Dalawang batang lalaki ang nailigtas matapos manatili sa isang butas ng Tarlac River irrigation system sa loob ng 24 oras.
Ang makapigil-hiningang eksena ay nangyari sa Tarlac City.
Ang successful search and rescue operation ay pinangunahan ng local government unit at mga personnel ng government agencies.
“Matapos ang magdamagang search and rescue operation, natagpuan na ng mga awtoridad ang dalawang batang lalaking tinangay ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid sa irrigation sa Sitio Pangulo, Brgy. Carangian, kahapon ng alas-dos ng tanghali, ika-3 ng Setyembre,” ayon sa official statement ng Tarlac City sa post nito sa Facebook noong September 4.
Sa video na kumalat sa social media, dinig ang masayang sigawan at hiyawan nang maiangat mula sa butas ang dalawang batang lalaki.

Read: Seniors no longer need purchase booklets in drugstores
Kasama rin sa collective effort ang Public Order and Safety Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at Coast Guard.
Read: Seniors no longer need purchase booklets in drugstores
WHAT HAPPENED?
Sa Facebook page ng Pasig, inilahad ni Hensel Quilling, head ng CDRRMO, ang pangyayari.
At 2:16 P.M., tumatawid daw sa irrigation system ang tatlong batang lalaki.
Nang kalampagin daw ang iba-ibang government agencies, ang unang nakarating na ulat ay may drowning incident.
“Ang kuwento ay may tatlong magkakaibigan na tumatawid sa dam.
"Habang tumatawid, nahulog ang isa sa tatlong lalaki sa butas.
Sinikap umano ng isa pa na iligtas ang nahulog, subalit pati ito ay nahulog din.
“Meron kaming last witness, yung pangatlong bata, so yun yung naging susi,” ani Quilling.
“So dahil hindi siya sumunod, natakot na siya bumalik, nag-report. Nalaman na natin kung nasaan sila.”
Doon na raw nagtulong-tulong ang mga ahensiya at mga pamilya ng mga biktima.
Inamin ni Quilling na malaking hamon ang kinakaharap nila dahil tuluy-tuloy ang agos ng tubig sa dam, na dinagdagan pa ng masungit na panahon.
Naibahagi rin ni Quilling kung paano naka-survive ang mga bata sa sinkhole.
“Nasa malaking yungib, cave ng irigasyon ng Carangian…” aniya.
"Pagdating ng Coast Guard dakong ika-10:00 P.M., nagtangka silang mag-rescue pero nabigo sila.
“Kelangan bawasan muna yung tubig para ma-access yung butas,” ani Quilling.
Pagsapit ng umaga, nakapagbalot na sila ng sandbags at naghintay sa pagdating ng heavy equipment by lunchtime ng sumunod na araw, September 4.
Halos 24 oras na ang mga bata sa sinkhole at iyon daw ang kritikal na oras sabi ni Quilling.
“Eventually nung na-divert yung tubig, nawala na yung tubig sa butas, nando’n yung mga bata.
"Medyo ma-emosyon yung lugar kanina dahil ang tagal nating inaabangan kung ano yung mangyayari,” ani Quilling.
“Nakakatuwa kahit nakakapagod…”
Sa official statement nagbigay ng paalala ang LGU: “Mariing pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat sa pagtawid sa mga ilog, irrigations, at iba pang daluyan ng tubig lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
“Hinihikayat din ang patnubay at gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak upang maiwasan ang ganitong insidente.”
Samantala, walang nagbigay ng detalye ukol sa pagkakakilanlan sa dalawang batang lalaki.
