Nakapagtala ang GMA Network ng net income after tax na PHP2.0 billion sa kalaghatian ng taong 2025.
Ayon sa report ng GMA News last July 30, 2025, ang consolidated revenues ng GMA network ay umabot sa PHP10.1 billion, mas mataas ito ng PHP7.8 billion kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong 2024.

Tumaas ang advertising revenue sa PHP9.3 billion—bunsod ng election-related placements noong May midterm polls.
Lumaki rin ang revenues mula sa production services at iba pa.
Read: GMA-7 reports P2.065 billion net income after tax for 2024
GMA NETWORK’S OPEX VS. EBITDA
Tumaas naman ang Operating Expenses (OPEX) ng GMA Network ng six percent— umabot sa PHP7.6 billion.
Sanhi ito ng mas mataas na cash and non-cash production costs, at ng inilaan para sa general and administrative expenses.
Pero mayroon itong PHP3.8 billion ng Earnings Before Interest, Taxes, Depreciation, and Amortization (EBITDA) for the period ending June 2025.
Katumbas ito ng solidong 91 percent increase mula sa nakaraang taon.
Read: Standout beauties at GMA Gala 2025
GMA-7'S PUBLIC AFFAIRS PROGRAM RULE TV RATINGS
Samantala, namamayagpag news porgrams nito sa nationwide ratings sa 1st half ng 2025, ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.
Ang multi-awarded public affairs program na Kapuso Mo, Jessica Soho ang “most-watched show” sa Urban Philippines para sa Q2 2025.
Ayon sa press release ng GMA Corporate Communications, patuloy rin ang pangunguna ng GMA Integrated News bilang pinagkakatiwalaang pinagkukunan ng mga balita.
Ang komprehensibong Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage ang nakakuha ng highest viewership on-air and online kumpara sa mga kakumpitensya.
Read: Kapuso Mo, Jessica Soho reigns as #1 TV show in 2024
GMA NETWORK DOMINATES DIGITAL SPACE
Nananatili ring nangunguna ang GMA-7 maging sa digital space.
Nakopo nito ang No. 15 spot sa Tubular Leadership Worldwide rankings para sa June 2025, batay sa mga datos mula sa global analytics company na Tubular Labs.
Ito rin ang highest-ranking media company in the Entertainment and Media category sa Southeast Asia.
Bilang bahagi naman ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng GMA Network, inilunsad nito ang line-up ng mga bagong programa para sa ikalawang bahagi ng 2025.
Read: Kapuso afternoon shows, patuloy na namamayagpag sa ratings
