College sweetheart ni Vito Sotto Generoso ang fiancé na si Michelle Cobb, at nakatakda silang ikasal sa Oktubre ngayong taon.
Si Vito ay anak ni Apples Sotto, panganay na anak nina Senator Vicente Sotto III at Helen Gamboa.
Si Vito ay konsehal sa ika-anim na distrito ng Quezon City, at siya ang namumuno ng Climate Change and Adaptation Environment committee roon.
Isa rin siyang professional football player, at vocalist-guitarist ng bandang Sweet Lobos.
Si Michelle naman ay retired Premiere Volleyball League (PVL) player, at ngayon ay assistant manager sa Akari Chargers.
Pitong taon na silang magkarelasyon, at noong December 19, 2024 nag-propose si Vito kay Michelle.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Vito ang love story nila ni Michelle.
Labing-walong taon gulang sila nang magkakilanlan habang magkakm 76pa lang daw sila noon at nagkataon na magkaklase sa kolehiyo.
Nakangiting balik-tanaw ni Vito, "I spoke to her, one Wednesday, February 7, 2018. I spoke to her during class, and after class we went out to have something to eat.
"And after that, nasabi ko, 'Gusto ko ‘tong girl na ‘to.' And same month, February 28, naging kami."
Anong mga katangian ni Michelle ang masasabi niyang dahilan kung bakit ito ang gusto niyang makasama habambuhay?
"She’s very understanding, very patient, and she’s very beautiful," saad ni Vito.
Sabay pag-amin niya, "At the same time, what she does to me, she makes me a better man."
Paano siya na-inspire ni Michelle?
"I admit na before I met her, nando’n lang, may band ako. Wala akong aspiration in life.
"Marami akong nagagawa, pero ang iniisip ko lang sarili ko, basically.
"But when I met Michelle, my whole way of thinking changed. I became more of someone who thought of others first.
"Parang mas naging lalaki ako. She made me a better man and until now, that’s what he continues to do. She continues to inspire me."
Hanga raw siya sa pagiging achiever ni Michelle.
"Imagine at a young age nakuha siyang scholar, basically because of volleyball.
"Pero, honor student pa siya. Kinukuha siyang model. Parang ako, nag-aaral lang dati para pumasa.
"But because of her, naging honor student din ako."
Bukod sa hilig nila sa sports, pareho rin silang mga animal welfare advocate.
"Actually, marami kaming same sa way of life,” kuwento pa ni Vito.
Dagdag niya: "Marunong din siyang mag-commute, jeep, MRT. Siyempre, noong una, before I met her, star player ng school, sikat, pero napaka-simple lang niya.
"I guess, growing-up from my environment, ayoko kasi ng maarteng babae, natawang sabi niya.
Sila raw ang "first and last" ng isa't isa.
At 27, bakit naisipan niyang magpakasal na?
Sagot ni Vito, "I don’t want to sound sentimental or anything, pero growing-up, di ba, I grew up with my mom being a single parent.
"So ang tumayong erpat ko talaga ay ang lolo ko [Vicente Sotto III]. My mom, at the same time tried to be a father figure, which, I’m very happy [with].
"But you know, as you grow up, iniisip ko siyempre what it is with a complete family. So I was always praying to lead me to the right woman, at siyempre, [yung] makakasundo rin po yung mom ko.
"And from the day one that I have met Michelle—well, actually, even before pa na maging kami, naglalakad lang siya, sabi ko sa best friend ko, 'Magiging asawa ko yan.'"
Hanggang sa ngayon nga ay matutupad na ang nasabi niyang iyon noon.
"I proposed to her, December 19, 2024, it was the birthday of my dad, and he passed away [in] 2020.
"In a way, I chose that date parang to honor rin my dad, parang nando’n siya, ‘di ba?"
Kuwento pa ni Vito, noon pa man ay gusto na niyang makasal sila.
"Not everyone knows this, pero noong four years na kami, she knew I was going to propose and she said no.
