Isinapubliko na ni Cristine Reyes ang bagong bumihag sa kanyang puso—ang non-showbiz guy na si Gio Tingson.
Sa unang pagkakataon ay nag-post si Cristine sa kanyang Instagram ng ilang litrato nila ni Gio.
Read: Cristine Reyes, kinumpirmang non-showbiz ang bagong idine-date
Soft launch ang dating dahil nakapaloob ang kanilang litrato sa carousel niya sa IG.
Kuha ang mga litrato sa pagdalo ni Cristine sa Miss Bicolandia 2025 bilang hurado noong September 10, 2025 sa Naga City.
Una sa carousel ni Cristine ang larawan nila ni Naga City Mayor Leni Robredo.
Sa sumunod na litrato, magkatabi sina Cristine at Gio sa isang mahabang dining table kunsaan may salu-salo kasama sina Robredo, Jake Ejercito, at River Joseph.
Sa panglimang photo, makikita naman ang iba't ibang selfie shots nina Cristine at Gio habang pasakay ng elevator.
Dito mas mapapansin na malapit sila sa isa't isa.
Sa huling bahagi ng caption ni Cristine, may special shoutout siya para kay Gio.
"And to Mister G. my quiet anchor and constant calm," simple pero malamang saad ng aktres.
Nagpasalamat din si Cristine sa aniya'y "honorable and well-loved Mayor of Naga City" na si Robredo para sa "inspiring leadership" and "gracious welcome" nito sa kanya at ibang bisita sa lalawigan.
Nagpasalamat din ang aktres kay Raffy Magno, executive director ng Angat Buhay, ang non-profit organization na nagsasagawa ng malawakang volunteer work para sa iba-ibang volunteer programs.
View this post on Instagram
Si Gio ay dating National Youth Commission chair at current head of public affairs ng isang ride-hailing service.
Sinasabing aktibo rin siya sa Angat Buhay, ang non-profit organization na pinamumunuan ni Mayor Leni.
Read: Are Cristine Reyes and Gio Tingson in a relationship?
CRISTINE REYES AND GIO TINGSON
Unang natunugan ng netizens ang ugnayan sa pagitan nina Cristine at Gio nang makita silang nagbakasyon sa Vietnam noong July 12.
Ipinost din kasi ni Magno ang group photo nila nina Cristine at Gio, at may kasama itong caption na si Magno na lang daw ang "walang jowa" sa kanilang magkakaibigan.
Tinukoy rin ni Magno si Cristine na "newest addition to our small family."
Dito na nahinuha ng netizens na tila tinutukoy ni Magno na bagong magkasintahan sina Cristine at Gio.
Sa panayam kay Cristine noong August 29, kinumpirma niyang may dine-date siyang non-showbiz guy.
Sinabi pa ni Cristine na "mas kalma at mas binded" ang buhay niya ngayon.
Ibinahagi naman ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina na matagal nang kaibigan ni Cristine ang bagong nobyo nito.
Nakilala na rin daw ni Ara ang bagong pag-ibig ni Cristine, at suportado raw niya kung saan man masaya ang kapatid.
Read: Ara Mina on Cristine Reyes new BF: "Matagal ko nang kilala yun."
