PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao recalls bonding with Czech actress Sara Sandeva

Paolo: "Ang hirap mag-English... na minus 10 degrees!"
by Rommel Gonzales
Published Sep 1, 2025
Paolo Gumabao talks about working with Czech actress Sara Sandeva
Paolo Gumabao on Spring in Prague leading lady Sara Sandeva: "Bigay na bigay siya sa mga eksena. Pagdating sa set, 100% prepared na.”
PHOTO/S: Jerry Olea / @paologumabao on Instagram

Bida sa pelikulang Spring In Prague si Paolo Gumabao, 27.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang experience ni Paolo sa pagsu-shoot ng pelikula sa Prague, na pinakamalaking siyudad at capital ng Czech Republic.

“Una sa lahat, sobrang dream come true kasi tagal ko na talagang pinangarap na makagawa ng pelikula sa ibang bansa,” umpisang pagbabahagi ni Paolo.

Pero siguro ang masasabi ko is sobrang lamig. Ang hirap pala mag-English ng dire-diretso ng malamig, na nangiginig yung lahat ng parte sa katawan mo.

"Ang hirap mag-English, mahirap yun," natawang bulalas ng aktor.

Leading lady niya sa pelikula ang Czech actress na si Sara Sandeva at ang direktor naman nila ay Lester Dimaranan.

"Pero it was a great experience and it was an honor working with Sara, and siyempre sila Direk Lester and everyone on the team, si Atty.

"Sa lahat ng mga cast, congrats po sa inyo; and iyon, it was a wonderful experience."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Spring In Prague ay iprinodyus ng Borracho Films, ang film company na ang executive producer ay si Atty. Ferdinand Topacio.

Read: Ellen Adarna's IG Stories intrigue netizens

PAOLO GUMABAO ON WORKING WITH SARA SANDEVA

Kumusta si Sara bilang leading lady?

“Sarap katrabaho," bulalas ni Paolo.

Lahad pa niya tungkol sa 28-year-old actress: "Kasi isa sa pinaka na-appreciate ko, sa pag kunwari meron mga katrabahong artista, is yung pagiging collaborative nila.

"And si Sara, every time, every scene, you know, we would sit through it, we would throw lines.

“Hindi mo na kailangan na alam mo yun, yung pipilitin mo pa. And you just ask her and, ‘Yeah let's go!’

“And every time na nag-throw lines kami, talagang 100% siya, bigay na bigay siya sa mga eksena.

“That's one of the traits about her na na-appreciate ko.

"Aside from that, yun nga, yung professionalism. Pagdating sa set, 100% prepared na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba ang dynamics kapag Pinoy ang kaeksena. May adjustments ba si Paolo sa kanyang banyagang katrabaho?

"Parang wala naman, e," sagot ng binata.

"Kasi you know, Sara was very friendly, she was very easy to work with.

So parang me, as a Filipino, I didn't feel the need to change my… yung mag-adjust yung ano.

"Kasi kung paano naman tayo dito sa Pilipinas sa leading lady natin, kahit sino, kahit anong lahi yan, same lang trato natin, kasi babae, di ba?

“So I think wala namang adjustments."

Nakatulong din daw ang magandang scenery para ma-enjoy nila ang production ng pelikula.

"Naging icebreaker namin? I think magandang location talaga yung Puerto Galera.

“Alam niyo, kapag nakapag-shoot kayo dun ng buong cast, imposibleng hindi kayo makakapag-bonding.”

Read: Lexi Gonzales, other celebs lament latest flooding

PAOLO GUMABAO ON SHOOTING IN PRAGUE

Ano ang eksena niya sa pelikula ang pinaka hindi malilimutan ni Paolo?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siguro yung eksena na nag-aaway kami ni Sara," sagot niya.

“We were shooting. Ano yun, minus 10 degrees, so away. Tapos ang hirap itago [ng lamig], e.

"Kasi every time nangyayari, okay on the set, lahat kami balot na balot kami, naka-comforter kami, nanginginig kami.

"Tapos, ‘Action!’ Biglang straight ang kilos. Parang it’s tricky to maneuver around, like having to work with the weather.

"And siyempre sa mga equipment pa natin, kailangan ingatan."

May maibabahagi pa si Paolo na natutunan niya sa tradition ng mga Czech?

“Actually, sa totoo lang, hindi namin masyadong naikot yung Prague na mag-ikot ng for fun lang, kasi nung nandun kami, the whole time we were shooting.

So if ever man na makakagala kami, pupunta lang kami sa Old Town, tapos bibili ng mga gamit.

"Pero hindi namin masyadong napasok yung kultura nila kumbaga.

"Hindi kami masyadong nakapaghalubilo, kami-kami pa rin ang magkakasama, maliban na lang kay Sara.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Who is Claudine Co?

SHOOTING IN THE PHILIPPINES

Sa pelikula ay gumaganap si Paolo bilang si Alfonso na isang resort owner kaya nag-shoot rin sila sa Puerto Galera.

Turista ang karakter ni Sara, at hindi maganda ang first impression niya kay Paolo sa unang pagkikita nila sa pelikula.

Magkakahulugan ang loob ng dalawa, pero magiging sagabal ang ama ni Sara na tututol sa kanilang relasyon.

Babalik ng Prague si Sarah, at susundan siya roon ni Paolo.

Dahil sa Spring in Prague, mas na-inspire raw si Paolo na makipagtrabaho pa sa mga artists na iba-ibang lahi.

“Always, always. It's been a dream of mine, you know, to act, to shoot films in the Philippines, abroad. So you know, the thought of it, it really motivates me,” saad niya.

Dito sa Pilipinas ay mas nakapag-bonding daw sila ni Sarah. Ipinasyal daw nila ito sa ilang lugar sa Metro Manila.

“We did, we did. Dinala namin si Sara sa BGC, I think it's called Bank Bar, yung parang secret bar sa 7-Eleven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So we brought her there, nag-enjoy naman siya, na-enjoy niya yung mga cocktails natin, yung Weng-Weng, iyon!

“At saka dinala namin siya sa boodle fight. So naka-experience siya ng ano, yung paano tayo kumain, sa Morato ‘to.”

Sa panulat ni Eric Ramos, nasa Spring In Prague rin sina Elena Kozlova, Tori Topacio, Ynah Zimmerman at Marco Gomez.

Ipapalabas ang pelikula bago matapos ang taong 2025.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao on Spring in Prague leading lady Sara Sandeva: "Bigay na bigay siya sa mga eksena. Pagdating sa set, 100% prepared na.”
PHOTO/S: Jerry Olea / @paologumabao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results