"Sinabi ko sa mom niya, and then yung mom niya, siguro yung gut feeling ng mom.
"Inunahan ako ni Michelle na, 'Alam mo, kung magpo-propose ka, ‘wag mong gagawin.'"
Ano ang naramdaman niya noon?
"Siyempre ako, yung ego ko, pride ko, parang na-hurt ako. I was very sad.
"But after that, I’m very thankful because that’s when I started working on myself. Na-challenge niya ko to be a better man.
"And this time naman, nagpaalam ako ulit sa family before akong nag-propose."
Nilinaw ni Vito na walang kinalaman ang pagpapakasal nila ni Michelle sa naging pagreretiro ni Michelle na maglaro sa PVL.
"May mga lumabas nga po na, 'Ikakasal na, pagbabawalan.' Pero hindi po," nakangiting sabi ng binata.
"With her retirement, actually hindi naman niya sinasabi, but she’s also a player na na-achieve na niyang lahat, e.
"Assistant Team Manager siya ngayon. She’s still around, hindi na nga lang as player."
Read: Who is Claudine Co?
VITO SOTTO generoso ON BEING A COUNCILOR IN QUEZON CITY
Samantala, ikalawang termino na ni Vitto sa pagiging konsehal. Pero bukod dito, siya ay isang professional football player.
Kaya raw karamihan ng mga proyekto at adbokasiya niya ay sa pagsusulong ng football program para sa kabataan.
"On top of that, I have advocacy on mental health where I passed a resolution urging the City to put up our own mental facility.
"Sa bansa kasi natin or N.C.R., wala tayong mental health facility. Ang meron lang, do’n sa Mandaluyong, pero hospital yon, hindi siya mental health facility which is very different.
"I think, it’s something we can invest as a country, not just as a city.”
Una munang ipinaliwanag ni Vito ang passion niya sa football.
"Noong high school kasi, mas focused ako sa football. So naisip ko, pagdating sa college, kahit anong course," balik-tanaw niya.
Kinuha niyang kurso sa De La Salle University ay Behavior Science Major in Organizational System Management.
"Nagdasal lang po ako na, ‘Lord, ikaw na ang bahala kung ano ang makuha kong course.'
"Basta ang naisip ko, basta walang Math,” natawa niyang sabi.
"Pero sa totoo lang, yun ang nangyari. Pero nagustuhan ko ang course ko. Kahit na may opportunity na magpalit ng course, hindi na po ako nag-shift."
Kahit na nahilig din sa pag-awit at pagtugtog, hindi raw niya talaga nakita ang sarili sa mundo ng showbiz katulad ng ibang mga kamag-anak o miyembro ng pamilya niya.
"Kung maco-compare ko sa dalawa, never ko naman na foresee na magso-showbiz ako.
"Pero, never ko rin na-foresee na mag-politics ako. Pero, na-foresee ko naman na mahilig akong tumulong sa tao, genuinely.
"Bata pa lang ako, mahilig na akong sumali sa iba’t ibang organization na tumutulong sa mga tao.
"Siguro subconsciously, nakikita ko sa member ng family pati sa mga kaibigan ko, gano’n din po sila, e.
"Pero sa totoo lang, ang pagiging councilor, hindi naman ako important na tao. Kasi, hindi naman ako magigiging councilor kung hindi ako binoto.
"At the end of the day din, sa lahat ng projects na nagagawa ko, hindi naman akin yan, gamit ko yung budget ng city, galing sa buwis ng tao.
"Palagi kong sinasabi sa speech ko na dapat, hindi kayo nagte-thank you sa akin. Kasi, trabaho ko ‘to."
Dagdag pa niya, "And sa course ko, ang itinuro rin sa amin, in every organizations, may it be government or business setting, nobody is above another person.
"Everybody has their own roles at yun din ang sinasabi ko sa mga tao."
Bukod sa marami sa pamilya niya ang nasa mundo ng pulitika, at mismong lolo niya na si Vicente Sotto III, nagsimula raw mas ma-expose si Vito sa public service noong panahon ng pandemya.
