PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Ashtine Olviga, Andres Muhlach motivate each other

Andres on teamup with Ashtine: "There is love talaga..."
Published Sep 4, 2025
Ashtine Olviga and Andres Muhlach talk about how they motivate each other
Andres Muhlach on Ashtine Olviga: "When I’m with Ash, halimbawa nai-stress ako sa mga eksena or sa mga trabaho namin, mas napi-feel ko na, 'Ah okay, kasama ko si Ash, I can work with her, yung dynamics namin.' And minsan, kapag nai-stress si Ash, tinutulungan ko rin siya."
PHOTO/S: Rose Garcia

Unang pelikula nina Ashtine Olviga, 26, at Andres Muhlach, 23, ang Minamahal: 100 Bulaklak Para kay Luna, na iprinodyus ng Viva Films.

Nagsimula ang tambalan nila sa VIVA One series na Ang Mutya ng Section E.

Maraming ginulat ang AshDres, bansag sa loveteam nina Ashtine at Andres, sa nabuo nilang mga tagahanga dahil sa kanilang serye.

At kahit unang pagtatambal pa lang nila sa pelikula, ang posibilidad na magwawakas din na tulad sa mga naunang loveteam sa kanila ang ang kinukumusta sa dalawa.

Kadalasan daw kasi, ang burnout ang dahilan ng paghihiwalay ng isang loveteam.

Paano nila lalabanan ang burnout?

"Pagod, yung burnout? Paano kaya? Hindi ko pa masabi kasi, I’m very new rin. Habang may energy pa ko, habang bata pa ko, I’m trying to make the most [of it]," sagot ni Andres.

Ayon kay Ashtine, “Siguro kung darating man po ang panahon na yun, iisipin namin kung bakit kami nagsimula. Kung bakit namin gusto ang ginagawa namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw maiiwasan ang burnout.

"Kasi, darating talaga, e. Minsan mapapagod ka. Iisipin mo kung itutuloy mo pa ba ‘to.

"Pero kung aalalahanin mo kung bakit mo ginagawa ang ginagawa mo, mababago ang mood mo. Mare-revive ang eagerness mo pagdating sa trabaho."

Para kay Andres, naaalalayan siya ni Ashtine pagdating sa outlook niya sa trabaho.

"When I’m with Ash, halimbawa nai-stress ako sa mga eksena or sa mga trabaho namin, mas napi-feel ko na, 'Ah okay, kasama ko si Ash, I can work with her, yung dynamics namin.'

"And minsan, kapag nai-stress si Ash, tinutulungan ko rin siya."

Masasabi bang minamahal na nila ang isa't isa?

Sagot ni Andres, "You know, aminin ko talaga na there is love talaga.

"Kasi, we have this bond na, we’re really, really good friends. Siyempre naman, she’s my friend.

"And there’s this love—and I really appreciate Ashtine for who she is and definitely, I would say that she has helped me so much in my journey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit bago pa ako, she made it easier for me to work."

Sabay baling na tanong ni Andres kay Ashtine, "Ikaw ba?"

Natawa ang press na kay Andres na diretsong nanggaling ang tanong sa dalaga.

"Siyempre, feeling ko may love rin kahit naman sino," sagot ni Ashtine.

"Siyempre, love namin si Direk [Jason Paul Laxamana], totoo yon. Siyempre kasi, mas magkaka-work kayong maayos kung love niyo ang isa’t isa."

Read: Did Korina Sanchez take a swipe at Mayor Vico Sotto?

TRUSTING EACH OTHER

Malaking bagay daw na nagkakasundo sila ni Andres.

Dagdag ni Ashtine, "And sobrang thankful talaga ‘ko na ang kasama ko ngayon ay si Andres. Kasi, sobrang magaan talaga.

"Katulad din ng sabi ni Direk, mas magaan talaga kapag trust mo or comfortable ka sa partner mo.”

Unang pelikula nina Ashtine at Andres ang Minamahal kaya aminadong ramdam nila ang kaba.

Ayon kay Ashtine, "Siguro mas more on kinakabahan, like, more on pagkapa ko sa character. Kasi, nangangapa pa ko sa character.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero with Andres, sa kanya ko nakakuha ng assurance na, 'Uy, kaya mo yan.'"

Pagsang-ayon ni Andres: “Aaminin ko, the first few days ng shooting namin, it was not easy. Pero, nag-enjoy kaming talaga.

"Yung mga first sequences, di ba, Direk, medyo mabigat na mga eksena. Siyempre, kinabahan kami.

"But overall, since we enjoyed what we’re doing, we enjoyed the craft, acting, we we’re able to do our good job, I hope."

Read: Pinay nurse, kids suffer assault, discrimination from UK couple

ASHTINE AND ANDRES ON SUPPORTIVE FANS

Nagpatunay naman si Direk Jason kung paano pinagkaguluhan at sinuportahan ang AshDres ng kanilang fans. Kahit daw nasa liblib na lugar na sila, may mga pumupunta pa rin.

"Sobrang grateful po ako," sabi ni Ashtine.

"Sabi niyo nga po, iba-ibang edad ang sumusuporta sa amin. Sobrang hindi ako makapaniwala na minsan, mga bata ang lalapit sa amin. Minsan, teenager, minsan mga tito, tita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang nakakatuwa po. Minsan, iniisip ko, bakit kaya? Bakit kaya nila kami minamahal ng ganito? Bakit kaya nila kami tanggap ng buong-buo?"

Na-appreciate raw ni Ashtine ang efforts ng AshDres fans.

"And, sobrang nakakatuwa lang talagang isipin na ang dami ko biglang mommy.

"Kahit mga big or small wins ko po talaga, sa amin ni Andres, nando’n po sila. Sobrang happy po nila.

"At ang pinakanakakatuwa sa mga nababasa ko, pinagpi-pray po nila kami. Sobrang na-touch ako na pinagpi-pray nila talaga kami."

Hindi rin daw makapaniwala si Andres sa natatanggap nilang suporta at pagmamahal.

"The support talaga is just unreal," pagsang-ayon ni Andres.

""Hindi namin yon in-expect talaga. Kahit from the start, hindi namin ine-expect talaga.

"And to every one who's been supporting us, eye-opening din. Parang na-realize ko na different age groups appreciate us, enjoys us.

"Kahit yung mga edits na nakikita ko, comments that I read, nakakatuwa talaga. Kasi, I never expected that. I’m just really, overall thankful for all of them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Minamahal 100 Bulaklak Para kay Luna ay magsisimula ng mapanood sa mga sinehan simula sa September 24.

Ngayon pa lang ay maaari ng makabili ng ticket. Pero ipalalabas din ito sa iba’tibang bansa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andres Muhlach on Ashtine Olviga: "When I’m with Ash, halimbawa nai-stress ako sa mga eksena or sa mga trabaho namin, mas napi-feel ko na, 'Ah okay, kasama ko si Ash, I can work with her, yung dynamics namin.' And minsan, kapag nai-stress si Ash, tinutulungan ko rin siya."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results