Inamin ni Christopher Roxas na dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila ng asawang si Gladys Reyes noong 2024.
Ibinahagi ito ni Christopher sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa sidelines ng Metro Cookware Meet and Greet with Iza Calzado.
Naganap ang event sa SM Home Section ng SM North EDSA noong August 2, 2025.
Read: Clyde Vivas reveals Lars Pacheco left him while he was sleeping
"Alam mo, kung maghihiwalay kami, hindi dahil magloloko ako, o hindi na niya ako mahal, o ano.
"Sabi ko nga, 'Baka maghiwalay tayo sa mga tao sa paligid natin,'" bungad na pahayag ni Christopher.
Hindi tinukoy ni Christopher kung sino ang nakaapekto sa kanila ni Gladys.
Sabi lang niya: "Wala, dumarating yan, e. Nagkakampi-kampihan, ganyan, may sulsol, sino yung magsasalita ng ano.
"Till naintindihan namin na, 'Usap tayo.' Pag-uwi ko last year galing Australia, ayun, naayos namin."
Ayon kay Christopher, ang isa sa naging ugat ng problema nila ay kakulangan ng oras lalo't naging abala siya sa kanilang mga negosyo.
Nakapag-aral si Christopher ng culinary, at dati siyang cook noong panahong siya ay nag-OFW.
Nagamit niya ang karanasang iyon sa itinayong catering at commissary business.
Si Christopher din ang namamahala ng pag-aari nilang restaurant, ang That's My Diner, na matatagpuan sa may Sta. Lucia Mall.
Read: Christopher Roxas recalls odd jobs before becoming a resto owner
Aniya: "Well, nung una, last year naging issue siya kasi buong buhay namin nasa likod lang ako.
"Ngayon na busy na ako, siyempre napansin niya kasi wala siyang ginagawa that time."
Kinailangan daw nilang mag-adjust sa kanya-kanyang trabaho.
Paliwanag ni Christopher: "Naging issue sa amin yung priorities. Basta naging issue sa amin yung purpose ko now, sa negosyo ko, kasi it requires lot of time.
"Wala, e, entrepreneur, wala ka namang pahinga talaga. Matutulog ka, takbo nang takbo sa utak mo.
"Di naman niya yun naiintindihan dahil show business siya, artista siya. Ako yung nakatingin sa oras ng kliyente, siya naman oras niya sa studio."
Nalampasan naman daw nila ang pagsubok na iyon.
"Naging issue sa amin, pero na-work out naman namin. Ngayon, sobrang okay kami," paniniguro ni Christopher.
Dito raw niya napatunayang meron at merong pagsubok kahit na 25 taon na silang mag-asawa ni Gladys.
"Marami pa pala kaming dapat pagdaanan, so non-stop learning talaga yung pag-aasawa, e. Ngayon nama-manage namin."
Ito raw ang sinasabi ni Christopher kay Gladys: "Bebe, no matter what, we live in the moment.
"Kung ang kasama mo... taping or work, we live in the moment. Kung ang kasama mo ang mga bata, we live in the moment.
"Pag kasama kita, kaibigan ko, I live in the moment."
Dagdag niya, "Yun lang parati para di ka naggi-give in sa maraming bagay."
Read: FPJ right hand recalls how Da King turned down a blank check
christopher roxas ON avoiding tEMPTATIONs
Tulad ng unang nabanggit ni Christopher, kumpiyansa siyang pagdating sa pagiging faithful ay di raw siya makukuwestiyon.
Alam daw niya kung paano iwasan ang temptasyon.
Paliwanag niya: "Siguro magaling lang akong tumakbo. Sabi ko nga, lumakad din naman ako sa gilid ng impiyerno, hindi lang ako tumuloy.
"Siyempre naging bata rin ako. Ang TV days, lahat.
"Pero siguro nung ikinasal ako, alam ko lang kung ano ang gusto ko sa buhay."
Paliwanag pa ni Christopher: "Di naman ibig sabihin di ako tumitingin sa iba. Na-a-appreciate ko yung ganda, na-appreciate ko yung beauty, ganun.
"Pero yung tatawid ka pa, huwag na. Tatay ko sa ganyan kami nasira.
"Titingnan ko na lang yung magandang bagay, pero ayokong mangyari pa yun sa akin.
"Hindi ko gagawin yun sa pamilya ko."
Read: Hunk actor at tisay na aktres, involved sa rebound romance?
ALL ABOUT COMMITMENT
Twenty-five years nang kasal sina Christopher at Gladys, at bago iyon ay ilang taon din silang magkasintahan.
Kaya itinuturing na isa sa pinakamatatag na showbiz couples ang dalawa.
Paano iyon makamit?
"Siguro dapat alam niyo sa sarili niyo yung commitment niyo," saad ni Christopher.
"Hindi naman every day mahal mo ang asawa mo, hindi every day okay kayo. May araw na iniisip mo, nakakairita siya.
"Pero at the end of the day, parati mong titingnan yung why. Bakit ko kasama ito?
"Kasama ko siya kasi siya ang pinili ko sa buhay. Ako, dun lang.
"Saka ako, parati kong sinasabi pag nag-aaway kami, 'Dito na ba tayo maghihiwalay?'
"Pag hindi, di hindi. Sayang yung oras. Mas maganda na may gawin tayong produktibo."
Read: MC at Lassy, balik sa It's Showtime makalipas ang dalawang buwan
on money matters
Siniguro rin ni Christopher na hindi naging isyu kahit kailan sa kanila ni Gladys na mas sikat at mas malaki ang kita sa kanya ng asawa.
"Hindi kasi ako insecure na asawa, e," diretsong saad ni Christopher.
"Sabi ko nga, Primera Kontrabida siya, si Gladys Reyes siya, malaki ang suweldo niya.
"For a while, wala akong trabaho. Pero alam ko kasi what I put on the table."
Wala raw kuwestiyon pagdating sa pagiging padre de pamilya niya.
"Alam ko pagdating sa bahay, ako yung pinakamagaling na tatay, ako rin yung pinakamagaling na asawa.
"May sarili akong galaw kaya si Gladys walang issue sa akin, may ganun kami.
"Kasi ang daming showbiz couples na nakita natin na naghiwalay dahil nawalan ng trabaho yung isa, yung isa may trabaho.
"Saka ako, hindi naman ako masyadong showbiz."
Sabi pa ni Christopher, "Saka binibigay ko sa kanya buong suweldo ko, wala naman akong ano diyan."
Si Gladys daw ang bahala pagdating sa budget ng pamilya nila.
"Siya, huwag na ako, ang dami ko nang iniisip."
Sa huli, sabi ni Christopher, "Now, nagko-concentrate kami sa mga anak namin. Si Christophe, may album na siya, nilabas na."
Ang anak nilang si Christophe Roxas, 19, ay sumabak na rin sa showbiz at bahagi ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