"I was working in H.R., then my dad died during pandemic. Sabi ko, how can I help my mom?
"Yung mom ko, single parent [na] po siya. Ayoko naman na tapos na ko ng college, tapos, pabigat pa ko sa mom ko, di ba? Gusto ko talagang mag-work.
"At nagpapasalamat ako sa ninong ko, Vice-Mayor Gian Sotto na yung work, kami ang magbibigay ng relief goods.
"Sabi ko, work ‘yon, e. At naisip ko rin, God’s calling. Baka the Lord put me into this position to help."
Bilang konsehal, nakasama niya si Quezon City Mayor Joy Belmonte na maging delegado sa United Nations Summit sa Kenya, Africa.
Hindi makalimutan ni Vito kung gaano raw ka-interesado sa ginagawa niyang programa sa sports ang mga nakasama niya rito.
"Noong una, marami ang nagsasabi sa akin na hindi ka makakakuha ng boto diyan. Hindi ako sinusuportahan ng mga tao na gusto kong magtayo ng football program para sa tao.
"Ang sa akin, gusto kong gumawa ng programa hindi naman para sa boto. It’s about what I want to do to help the people.
"Siyempre, football ang pinili ko dahil yun ang sports ko. And more than that, it’s giving these kids a different opportunity.”
Ang mga batang nakakasama niya sa football program ay may edad anim hanggang labing-apat na taong gulang.
Para kay Vito, mali rin daw ang kaisipan na pang-mayamang sports lang ang football.
"Sinasabi ko sa mga nakakausap ko sa bara-barangay. Kung makikita po natin ang Brazil, Argentina, kung makikita mo ang mga bata kahit naka-paa, sa kalye lang.
"Siguro kasi sa bansa natin, it’s not accessible to people. Kahit naman sa basketball court, kahit hindi sa malaking field.”
Sa loob ng halos tatlong taon, may dalawang libong (2,000) bata na raw ang tine-train nila sa iba’t ibang barangay sa bansa.
Read: Gela Alonte responds to backlash over political dynasty remark
vito sotto generoso ON MAYOR VICO SOTTO
Naikuwento rin ni Vito ang isang pag-uusap nila ng tuyuhin niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto, na lubos niyang hinahangaan.
Tiyuhin na niya ito bilang pinsang buo ng kanyang inang si Apples si Vico.
Pagtukoy niya ukol sa Pasig City mayor, “Actually ka-text ko lang siya kagabi. I was driving in Pasig, sa may C. Raymundo.
"Naalala ko dati, walang ilaw diyan. Ngayon, grabe ang ilaw niya, may green lights on the road. So makikita mo talaga ang daan, pati kung may mga bikers.
"Tinext ko siya na, ‘Kuya, ang galing mo!’ Tapos tinanong niya, ‘Ba’t ka nandiyan?’
Dahil hindi naman daw malaki ang agwat ng edad nila, mas nakasanayan niya itong tawaging Kuya Vico.
Mga bata pa lang sila ay nagkakalaro na sila.
Natawa lang ito at inaming may mga pagkakataong napagkakamalan siya ang tiyuhin niya.
Read: Vico Sotto explains need to call out journalists on Discaya issue
ON HIS LOVE FOR MUSIC
Isa pang pambalanse ni Vito ay ang hilig niya sa musika.
Bilang vocalist-guitarist ng Sweet Lobos, marami na rin daw siyang naisulat na kanta. Bukod sa ilang gigs, nakapag-Wish Bus na rin daw sila.
"Kasama ko sa banda si Christian Tiu, Anton Go, at si Diego Pineda," ani Vito.
Si Christian ay kapatid ng dating basketball varsity player at host na si Chris Tiu.
Ukol naman kay Anton, "Matagal na kaming friends nang malaman namin na mag-pinsan pala kami, sa Generoso."
May bago raw silang kanta na kaka-release lang at maaaring mapakinggan sa Spotify at YouTube.
