Inamin ni Dylan Menor, 21, na nakatatanggap siya ng mga mensaheng indecent proposals, pero deadma lang daw siya rito.
"Wala po akong sinasagot," sagot niya nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ukol dito.
"I don’t get offended, but I feel na medyo uncomfy," sabi rin ni Dylan.
Iniisip na lang daw ni Dylan na may paghanga ang mga ito sa kanya.
"Naiintindihan ko rin sila at some point. For sure, nagsimula yun sa appreciation, attraction.
"Lumamang lang siguro yung, how can I say it, yung lust, kaya nagkaroon ng ganung klaseng message.
"Pero for sure it started with appreciation."
Dating varsity player sa basketball si Dylan bago pumasok sa pag-aartista.
Masasabi bang lapitin ang basketball players ng girls at LGBTQ+ members?
Sagot ni Dylan: "Ang vibe ko dun, sa mga nakaka-appreciate sa aking girls or LGBT, I appreciate them.
"Sa mga things na uncomfortable ako, usually sa mga comments na hindi masyadong maganda, siguro hindi lang ako sanay.”
Kumportable naman daw siyang kasama ang mga LGTBQ+ kahit noong basketball player pa siya. Hindi lang daw niya ine-entertain pag iba na ang gusto ng mga ito.
"I do have a lot of friends, sobrang mahal ko po sila. Mababait po sila.
"Wala po akong problema to any gender, mahal ko po sila," saad ni Dylan.
Read: Dylan Menor, nag-level up ang career nang lumipat sa TV5
DYLAN MENOR just friends with ZEPHANIE
Single daw si Dylan sa ngayon.
Nang tanungin tungkol sa lovelife, natawang sagot niya, "Naku, wala po, career po muna."
Tinanong din ng PEP kung totoong may namuong espesyal na ugnayan sa kanila ni Zephanie noong nasa bakuran pa siya ng GMA-7. Dating co-stars ang dalawa sa weekly youth-oriented series na MAKA.
Saad ni Dylan: "To be honest po, ever since nag-start ang show ko sa GMA, ang MAKA, lahat po talaga kami dun, magkakaibigan po talaga. Very, very close po kami.
"Ang nangyari po kasi sa MAKA, honestly for me, and I believe the fans will agree, nagkaroon kami ng magandang chemistry ni Zephanie.
"A lot of fans appreciated yung tandem namin on and off-cam."
Naudlot ba nang lumipat siya sa TV5?
"For me, wala namang nawala. We’re still good friends," aniya.
"Yung communication, hindi na lang tulad noon kasi they have their own work, they have their own thing. And very busy po kami parehas.”
Nanligaw ba siya kay Zephanie?
"Ay, hindi po," paglilinaw ni Dylan.
“Click lang po kami. May mga bagay na we share the same passion, interests. May connection agad.”
Read: Ang Project Loki at ang "Next Important Star" ng TV5—Dylan Menor!
ON CO-HOSTING VIBE
Isang buwan na rin mula nang ilunsad ng TV5 ang programang Vibe, ang music chart countdown show na napapanood sa iba’t ibang timeslots sa TV5.
Isa si Dylan sa siyam na Vibe jocks sa show, masaya siyang nabigyan ng pagkakataong maging host.
Read: MediaQuest exec Peter Dizon explains concept behind music countdown Vibe
"Siyempre, baguhan po ako sa hosting, but I’m very grateful na kinonsider po nila ako.
"Kasi yung Vibe po, it focuses more on OPM. E, yun po ang passion ko. Naging passion ko po during the pandemic.
"Mahilig po akong kumanta, mahilig po akong tumugtog ng OPM music.
“So it means a lot po, especially sa mga up-and-coming artists or mga established artists.
"Kasi, it’s a great opportunity for them to share their songs, share their stories through Vibe."
May single na ring nai-release si Dylan, ang “Maghapon,” noong April ng taong ito at available sa iba’t ibang digital platforms.
Dahil first time niyang mag-co-host sa isang show, desidio si Dylan na pag-aralan ito.
"Dati kapag ino-offer ang hosting, siyempre may mga doubts ako. Parang bahala na, laban mo na lang.
"Then, eventually, matututo ka by your own. Pero siyempre, importante rin na maging prepared ka.
"It’s important din to have trainings, workshop, kaya I’m looking forward din," sabi ng singer-actor.
Read: Joao Constancia happy for ex Sue Ramirez and Dominic Roque
ON SHOWBIZ CAREER
Nagsimula si Dylan sa GMA-7 noong 2021 bago lumipat ng TV5 early this year.
Masaya siya sa sunud-sunod na break na nabibigay sa kanya ng home network.
Bukod sa Vibe, may ongoing series din siya sa Viva One at TV5, ang Seducing Drake Palma.
Kasama rin siya sa Manila's Finest, na kabilang sa Metro Manila Film Festival entries sa Disyembre.
Ano ang vibe niya sa career niya?
Sagot ni Dylan: "My vibe actually, I think, I’m more in exploring side.
"I want to know which craft fits best for me. Singing ba? Acting ba?
"But now, I’m more focused on singing, acting, and hosting. Kasi yun ang mga work na ibinibigay sa akin and I have to work hard for it."
