Halos isang taon nang single si Vina Morales, 49, pero inamin ng singer-actress na ipinagdarasal pa rin niyang makatagpo ng future husband.
Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media kay Vina sa Star Magic Spotlight presscon sa may Quezon City, kahapon, August 26, 2025, isa sa mga inusisa sa kanya ay kung kamusta ang lagay ng puso niya ngayon.
Saad niya: "Well, I have to be honest. I mean, I've always been open naman na I wanna date.
"I wanna meet someone who's really right for me.
"But it just so happened na hindi nagwo-work out or parang hindi talaga para sa iyo, e.
"Kaya ako ngayon, ayaw kong pilitin ang isang bagay na hindi para sa akin.
"Kung alam niyo yun, parang kasi ako lang mahihirapan kung ipipilit ko na talaga, 'Hindi, kailangan maging kami. Hindi, kailangang I have to work things out with this person,' ganyan.
"Pero kung hindi talaga para sa yo, tanggapin mo na lang. So, ganun yung outlook ko sa buhay ngayon."
Dagdag pa ni Vina: "Of course, nakakalungkot ano, gusto ko rin namang magkaroon ng siguro stable na lovelife.
"Na I want someone to be there for me all the time. Na pag may kailangan ako, pag may problema ako, may natatakbuhan ako.
"Nandiyan lang yung pamilya ko,.
"Pero gusto ko ng lovelife, guys. So I think I'm praying for that.
"Every day I pray for my husband, honestly, cause prayers move mountains and para sa akin, yun lang yung dasal ko."
Bakit ang dasal niya ay "husband" kaagad at hindi muna "boyfriend?"
Paliwanag ni Vina: "Ayaw kong nagdadasal sa yung dini-date or parang nakikipag-date sa akin, ayaw ko.
"I always pray for my husband, for my husband to be safe.
"And kasi, hindi ko alam kung sino siya. So, para sa akin, kung ang alam kong may... meron namang someone for me.
"So, ang pini-pray ko sa kanya araw-araw na, you know, for guidance na sana makita na niya ako.
"But it's true, kasi bakit ako magpi-pray sa isang taong dini-date ko or parang may gusto sa akin, o alam niyo yung parang...
"Kasi hindi naman ako sure sa kanya, e. So, gusto kong maging sure.
"Kung sino man yung husband ko, pini-pray ko kay Lord, kung sino yung husband ko, 'Lord, sana siya. Siya na yung pakilala Niyo sa akin. Ayoko na nung iba.'
"Ayoko yung may ano kasi nagpapatagal lang siya, di ba? Ang tagal-tagal na, e. Joke!
"Ang tagal-tagal na, e, no? Saka doon sa paghihintay din... Biro yun.
"But then, I always pray for my husband—that's my prayer every day.
"For my daughter, Ceana, for myself, for my husband, and for my family."

Read: Carla Abellana wonders about Discayas’ "luxury car haul"
VINA MORALES ON LONGEVITY
Masayang-masaya rin ngayon si Vina dahil aktibo pa rin ang kanyang singing at acting career makalipas ang apat na dekada na niya sa industriya.
Kagagaling lamang niya sa Amerika para sa PISTAHAN Festival sa San Francisco, California; at Fiesta in America sa New Jersey para makahalubilo sa mga Pinoy doon hatid ng GMA Pinoy TV.
No. 1 din sa ratings ang afternoon drama series na pinagbibidahan niya sa GMA-7, ang Cruz vs. Cruz.
Ano sa tingin niya ang sikreto kung bakit nagtagal siya sa showbiz?
Saad ni Vina: "Sa akin, grateful ako.
"Never kong naiisip ng ganyan kailangan mas feeling ko dahil mas may magagandang proyekto na nandidiyan pa rin.
"If you feel, if you're humble enough, I guess you will have more projects.
"For me, because sa akin, sa tagal ko na dito, ang daming mga magagaling na upcoming or ang daming before na mga talented singers or actors, because I consider myself as a singer, too, you know?
"Maraming ganun na situation, pero maraming magagaling at talented. Pero kung may attitude problem, hindi talaga siya nagtatagal.
"Because I always believe kasi na yung mga production, siyempre nakikiramdam yan. Kung problema ka sa set, hindi ka na kukunin, di ba?
"So, yun ang mga napansin ko, ha, over these years, na kailangan pa rin talaga you have the right attitude.
"Even though you're very talented, pero kung wala kang... kung hindi ka humble and not grateful enough, then you won't work here.
"Yung longevity mo dito, hindi talaga magwo-work."
Read: Claudine Co, binabatikos dahil sa pagbalandra ng lavish lifestyle
