Sangkot na naman sa kontrobersiya ang 21-anyos na vlogger at businessman na si Josh Mojica.
Bukod sa pagiging content creator, nakilala si Josh dahil sa kanyang negosyong kangkong chips na sinimulan niya noong pandemic.
Noon lamang Hulyo 2025, nag-viral ang video ni Josh kung saan nagbi-video siya habang nagmamaneho ng Porsche sa kahabaan ng EDSA.
Ipinatawag siya ng Land Transportation Office. Humingi siya ng patawad, pero sinuspinde pa rin ang kanyang driver’s license ng 90 days.
Read: Josh Mojica sorry after Porsche vlog leads to license suspension
JOSH RESPOTS 'BILYONARYO' CLAIM
Pero dahil sa isang recent Facebook post tungkol sa kanyang yaman, muli niyang napukaw ang atensiyon ng netizens, kabilang na si former Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon.
“21 years old ‘bilyonaryo na’ ikaw?” post ng isang unofficial Facebook fan page ni Josh noong August 18, 2025.
Ni-reshare ito ni Josh sa kanyang official Facebook page, batay sa screenshot na ibinahagi ni Guanzon.

Noong August 21, 2025, nag-post si Guanzon kalakip ang screenshot.
Bilang point of comparison, ipinost din ni Guanzon ang isang art card ukol kay Edgar “Injap” Sia II, Mang Inasal founder, na pinangalanang youngest billionaire noong 2011.
Caption ni Guanzon sa kanyang FB post (published as is): “Akala ko ang youngest billionaire ay may ari ng mang inasal? Bat nagclclaim itong si kangkong?
“Bureau of Internal Revenue Philippines paki check nga ang taxes ng tao na yan.”

Nagsunud-sunod din ang batikos ng netizens kay Josh.
Ang karamihan sa mga komento, pagpuna sa anila'y pagyayabang at ego ng young businessman.
Sabi ng ibang netizens, publicity stunt lamang ito ng content creator para sa kanyang negosyo.
Ang iba naman, pinatutsadahan si Josh tungkol sa na-revoke niyang driver’s license.



Kapansin-pansin ding tinanggal ni Josh ang pag-tag niya sa “billionaire” post. Hindi na ito makikita sa kanyang feed.
Sinundan niya ito ng mga post tungkol sa hard work at pagiging humble.
"A Day in the Life of an Ultra-Humble 21 Years Old CEO," caption niya sa isang recent video clip tungkol sa kanyang pagiging young businessman.
Wala naman siyang direktang pahayag ukol sa kontrobersiya.
