
"Actually, na-meet ko na po siya in person,” bulalas ni AZ.
"Si Miss Anne Curtis po, sobrang ganda po talaga ako sa kanya!
“I met her first time sa premiere niya nung It’s Okay To Not Be Okay, sobrang gandang-ganda talaga ako sa kanya, as in!
“And I’m so happy I met her, I told her I’m a fan. So ayun po, nag-fangirl din po ako."
