PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto denies foul play in husband Trevor's death

Cause of death of Trevor Magallanes revealed.
by Jojo Gabinete
Published Sep 18, 2025
rufa mae quinto husband trevor magallanes
Rufa Mae Quinto on late husband Trevor Magallanes: “Nagmahalan po kami mula umpisa na nagsama kami, never po kaming naghiwalay. As in, on the very first day, alam ko na siya ang mahal ko."
PHOTO/S: Rufa Mae Quinto YouTube / Instagram

“Basta walang foul play, hindi nag-suicide, saka oras na niya. Ang tawag doon, sudden death. Yun po ang sabi sa autopsy.”

Ito ang nagdadalamhating paliwanag ni Rufa Mae Quinto tungkol sa tunay na dahilan ng pagpanaw ng kanyang asawang si Trevor Magallanes.

Binawian ng buhay si Trevor, sa edad na 40, noong Hulyo 31, 2025.

Read: Rufa Mae Quinto confirms husband Trevor Magallanes's death

Ginawa ni Rufa Mae ang paglilinaw sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel ngayong Huwebes ng gabi, Setyembre 18, 2025.

"As promised, I will make my official statement here," bungad niya.

"Alam niyo naman po lahat, a month ago, e, binawian ng buhay or nag-pass away po ang aking asawa na si Trevor.

"Kaya naka-black po ako kasi nagluluksa ako. Nagdadalamhati bilang asawa, bilang may anak kami na innocent."

trevor magallanes
The late Trevor Magallanes
Photo/s: @rufamaequinto on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay nilinaw ni Rufa Mae ang mga espekulasyong lumabas kaugnay ng pagkamatay ng kanyang mister.

Saad niya: "Gusto ko lang sana na i-clarify din ang lahat ng mga gusto kong i-clarify para rin manahimik na rin pati ang soul ng asawa ko, ang soul ko, pati ng anak namin.

"Kaya ikukuwento ko po sa inyo ang tunay na dahilan kung bakit ho siya kinuha ni God.

"Pero lahat naman tayo, aabot sa ganoon, di ba? Kanya-kanyang oras lang.

"Pero para sa akin, mas maganda na alalahanin ko na may iniwan pang buhay ang asawa ko—si Athena, yung anak namin na yun ang dugo niya talaga.”

Read: Former boxing world champion Ricky Hatton, 46, found dead

THE CAUSE OF TREVOR MAGALLANES' DEATH

Ipinakilala ni Rufa Mae ang nakatatandang kapatid ni Trevor na si Jesse Magallanes, na naririto ngayon sa Pilipinas.

Sinabi nitong atake sa puso ang tunay na dahilan ng biglaang pagkamatay ni Trevor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Jesse, maaga ring namatay ang ilan sa mga miyembro ng kanilang pamilya dahil sa atake sa puso.

rufa mae quinto brother-in-law
Rufa Mae Quinto with her brother-in-law Jesse Magallanes.
Photo/s: Rufa Mae Quinto YouTube

Lahad ng bayaw ni Rufa Mae: “I am here to show our support for Rufa and Athena.

"With the sudden death of my brother, I know there’s a lot… it’s really tough for them right now.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So I am here just to help out and spend some time with these two and show our love from America.

“Unfortunately, there’s a lot of heart attacks that run in our family.

"My grandfather passed away with a heart attack. Our uncle passed away with a heart attack.

"Our father passed away... my father passed away at 44.”

Dagdag naman ni Rufa Mae: "Dahil sudden death po ang nangyari, wala pong suicide or foul play na nangyari sa asawa ko.

"Bata pa siya pero ganoon talaga siguro.

"Hindi ko rin masasagot ang tanong kasi tanong ko din yon. 'Bakit, bakit ngayon? Bakit ang aga pa? Bakit bata pa?'"

Read: Hollywood legend Robert Redford dies at 89

RUFA MAE QUINTO WANTS TO GO BACK TO WORK

Ipinahiwatig ni Rufa Mae ang kagustuhang magtrabaho dahil nahihirapan siyang magluksa at ayaw niyang umabot sa puntong lugmok na lugmok na siya sa kalungkutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko rin maging masaya para sa energy ko din, makuha ng anak ko," sabi ng aktres.

"Kasi ako na lang ang inaasahan niya na physically present.

"Kaya kung makikita niya ako na walang katapusan, 24 hours na nagmo-mourn, umiiyak, e, umiiyak na rin siya.

“So ngayon, nadi-distract din niya ang mind niya, kasi gumagawa kami [ng paraan] para lumigaya kami — at iyon, e, ang magtrabaho.

“At siyempre, alam naman ninyo na komedyante naman ang work ko. At kahit ang asawa ko, komedyante siya.

"Hindi niya gustong makita magpakalosyang ako or mawala yung confidence ko, mag-depress-depress.”

