Masayang sinalubong ni Chie Filomeno ang kanyang ika-29 kaarawan noong August 15, 2025.
Sa unang post niya sa Instagram, ibinahagi ni Chie ang larawan kung saan nakapatong siya sa ibabaw ng isang dambuhalang cake.
Sabi niya sa caption, "IT’S A CHIE FILOMENOMENON! Feeling TwenCHIE-fine!!"
View this post on Instagram
Unang bumati kay Chie ang boyfriend na si Jake Cuenca.
Mensahe ni Jake, "Happy birthday beautiful. [smiling face with heart-eyes, cake emojis]"

Sa isa pang post, nagpasalamat si Chie sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan.
Sabi niya sa caption: "time to eat my cake [cake emoji]
"Thank you so much to everyone who took the time to greet me on my birthday.
"I read each and every message, and my heart is truly full. Grateful for all the love you’ve shown. Here’s to enjoying my last year in my 20s #twenCHIEfine"
Read: Cong. Richard Gomez, pinasaringan si Mayor Benjamin Magalong?
CHIE FILOMENO LAMBASTS BASHER
Sa Facebook, nagbahagi si Chie ng Reel mula sa photoshoot kung saan hawak-hawak niya ang kanyang birthday cake.
Caption niya, "birthday squats [cake emoji]"
Pero isang basher ang walang habas na ikinumpara ang kanyang hitsura sa isang "GRO."
Komento ng basher, "Pweh!!! Parang GRO n naghihintay ng matandang costumer... [laughing emojis]"
Hindi naman siya inurungan ni Chie.
Buwelta niya sa basher: "diP*TA KA, enjoy your day [sad face, praying hands emojies]"

Hindi na sumagot ang basher kay Chie.
Read: Isay Alvarez, umaasang masolusyunan na ang problema sa baha
