PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal returns to Sparkle after giving birth

Kris Bernal: "Ang daming memories and flashback, and it’s so good to be back."
by Arniel C. Serato
Published Aug 15, 2025
Kris Bernal inks new contract with Sparkle GMA Artist Center
Kris Bernal on showbiz comeback after giving birth: "Kasi siguro parang nasa isip ko, masyado kong ini-embrace ang pagiging mommy, na sa totoo lang, wala na ako masyadong time for myself at saka wala na rin akong time to do other things. So naisip ko, 'Makakabalik pa ba ko sa showbiz?'"
PHOTO/S: Courtesy: GMA Network on Facebook

Balik-Sparkle GMA Artist Center si Kris Bernal.

Ito ay matapos niyang hindi mag-renew ng contract sa talent management arm ng GMA-7 noong 2020.

Kumuha siya ng bagong manager at naging freelancer.

Pero matapos ang limang taon ay nagbabalik-loob sa Sparkle, dating GMA Artist Center, ang Kapuso actress na nagsimula ang showbiz career matapos manalo sa StarStruck noong 2006.

Read: Kris Bernal speaks up about contract issues with GMA-7

Hindi raw inakala ni Kris na makakabalik pa siya sa showbiz dahil mas tutok ang kanyang oras sa pagiging ina sa magdadalawang taong gulang pa lamang nilang anak ng asawang si Perry Choi, si Hailee Lucca.

Kuwento ni Kris sa GMA News Online: “Kasi siguro parang nasa isip ko, masyado kong ini-embrace ang pagiging mommy, na sa totoo lang, wala na ako masyadong time for myself at saka wala na rin akong time to do other things.

"So, naisip ko, 'Makakabalik pa ba ako sa showbiz?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero natutunan na raw ni Kris ibalanse ang kanyang oras sa trabaho at sa pamilya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa Sparkle at sa GMA Network dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng kontrata.

Pagpapatuloy niya: "So ngayon, sabi ko, kaya ko na, makakabalik na ako. And very thankful ako sa GMA kasi tinanggap nila ko ulit.

“Marami na rin kasi siguro akong nakita na pag nagiging mommy na, parang nagsi-settle na sila and then they didn’t want to go back to showbiz na, okay na sila.

"So, hindi ko akalain na puwede pa pala. Siguro by choice pa rin talaga if gusto mo or hindi na.

"Pero ako siguro dahil kaya ko pa at nami-miss ko rin yung acting, nami-miss ko yung trabaho, nami-miss ko yung industry kaya gusto ko bigyan ng oras."

Read: Liza Soberano finally confirms breakup with Enrique Gil

KRIS BERNAL SAYS IT'S GOOD TO BE BACK ON HER HOME NETWORK

Sinabi ni Kris sa contract signing niya noong Miyerkules, Agosto 13, 2025, na next step sa career niya ang kanyang pagbabalik-showbiz via Sparkle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Very humbling and very meaningful sa akin itong araw na ito kasi it’s not just the next step in my career, pero parang it’s a pause din for me to parang reflect on the shows na ginawa ko with GMA Artist Center pa before, now na Sparkle na."

Present sa contract signing ni Kris sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle First Vice-President Joy Marcelo, and Senior Talent Manager Tracy Garcia.

Kris Bernal with GMA Network’s Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle’s First Vice President Ms. Joy Marcelo, and Senior Talent Manager Ms. Tracy Garcia.
Kris Bernal with GMA Network’s Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes (rightmost), Sparkle’s First Vice President Ms. Joy Marcelo (2nd from left), and Senior Talent Manager Ms. Tracy Garcia (leftmost).
Photo/s: Courtesy: Sparkle GMA Artist Center on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ni Kris, “Ang daming memories and flashback, and it’s so good to be back."

Nag-acting comeback si Kris sa GMA-7 sa pamamagitan ng isang episode ng Tadhana noong Marso 2025.

Read: Nadia Montenegro denies using marijuana in the Senate

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on showbiz comeback after giving birth: "Kasi siguro parang nasa isip ko, masyado kong ini-embrace ang pagiging mommy, na sa totoo lang, wala na ako masyadong time for myself at saka wala na rin akong time to do other things. So naisip ko, 'Makakabalik pa ba ko sa showbiz?'"
PHOTO/S: Courtesy: GMA Network on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results