Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyong kumukuwestiyon sa mga anak ni Wenn Deramas bilang tagapagmana ng mga naiwang ari-arian ng yumaong box-office director.
Si Direk Wenn ay pumanaw sa edad na 49 noong February 29, 2019.
Read: Box-office director Wenn Deramas dies after cardiac arrest
May naulila siyang dalawang anak — sina Gabriel at Raphaella.
Sinasabing may dalawang bahay at ilang bank deposits na naiwan si Direk Wenn, at nailipat na ang mga ito sa pangalan ng dalawang anak nang pumanaw ang direktor.
COURT OF APPEALS JUNKS PETITION VS DIREK WENN'S KIDS
Ayon sa ulat ng The Philippine Star, ang kapatid at ilang pamangkin ni Direk Wenn ang umaalmang hindi nararapat na tagapagmana sina Gabriel at Raphaella.
Hindi raw kasi pormal na inampon ni Direk Wenn ang mga bata.
Hiling pa ng complainants na sumailalim sa DNA testing sina Gabriel at Raphaella para pagtibayin ang kanilang reklamo.
Ngunit ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng complainants.
Sumang-ayon ang CA sa naunang desisyon ng Regional Trial Court na hindi na kailangang sumailalim sa DNA testing sina Gabriel at Raphaella.
Hindi rin tinanggap ng CA ang pagkuwestiyon ng respondents sa sexual orientation ni Direk Wenn at sa kinilalang ina ng mga bata base sa birth certificate.
Sapat na raw na katibayan ang birth certificates nina Gabriel at Raphaella kunsaan nakasaad na si Direk Wenn at si Ariane Manalo ang mga magulang ng mga ito.
Lalo pa't wala naman daw naihaing dokumento ang complainants para patunayang wala talagang ugnayan sina Gabriel at Raphaella sa director.
Read: Journey frontman Arnel Pineda faces arrest over VAWC case
