Inulan ng batikos ang isang Miss Grand Philippines 2025 contestant kasunod ng paggamit niya ng mga buhay na paru-paro bilang props sa preliminary competition ng beauty pageant.
Sunud-sunod ang pagpuna ng concerned netizens at environmentalists kay Arianne Villareal, Miss Grand Caloocan 2025, sa ginanap ng charity gala ng national pageant sa Okada Manila noong Linggo, August 17, 2025.
Isinabay sa event ang prelims ng Miss Grand Philippines 2025.
Nang rumampa si Villareal suot ang kanyang gem-studded emerald gown, kapansin-pansing may mga nakaipit sa kanyang mga daliri.
Sa kanyang pag-project sa entablado, pinakawalan niya ang mga nakapiit sa mga daliri niya — mga buhay na paru-paro.
Sa nag-viral na video, tinutukan pa ng camera ang mga bumagsak na paru-paro sa stage.
Pinag-usapan ito sa social media.
Karamihan sa netizens ay hindi pabor sa pakulo ng kandidata na ginamit na props ang mga paru-paro.
Read: Why senior citizens should get their digital senior citizen ID
NETIZENS REACT negatively
Daan-daan ang nagkomento sa iba’t ibang social media platforms na nagbahagi ng viral video ng kandidata.
Halimbawa, sa Reddit, karamihan sa netizens ay dismayado sa kandidata.
Banat ng isa, maiksi na nga lang ang lifespan ng mga paru-paro, napaiksi pa dulot ng ginawa ni Miss Grand Caloocan.
Sa halip na paghanga, galit ng viewers ang kanyang inani.
“Akala niya ba madadagdagan points niya sa stunt na yan? Audience impact oo—matinding galit,” komento ng isa.
“Kahit na butterflies only live 1-2 weeks, part pa din yan ng ecosystem. They’re not meant for useless props!”

WRATH OF NETIZENS
Nagngingitngit naman sa galit ang isang netizen.
Sabi nito: “This is so stupid. Shame on the contestant and her team for even allowing that. Those poor butterflies had to suffer for this stupidity.”

Pagsang-ayon ng isa pa, “Honestly, who even thought of that? Poor butterflies had to suffer for this nonsense.”
Pakli ng isa pa, “Sinayang pa yung buhay ng mga butterfly hindi din naman nag-work. Si Atecco akala niya ang ganda niya.”



Read: Jayson Patdo: from farmer and helper to bag business owner
ON WHAT THE CONTESTANT SHOULD HAVE DONE
Ang ilang netizens, sinabing sana ay mas itinuon na lamang ng kandidata ang kanyang effort sa pagbibigay ng mas mahusay na performance o pumili ng mas magandang gown.
Bahagi ng komento ng isang netizen, “Sana pinaghandaan mo na lang gown mong meh kesa iasa sa butterfuly ikaaangat mo. LOLS."

Komento ng isa pa, nabigo ang kandidata sa inasahan niyang effect sa paggamit ng mga paru-paro bilang props.
“AND THE CROWD GOES mild,” anang netizen. “Nag-expect ata si Anteh na ma-amaze yung mga tao sa gagawin niya.”

Ito rin ang sentimyento ng isa pang nagkomento: “Kawawa naman yung butterflies. Kahit merong paganyan effects, hindi pa rin nadala kasi hindi okay lakad niya.”

Mungkahi naman ng iba pang netizens, sana ay hindi tunay na paru-paro ang ginamit, kundi artificial na lamang ang ginamit bilang props.
“Jusko naman. Kahit fake butterflies or confetti na lang sana ginamit,” sabi ng isa.
“Di ba may nabibiling fake butterfly na napapalipad din naman? Sana yun na lang ginamit.”


