PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos reflects on lessons learned amid corruption issues

Vilma Santos: "Sana piliin natin yung mas tamang daan."
by Melba R. Llanera
Published Sep 19, 2025
Vilma Santos shares thoughts on corruption issues; talks about her book Vilma Santos, Icon; recalls how she used to temperamental
Vilma Santos speaks about her realization amid corruption issues, the launch of a book featuring essays about her film characters, and how she handles emotions.
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook

Naniniwala si Batangas Governor Vilma Santos na taong-bayan ang pinakaapektado sa talamak na korapsyon gawa ng maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan umano ng mga mambabatas, government officials, at contractors.

"Siyempre I am not happy. At the end of the day, hindi sila ang namomroblema, Filipino ang namomroblema," pahayag ng actress-politician.

Dagdag niya: "I am not being self-righteous. I am not saying I am a saint, no. Or ako ang tama, ako ang the best, of course not.

"But the thing is, I am no saint, definitely I am not a devil."

Bilang gobernador ng Batangas, idiniin ni Vilma na tatlong bagay ang guiding principles niya sa pamamahala.

Aniya: "Follow the law, be accountable to your people, and then be transparent.

"Sundin mo lang itong tatlong ito, I think you’re on the right track.

"I’m trying my very best na yan ang aking ginagawa at sinusundan lahat.”

Read: Vilma Santos, may tatlong sinusunod upang labanan ang korapsyon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT VILMA SANTOS TOLD CHIEF DOCTORS OF BATANGAS

Sa kabilang banda, nabanggit ni Vilma ang pagdalo niya sa isang event kunsaan nagbigay siya ng paalala sa chief doctors.

Ipinunto niyang may kanya-kanyang paraan para ipakita ang serbisyo sa tao saan mang field of career.

"The last time, I cried... hindi naman, teary-eyed, nung kinausap ko yung mga chief of doctors in Batangas...

"We have 12 city hospitals. Sinabi ko lang sa kanila, 'Hindi ako magde-demand, pero sana yung suweldo ninyo naman, sa nangyayari sa paligid natin, ibalik natin yung serbisyo sa tao. Maraming nangangailangan.'

"Isa lang naman ang pinakusap ko sa kanila, 'Pasalamat tayo, hindi tayo ang nagpapagamot, tayo ang hinihilingan na gamutin natin sila.' Lahat naman sila nag-agree.

"It's more of serbisyo sa tao."

Ayon kay Vilma, apektado siya sa sitwasyon ng ating mga kababayan.

"Kasi modesty aside, I thank God 'cause I'm so blessed. When you face the real life, with what's happening around us, makikita natin ang hirap ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos may mga issue pa na negatibo, na ang balik naman ay sa mga tao, unfair.

"Sana, I'm praying, and in my own little way, kung ano ang magagawa ko sa Batangas, kahit papaano kinokorek ko.

"Sana piliin natin yung mas tamang daan.

"With what's happening sa bansa natin ngayon, let's just hope for the best."

Read: Vilma Santos, humirit ng isang pelikula mula sa mga taga-Batangas

VILMA SANTOS BOOK

Nakapanayam ng entertainment press si Vilma sa book signing at presscon ng libro niyang Vilma Santos, ICON (Essays On Cinema, Culture And Society), na ginanap sa SMX Convention Center noong September 12, 2025.

Binuo ito ng editors ng libro na sina Augusto Antonio Aguila at Joselito B. Zulueta ng University of Sto. Tomas (UST).

Nakapaloob sa libro ang essays tungkol sa mga iconic characters na ginampanan ni Vilma sa kanyang malawak na filmography.

"Alam mo, sa totoo lang, naging salamin kasi ang mga roles na ginampanan ko nung ginawan nila ng studies yung characters na ginampanan ko noon," saad ni Vilma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang una niyang babasahin?

"Actually, halos lahat, e. Ang gaganda ng mga pelikulang ginawa ko, lalo na when it comes to women empowerment, ano ang kahalagahan ng mga kababaihan, mga babaeng palaban, hindi ngayon puwede na wife lang.