RUFA MAE RECALLS HAPPY TIMES WITH TREVOR

Naging madamdamin nang husto ang pagsasalita ni Rufa Mae nang balikan nito ang maliligayang araw nila ni Trevor noong nabubuhay pa ito.

Rufa Mae Quinto appeals to netizens to stop spreading baseless speculations about death of her husband Trevor Magallanes.
Rufa Mae Quinto and late husband Trevor Magallanes during happier times.
Photo/s: Rufa Mae Quinto Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “Nagmahalan po kami mula umpisa na nagsama kami, never po kaming naghiwalay.

"As in, on the very first day, alam ko na siya ang mahal ko.

“Hindi po ako nag-asawa ng bata. Thirty-six, 37 na ho ako nag-asawa.

"Siyempre, bilang nine years na kami, hindi naman perfect siyempre ang buhay, nag-aaway-away din.

“Last year, nag-Hawaii kami dahil birthday niya, November 26. November 25, wedding anniversary namin, saka Thanksgiving.

“Dun po kami nagsimulang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan kasi pinapupunta niya kaming mag-ina sa Hawaii.

“E, biglang pumutok naman yung isyu ko naman na nagka-warrant of arrest naman ako."

Ang tinutukoy ni Rufa Mae ay ang pagsasampa sa kanya ng 14 counts ng violation of Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng mga reklamong isinampa ng investors laban sa Dermacare, ang beauty clinic na dati niya iniendorso.

Read: Rufa Mae Quinto released; gets emotional after posting bail

Pagpapatuloy ng aktres: “So ako naman, ikinukuwento ko, pero siyempre kapag galit na, hindi na niya ma-absorb.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"English pa, e, di siyempre utal-utal din akong magsabi, mukhang guilty pa ang dating ko din so... kaya siyempre nagalit.

"Pero nag-ayos po kami. Kaya nga po hindi kami nag-divorce kasi na-realize din niya na asawa niya ako.

"Tumatawag siya sa akin, nag-aayos kami. Hanggang Father’s Day, nagkita pa kami.”

trevor magallanes funeral
Scenes from Trevor Magallanes's funeral in the U.S.
Photo/s: Rufa Mae Quinto YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUFA MAE QUINTO ADDRESSES MONEY ISSUE

Bukod sa paliwanag ni Rufa Mae sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Trevor, pinabulaanan niya ang malisyosong balitang may kinalaman sa perang naiwan ng kanyang asawa.

Paglilinaw niya: “Isa pa, marami rin pong nag-isip na baka masaya ako dahil kinubra ko yung pera niya or winithdraw ko na agad yung pera.

“Eto po yung katotohanan diyan. Kami po ni Trevor, nag-asawa po kami para bumuo ng pamilya.

"Late na ako nag-asawa kasi nga sinigurado ko na yung mapapangasawa ko, e, panghabambuhay, until death do us part.

“Kaya yung mga iniisip na nagkupit ako or nagkubra ng pera o nag-withdraw sa bank account, e, una, mag-asawa po kami.

“Hindi po kami nagkaproblema sa pera kahit na kailan kasi simple lang ang buhay namin. Kumain nang masarap, mabili yung gusto namin.

"Wala naman kaming gustong gawin na magpumilit ng gastos tapos hindi namin kaya.

“So, nagtatrabaho po siya. Nagpulis siya para magkaroon po siya ng benefits para sa pagtanda ni Athena, meron siyang pang-aral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagplano siya ng maganda para sa amin na hanggang 100 years old ang anak namin, maalagaan siya.

"Yun po ang dahilan kung bakit siya po ang asawa ko.

"Kasi hanggang sa huli, ako po at ang anak ko, inayos niya ang benefits namin."

Ipinaliwanag din ni Rufa Mae na mayroong mga prosesong kailangang daanan para makuha niya ang mga benefits na iyon.

Aniya, “May schedule kung anuman yung claim mo na benefits kasi Air Force siya, pulis.

"May mga social, ganoon. Pero sa totoo, kahit singko, wala po akong nakuha kahit magkano dahil wala pa.

"Una, maraming proseso yan, may mga application form, schedule, at hindi lang yata isang bagsak ang bigay."

Diin pa ni Rufa Mae: “Actually, hindi ko iniisip yan. Kaya kong buhayin ang sarili ko at ang anak ko.”

Tiniyak din ni Rufa Mae sa publiko na maayos, maganda, at walang problema sa relasyon nila ng pamilya Magallanes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Arnel Pineda faces arrest over VAWC case

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto on late husband Trevor Magallanes: “Nagmahalan po kami mula umpisa na nagsama kami, never po kaming naghiwalay. As in, on the very first day, alam ko na siya ang mahal ko."
PHOTO/S: Rufa Mae Quinto YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results