Nagdagdag na naman ng alagang pusa ang aktor na si Joseph Marco.
Sa Instagram ngayong Lunes, September 15, 2025, nagbahagi si Joseph ng Reel kung saan makikitang may pinulot siyang kuting mula sa gilid ng location taping nila ng upcoming drama-romance series na I Love You Since 1892.
May nakalagay na caption sa ilang bahagi ng Reel.
Saad niya sa una: "Here on the set of I Love You Since 1892, I stumbled upon a tiny kitten, lost and confused, weak from hunger and thirst."

Makikita naman sa ikalawang bahagi ng video na karga-karga niya na ang kuting habang nagbabasa ng script.
Nakalagay sa caption: "Fate led me to this little angel, and just like that, we were bonded."

Sabi naman siya sa pangatlo: "That precious moment when she knew she was finally safe."

Sabi ni Joseph sa caption ng Reel, hindi mapigilan ng kanyang damdamin tuwing may makikita siyang stray animal.
Marami na raw siyang alagang pusa sa bahay, pero nanaig pa rin ang kanyang damdamin bilang pet lover.
Buong post niya: "A silent battle stirs in me every time I see a stray, should I rescue, even if I already have too many? Yet somehow, the heart just knows when it’s time to act."
View this post on Instagram
Read: Arnel Pineda faces arrest over VAWC case
CELEBS, NETIZENS REACT TO JOSEPH MARCO'S TOUCHING GESTURE
Sa comments section, pinapurihan si Marco ng ilang celebrities gaya ng co-star niyang si Heaven Peralejo at si Alex Medina.
Sabi ni Heaven: "Omg??? I saw this kitten earlier and I even told the prod to show it to you ‘cause I knew you’d definitely take care of it! And I was right."

Nais naman ni Alex na makatulong din sa stray animals.
Aniya, "Wish ko din yan bro matulungan mga strays at eventually ma libreng kapon karamihan sa kanila para mas controlled. Saludo meyn"

Naka-related naman daw ang isang netizen kay Joseph dahil pareho sila ng nararamdaman kapag nakakakita ng stray cats.
Mensahe ng netizen: "I feel you. That silent battle. I hope others will understand na hindi all the time dapat ipasa sa isang mahilig or maawain sa strays lahat ng strays na kailangang i-rescue. Sana may mga tao ding instead na ‘oi ibigay nyo kay Marco irerescue nya yan,' sana may magsabi din ng ‘akin nlng, marami ng rescue si Marco’. Bless your heart Marco."
Tumugon naman si Joseph sa kanya ng "Amen."

Sabi ng isa pang netizen, "Cats really know who to approach and who has a good heart! God bless you!"

Noong July 2025, nagkupkop na rin si Joseph ng isang kuting na nakikita niyang nag-iisa habang umuulan.
Kahit na noong panahong iyon ay may labing-isa na siyang pusa, hindi siya nag-atubiling ampunin ito.
Sa ngayon, laibintatlo na ang alagang pusa ni Joseph.
