PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz warns netizens against fake news on her, daughters

Sunshine Cruz: "FAKE NEWS po ang lahat ng ito guys fyi."
by Arniel C. Serato
Published Sep 18, 2025
Sunshine Cruz posts fake news articles about her and daughters
Sunshine Cruz (2nd from left) took to Facebook to share screenshots of fake news targeting her and her daughters—Angelina Cruz (leftmost), Sam Cruz (2nd from right), and Chesca Montano (rightmost). "Few weeks ago binubugbog, nakulong o nasa hospital daw ako, ngayon buntis naman ako or ang mga anak ko,” she wrote.
PHOTO/S: Instagram

Nagbabala ang aktres na si Sunshine Cruz tungkol sa mga bagong pekeng balita na kumakalat tungkol sa kanya at sa tatlo niyang anak na babae na sina Angelina Cruz, Samantha Cruz, at Chesca Montano.

Isa sa kumakalat ngayong balita ay natuklasan diumano ni Sunshine na isa sa mga anak niya ay may itinatagong relasyon sa kasalukuyang boyfriend ng aktres na si Atong Ang.

Ang isa pang balita ay nabuntis na raw ni Atong si Sunshine.

Sunshine Cruz fake news
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Victor Consunji highlights "20 years" of knowing Rachel Carrasco

SUNSHINE APPEALS TO NETIZENS TO REPORT SUCH FAKE NEWS

Sa Facebook nitong Miyerkules, September 17, 2025, nagbabala si Sunshine sa publiko na huwag maniwala sa mga kumakalat na paninira sa kanilang pamilya.

Hindi raw legit ang accounts ng nagpapakalat ng mga ganitong pekeng balita at gumagawa ng content para pagkakitaan.

Umapela rin ang aktres na i-report ang nasabing accounts kapag dumaan ito sa feed ng ibang netizens.

Buong post ni Sunshine: "Posting for awareness..

"FAKE NEWS po ang lahat ng ito guys fyi.

"These accounts are not legit and they make up stories for views. Every click from us ay kumikita sila kaya nagkakalat sila ng mga imbentong kwento usually dito sa FB at sa Youtube.

"Huwag po tayo basta maniwala sa mga gawa gawang kwento. If you guys happen to see these articles at mapadaan sa feed nyo, kindly report if you can para mabawasan ang mga nagpapakalat ng #fakenews sa social media. Thank you!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"P.S.

"Maraming salamat sa mga nag-tag at nagpadala sakin ng info and articles."

Makalipas ang ilang oras, nag-post muli si Sunshine ng abiso tungkol sa pagiging biktima rin niya ng fake news noong July 2025.

Laman ng diumano'y pekeng balita noong hiwalay na raw sila ni Atong dahil pisikal daw siyang sinasaktan nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Sunshine sa post, "Few weeks ago binubugbog, nakulong o nasa hospital daw ako, ngayon buntis naman ako or ang mga anak ko.

"Surprisingly, marami ang naniniwala na totoo itong mga ganitong klase ng kwento. Kaloka si meta at youtube.

"Monetized pa ang mga ito kaya padami ng padami ang nagpapakalat ng fake news."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sunshine Cruz shuts down breakup issue with Atong Ang

Sunshine-ATONG RELATIONSHIP

Noong December 19, 2024, kinumpirma ni Atong sa isang news organization ang relasyon nila ni Sunshine matapos ang ilang beses na public sightings nila.

Noong kalagitnaan ng Hunyo, mismong ang ex-husband ni Sunshine na si Cesar Montano ang nagkumpirmang may relasyon nga ang dating asawa kay Atong.

Boto raw siya sa relasyon ng dalawa.

Samantala, sa pagkakaalam ng publiko ay kasal pa rin si Atong sa kanyang asawa at may mga anak sila.

Read: Cesar Montano happy for ex-wife Sunshine Cruz and Atong Ang

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz (2nd from left) took to Facebook to share screenshots of fake news targeting her and her daughters—Angelina Cruz (leftmost), Sam Cruz (2nd from right), and Chesca Montano (rightmost). "Few weeks ago binubugbog, nakulong o nasa hospital daw ako, ngayon buntis naman ako or ang mga anak ko,” she wrote.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results