Hindi napigilang maiyak ni Mika Salamanca habang binabasa ang isinulat niyang children's book na Lipad.
Sentro ng kuwento sa libro si Mahika, isang batang diwata na tingin sa sarili ay hindi good enough dahil maliit at kakaiba ang kanyang pakpak.
Pero may mga makikilala siyang iba-ibang karakter sa hardin ni Lola na makakatulong sa kanyang mas makilala ang sarili at tanggapin ang kaibahan niya.
Napahinto si Mika sa pagbabasa nang humantong sa puntong nakaharap niya ang diwatang nagsabing, "Ako ang mas malakas na ikaw."
Ito ang nagbukas ng mga mata niya na, "Hindi mo gustong maglaho. Gusto mo lamang may makakita sa 'yo at magsisimula yun sa 'yo."
Paliwanag ni Mika: "Malaking parte din po siguro yung pagpapakilala ko sa mga tao during the time nung nasa PBB ako.
"Lagi kong hinihintay na makilala ako ng mga tao. Lagi kong hinintay na malaman nila yung puso ko.
"Siguro po naging emotional ako sa part na 'to kasi, yun, parang ang tagal kong hinintay na makita din po nila kung ano yung nakikita ng mga mahal ko sa buhay o ang mga nagmamahal sa akin."
Dagdag niya: "Tsaka isa din po yung nasa isip ko na yung mga batang magbabasa nito or yung mga taong may doubt sa sarili nila, baka hinintay lang nila makilala yung sarili nila na mas stronger.
"Kaya po na-imagine ko yung dating ako na naghihintay lang sa ganun."
Sinabi ito ni Mika sa solo presscon niya para sa launch at book reading ng Lipad. Ginanap ito sa Citadines Hotel sa Roces Avenue, Quezon City, kagabi, September 1, 2025.
Si Mika ay vlogger, actress, at Kapuso Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.
Read: Vico Sotto explains need to call out journalists on Discaya issue
MIKA SALAMANCA ON OVERCOMING INSECURITIES
Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang source of insecurities niya noon, sabi ni Mika, "Maraming pagkakataon na naramdaman ko na ako si Mahika."
Isa raw dito ay ang karanasan niya noong high school years niya sa U.S.
Balik-tanaw ni Mika: "Siguro po nung nag-migrate kami sa ibang bansa, isa din po yun sa mga moments na yon.
"Kasi siyempre iba po yung lahi ko, nag-a-adjust pa po ako sa culture and stuff like that. So, ang dami ko pong pinagdaanan sa school namin from the past.
"Kaya rin, di ba, meron po dito sa istorya na 'to na sinabi ni Mahika na, 'Ayokong mabasa kasi baka makita nila yung totoong kulay ng pakpak ko.'
"Kasi nagkaroon po ako ng times sa buhay ko na kahit gustung-gusto kong pumuti, gustung-gusto kong iba yung shape ng mata ko, iba yung ganito...
"May mga time po na ganun, lalo na pag teenager ka.
"Siguro doon ko po nakuha yung part na kino-cover ni Mahika yung pakpak niya para mag-fit in sa tingin niya na tatanggapin ng ibang tao galing sa kanya."
Tanong ulit ng PEP: "Paano mo na-overcome yun?"
Sagot ni Mika: "Na-overcome ko po siya sa tulong din po ng pamilya ko.
"And siyempre, the more na tumatanda po ako, the more na tinatanggap ko po kung ano lang po yung kaya ng katawan ko o kung ano lang po yung kaya kong ibigay.
"Siguro malaking tulong din po talaga yung pagmamahal ng pamilya ko sa akin.
"Kasi sila po yung napakalaking reminder ko na kahit na anong mangyari sa akin, kahit na sino ako, kahit na anong ipakita ko sa kanila, tatanggapin nila ako."
Read: FPJ right hand recalls how Da King turned down a blank check
MIKA SALAMANCA ON HER MOM'S REACTION
Napag-alaman naman ng PEP na hindi pa nababasa ng mga magulang ni Mika ang Lipad.
"Sa tatay at nanay ko po tanging hindi ko po pinabasa. Kasi po, gusto ko din po sila ma-surprise," saad ni Mika.
"Actually, itong event na 'to. Kanina pa nga po nagtatanong yung mom ko kung ano po yung ganap po today.
"Kasi po every day, every morning, magka-video call po kami ng family ko.
"Then lagi po nila tinatanong, 'Anong ganap mo today? Anong gagawin mo today?'
"And today po, hindi ako sumasagot. Today, di po nila alam kung ano talaga mangyayari. Kaya excited po ako."
Kinuntsaba na raw ni Mika ang ate niyang nakatira rin sa U.S., na magbi-video ng reaction ng mga magulang nila sa kanyang libro.
Ang Lipad ay opisyal na ilulunsad sa Manila International Book Fair 2025 sa September 10-14.
Limited copies ng libro ang ibebenta sa PaperKat Books Booth #2-122 sa second floor ng SMX Convention Center.
Ang gumawa ng illustration para sa Lipad ay si Jewella Villarisco.
Nabanggit din ni Mika na ang kanyang co-managers sa Aguila Entertainment na sina Kat Aguila at Jan Enriquez ang kumumbinsi sa kanyang ibenta rin ang libro para mas madaming makabasa.
Plano rin ni Mika na ibahagi ang libro sa kanyang outreach activies sa mga bata.
@pepalerts PBB Celebrity Collab Big Winner Mika Salamanca turns emotional as she reads her very own children's book Lipad. Based oh her own story, the book centers around Mahika's journey to loving herself, flaws and all. #PEPNews #EntertainmentNewsPH #NewsPH #PEPvideo ? original sound - PEP.ph
