Binigla ng trans woman na si Lars Pacheco ang social media nang ianunsiyo niyang hiwalay na sila ng longtime partner niyang si Clyde Vivas.
Bandang alas-siyete ng gabi ng Miyerkules, August 20, 2025, nang isapubliko niya ito sa kanyang Facebook.
Walang nakatunog sa fans ng dalawa na may hindi pagkakaunawaan ang longtime couple.
Sa anunsiyo ni Lars, sinabi niyang wala siyang pagsisi sa loob ng pitong taon nilang relasyon, at tanging magagandang alaala lang ang babaunin niya mula rito.
Maiksing post niya: "7 years it was
"No regrets just memories made.
"I wish you healing.
"I wish myself forgiveness [heart emoji]"
Nilakipan ito ni Lars ng black-and-white photo nila ni Clyde na magkayakap.

Makalipas ang isang oras, isang Reel naman ang ipinost ni Lars. May saliw itong kanta mula kay Adam Levine na "Lost Stars."
Makikita siyang nakaupo sa isang corner ng kanilang bahay.
Tila umiiyak siya habang nakatakip ang kanyang bibig.
Caption ni Lars, "It was beautiful 7 years [heart emoji]"

Read: Lars Pacheco wins Miss International Queen Philippines 2023
NETIZENS REACT TO LARS PACHECO'S POST
Marami sa netizens at kaibigan ng couple ang hindi makapaniwala sa malungkot na balitang ibinahagi ni Lars.
Sabi ng isa, "I really hope this isn’t true. Lars and Clyde have always been an inspiration to us in the LGBT community, showing us what true love really means.
"They say the 7th year is one of the hardest to surpass in a relationship, but your journey has already touched so many lives.
"To Ate Lars Pacheco, sending you my warmest virtual hugs."

May umaasa ding prank lamang ito.
Ayon sa netizen, "I hope prank lang ito ate Lars Pacheco [sad face emoji] You’re relationship with Clyde Vivas was one of those that inspired many to believe in love, and I am one of those."

Sabi ng isa pa, "Sana prank lang to Lars Pacheco and Clyde Vivas [sad face emoji]"
Habang isinusulat ang artikulong ito ay nilimitahan na ni Lars ang maaaring mag-iwan ng komento sa kanyang post.
Read: Lars Pacheco's boyfriend asks netizens to stop spreading video of nip-slip incident
Wala pang reaksiyon si Clyde sa post ng girlfriend.
