PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinay nurse, kids suffer assault, discrimination from UK couple

“Go back on the boat!”
by Bernie V. Franco
Published Sep 4, 2025
Apple Moorhouse
Filipino-British nurse Apple Moorhouse (in black) shares on social media her ordeal after suffering racial abuse from an elderly British couple at Manor Heath Park in Halifax, England. The couple was later identified and brought to the police station.
PHOTO/S: Apple Moorhouse on FB

Pang-iinsulto, diskriminasyon, at pananakit ang naranasan ng isang Filipino-British nurse mula sa isang British couple na kapwa may edad na.

Inilahad ni Apple Moorhouse, isang British national at nakatira sa Huddersfield, England, ang kanyang masamang karanasan sa pamamagitan ng Facebook.

Nangyari raw ang insidente sa Manor Heath Park sa Halifax, West Yorkshire, England.

Nakunan ng videos ni Apple at ng kanyang anak ang mga pangyayari na ibinahagi ng nurse sa Facebook.

Read: The story of pan de regla and its other shocking names

THE VIRAL INCIDENT

Unang nag-post si Apple sa Facebook noong August 29, 2025.

Humingi siya ng tulong sa mga kaibigan para matukoy ang elderly couple na aniya'y “very racist and physically and verbally assaulted me, my daughter, and my dad when we were at the park.”

Giit ng nurse, kailangan daw managot ang couple dahil sa ginawa ng mga ito.

Kinabukasan, August 30, nagdetalye si Apple sa kanyang sumunod na post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang namamasyal daw sila sa park, may isang asong tinatahulan at sinusundan ang six-year-old daughter ni Apple at ang lolo nito.

Natakot daw ang bata, pero pinabayaan muna raw ni Apple ang pangyayari.

Makalipas ang ilang minuto, nilapitan daw ni Apple ang elderly couple at ang kanilang grupo.

Sabi ni Apple tungkol sa matandang lalaki, "If he can't handle his dog, it shouldn't be off [leash] because they are in the public area. I don't normally confront people, but I felt like I had to.”

Sinubukan daw pigilan ng matandang lalaki ang kanyang aso, pero dahil hindi niya mahabol ang aso ay hinayaan pa rin niya ito.

Nagtawanan pa raw ang grupong kasama ng British couple.

Hindi rin daw nagustuhan ng Pinay nurse ang sagot sa kanya ng matanda nang kumprontahin niya ito.

Sabi raw nito sa kanya: “Shut up, fuck *ff and go back to where you came from on the dingy boat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na raw nagsimula mag-record ng video ni Apple. Makikita rin sa video na nag-record din ng video ang anak ni Apple.

Kita sa video na hindi lang sagutan ang nangyari.

Makikitang binuhusan ng matandang lalaki ng tubig ang anak ni Apple.

Nahagip din sa camera ang mga magulang ni Apple na hindi umiimik habang nangyayari ang lahat.

Pero may pagkakataong sumasagot ang tatay ni Apple para ipagtanggol ang anak.

Nakunan din ang agresibong pagsasalita at paglusob ng matandang babae kay Apple. Kita sa mukha nito ang panggigigil nang mahawakan ang braso ng nurse.

Hinablot at hinila rin ng matandang babae ang buhok ni Apple.

Nang tangkaing agawin ng matandang babae ang cellphone ni Apple, pumalag ang nurse at itinulak ang babae na napahiga naman sa damuhan.

Giit ni Apple, “You don’t let your dog out running after my daughter.”

Dinig din ang diskriminasyong ipinupukol kay Apple tulad ng “go back on the boat,” “slavery.” Pinagbantaan din nila ang nurse.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakunan at ipinakita rin ni Apple ang aso na mukhang agresibo at tinatahulan siya.

Dinig din ang matandang lalaki na inutusan ang aso na “Get ‘em. Kill ‘em,” bagamat hawak niya ang dulo ng tali sa aso.

Sa post ni Apple, sinabi nitong ikinalungkot niyang naitulak ang matandang babae kaya ito napahiga.

Pero sabi ni Apple, eye-opener ito ukol sa racism.

racial hate
(Left) The elderly guy holding the container with water which he threw at Apple's 11-year-old daughter. Right photo shows the elderly woman pulling Apple's hair.
Photo/s: Apple Moorhouse on FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: What is adobong pula?

ELDERLY COUPLE IDENTIFIED

Nang dumating daw ang police sa pinangyarihan ng insidente, wala na ang elderly couple.

Dahil dito, idinaan ni Apple sa social media ang paghingi ng tulong para matukoy ang nakaaway na mag-asawa.

Ipinost din ni Apple ang larawan ng kanyang braso na nagkapasa mula sa hawak ng matandang babae.

August 31, nagbigay ng update si Apple.

Sa tulong ng social media, natukoy na raw ang pagkakakilanlan ng couple at inimbitahan sila sa presinto para tanungin.

Lubos ang pasasalamat ni Apple.

Isang mahabang post ang ginawa niya matapos mag-viral ng pangyayari.

Ibinuod ni Apple ang insidente at ang kanyang sentimyento kaugnay nito.

Sagot niya sa mga kritiko: “To those of you saying that I should have just walked away, how I wish I did, then these things wouldn't have happened, but I just tried to protect my kids, and I didn't have any intention to cause any hurt or damage to anyone.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, pinalaki siyang hindi dapat lumalaban sa matatanda, subalit lumaban daw siya para sa kanyang mga anak.

Hindi rin daw mapapalampas ni Apple nang buhusan ng matandang lalaki ng tubig ang kanyang 11-year-old daughter.

Katuwiran niya: [T]hat water could have been an acid, but I still stayed calm because I was with my kids, and I had to be strong for them.

“My poor parents, they don't live here in the UK; they only came to visit and witnessed this and yet have been mocked because they can't speak English very well.

“Well, at least they are trying. As you all know, ENGLISH isn't our 1st language.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Apple sa mga tumulong at sumuporta sa kanya.

"I am overwhelmed with all your love and support. Thinking back to what happened still upsets and shakes me, but reading all your messages, I know I have a massive support behind me and that makes me feel stronger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It might take a while for me to forget what happened, but I'm getting there slowly.”

Panawagan pa niya: “I always believed that everything happens for a reason, and probably this is one of them.

“Let's spread LOVE, not HATE. After all, we are all human. We may have different colours, but hey, we are breathing the same air.”

apple moorhouse post
Photo/s: Apple Moorhouse on FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-British nurse Apple Moorhouse (in black) shares on social media her ordeal after suffering racial abuse from an elderly British couple at Manor Heath Park in Halifax, England. The couple was later identified and brought to the police station.
PHOTO/S: Apple Moorhouse on FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results