PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EA Guzman says 12-year wait for wife Shaira Diaz worth it

EA Guzman: “Hindi lang because of sex. Because you love her."
by Bernie V. Franco
Published Aug 20, 2025
EA Guzman and Shaira Diaz wedding
Edgar Allan "EA" Guzman on vow of purity with wife Shaira Diaz before their wedding: “Yun kasi yung naging foundation ng love namin, e, especially ako kay Shaira. Doon ko siya mas lalong minahal. Doon ako na-in love sa kanya. Doon kami nagkaroon ng respeto sa isat isa."
PHOTO/S: Bernie V. Franco / @shairadiaz_ on Instagram

"Worth the wait" ang paglalarawan ng aktor na si Edgar Allan “EA” Guzman tungkol 12 taong paghihintay para sa misis na niya ngayong si Shaira Diaz.

Ikinasal sina EA at Shaira sa Silang, Cavite, noong August 14, 2025.

Bago ang kanilang kasal, mahigpit umanong sinunod ng dalawa ang kasunduan nilang hindi sila magtatalik hangga't hindi pa sila ikinakasal.

Read: EA Guzman and Shaira Diaz now married

“Worth the wait,” sambit ni EA tungkol sa kanyang paghihintay.

Dagdag niya, “Masaya, masarap sa pakiramdam.

"Ang sarap bitawan yung salitang ‘asawa ko,’ ‘misis ko,’ ‘tsaka may talagang parang spark, alam mo yun?

“After the wedding kinabukasan, may spark sa amin, may kilig. Kakaiba yung feeling.

“Tapos pag nagkatitigan kami, alam mo yung kinikilig kami parehas. Seryoso.

"Napakasarap. Sobrang genuine yung feeling na ayaw naming matapos.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si EA sa contract renewal ni Michael V. sa GMA Network noong Lunes, August 18, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo sa event si EA, kasama ang iba pang cast ng Bubble Gang, para sa special announcement tungkol sa Kapuso gag show na pinangungunahan ni Michael V.

EA GUZMAN ON IMPORTANCE OF VOW OF PURITY

Nausisa si EA tungkol sa kahalagahan ng purity hanggang sa maikasal ang isang couple.

Mismong ang aktor ang nagkuwento tungkol sa birong pahayag ni Shaira na “Magiging masaya ka na mamaya” sa kanilang wedding vows.

Ayon kay EA, “Actually, yung mga guests namin nagtawanan sila, kuwela yung pagka-comedy.”

Pagkatapos ay seryosong sabi niya: “Reaction ko naman doon, totoo naman yun, di ba? Sasaya na ako after… so puwede na, e.

“Sabi nga niya sa mommy, daddy niya, ‘Dad, Ma, puwede na, ah.’ So, oo naman. So, ayun, tawanan... Masaya.’”

But seriously speaking, ipinaliwanag ni EA na ang vow of purity nila ni Shaira ang nagpatibay sa kanilang pagsasama.

Saad niya: “Yun kasi yung naging foundation ng love namin, e, especially ako kay Shaira.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Doon ko siya mas lalong minahal. Doon ako na-in love sa kanya. Doon kami nagkaroon ng respeto sa isat isa.

“Kaya hanggang ngayon, yung simpleng away namin, wala, e.

“Hindi ko siya kayang murahin, di ko siya kayang saktan, di ko siya kayang paiyakin nang sobra-sobra.

“Feeling ko napakaimportante noon,” pagtukoy niya sa kanilang wedding vows.

Hinikayat din ni EA ang ibang nasa ganitong sitwasyon dahil napatunayan daw niyang posible ito.

Sabi niya: “Akala lang nila mahirap. Sa una lang yan.

“Pero pag andun ka na at napatunayan mo na ‘Love ko siya kaya okay lang akong maghintay, okay lang akong ibigay, gawin ang mga sacrifices na ito…’

“For me, sa lahat ng mga kabataan na papasok sa isang relasyon, kung maka-experience kayo ng ganun, kung dumating man sa inyo yung sitwasyon na ganun, tanggapin niyo.

"It’s worth the wait, I promise."

shaira diaz, ea guzman wedding
Shaira Diaz and EA Guzman vowed not to have pre-marital sex in their 12-year relationship before getting married.
Photo/s: @shairadiaz_ on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VALUE OF PURITY

Malaki raw ang kinalaman ang kanilang vow para tumibay ang kanilang relasyon.

Paliwanag ni EA: “For me, for us, tatagal talaga kayo kasi maghihintay ka para sa taong mahal mo.

“So, para sa akin, gaya ng sinabi ko kanina, it’s worth the wait…

“Pero lahat ng sacrifices kaya mo siyang ibigay, kaya mong gawin, kasi nga naghihintay ka para sa taong mahal mo.

“Hindi lang because of sex. No. Because you love her. You love that person.

“Sa akin naman, bina-value ko yun bilang respeto rin kay Shaira kasi siya mismo grabe din yung respeto niya sa sarili niya.

“Ang daming temptation, nag-a-out of the country kami magkasama kami, never ko naramdaman na gusto niya [gawin], at ako rin, never ako nag-attempt.”

Sa September ay nakatakdang lumipad sa Switzerland ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon, na susundan ng trip to U.S. pagsapit ng October.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edgar Allan "EA" Guzman on vow of purity with wife Shaira Diaz before their wedding: “Yun kasi yung naging foundation ng love namin, e, especially ako kay Shaira. Doon ko siya mas lalong minahal. Doon ako na-in love sa kanya. Doon kami nagkaroon ng respeto sa isat isa."
PHOTO/S: Bernie V. Franco / @shairadiaz_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results