"In order, brinowse ko na naman yan.

"Kasi in the first place, nung pinakita sa akin yan, alam ko na ginawa ito ng mga scholars, may mga critics from different universities.

"Pinaglaanan ito ng oras. Binibigyan ko yun ng pagpapahalaga.

"I'm very proud of this book, yung isinulat nila dun, yun yun, yun si Ate Vi."

Dito ay naikuwento rin ng Star For All Seasons na ang nauna palang nagbalak na gumawa ng libro niya ay ang ABS-CBN.

"Initially, ang gustong gumawa ng libro ko ay ABS-CBN, nagplano na yan, sila Jojo, my Vilmanian President, kaya lang nagsara ang ABS so hindi natuloy.

"But again, I guess napakasuwerte ko. I'm very, very grateful kasi sinalo ng UST, lalo na kay Father Rector, nang malaman nila na si Jojo ay may plano silang gumawa ng tatlong libro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tatlo ang balak nila. Siguro sa tinagal-tagal sabi nila, 'Dapat lang na mayroon ka nang book.'

"Unang-una nga itong scholarly book, and then may plano din sila filmography, and then a coffee table book."

Ang tinukoy niyang "Jojo" ay ang presidente ng Vilma Santos Solid International, Inc. (VSSI) na si Jojo Lim, habang si "Father Rector" ay si Fr. Richard Ang, university rector ng UST.

Vilma Santos launches book Vilma Santos, ICON, a collection of essays about her film characters
Vilma greets one of her fans at the book signing for "Vilma Santos, ICON."
Photo/s: Vilma Santos-Recto Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gerald Anderson and Julia Barretto: A relationship timeline

WHAT VILMA SANTOS LEARNED FROM MIKE DE LEON

Isa sa pinakatumatak na pelikula na nagawa ni Vilma ay ang Sister Stella L (1984), na nilikha at idinirek ng namayapang direktor na si Mike de Leon.

Puring-puri ng aktres ang de kalibreng direktor.

Lahad ni Vilma: "Si Mike de Leon ay ibang klaseng tao, genius, e. And ang isang taong genius may borderline, di ba?

"Si Mike de Leon, ang gusto ko lang sa kanya, and one thing I've learned sa kanya, one thing I noticed sa personality niya as a director, aside sa pagiging genius niya, he had a very firm personality.

"Hindi siya makikipaglaro sa iyo. That is one thing I noticed on Mike na na-pick up ko, ha. Sa kanya pag white, white; pag black, black. Kung ano ang paninindigan niya, paninindigan niya hanggang sa huli.

"Even if you are a friend at hindi pareho ang gusto natin, magkaiba ang ating vision, I don't care even if you are my best friend. I will still work on my vision kahit magkaibigan tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala sa kanya yung compromise.

"And one thing that I've learned and ginagawa ko ngayon, ha. Pag kaibigan mo siya, mamahalin mo siya kung ano siya because he's one person na pag black is black, pag white is white.

"At nagagawa ko yun ngayon as public servant. Diretso din ako sa tao. Pag wala akong maibibigay, wala sa pondo, I'm sorry, hindi kita ipupulitika na mayroon.

"Next time na lang pag may budget, pag sinagot kita, 100 percent darating sa iyo yung proyekto pag sinabi ko."

Vilma Santos watches AVP showing a scene from her movie Sister Stella L., directed by Mike de Leon.
Vilma Santos watches AVP showing a scene from her movie Sister Stella L., directed by Mike de Leon.
Photo/s: Vilma Santos-Recto Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rufa Mae Quinto denies foul play in husband Trevor's death

VILMA SANTOS ON HANDLING EMOTIONS

Sa puntong ito, ibinahagi rin ni Vilma kung paano siya sa likod ng camera.

Aminado ang 71-year-old actress-politician na mabilis uminit ang ulo niya noon, at kalaunan lang niya natutunan kung paano kontrolin ang emosyon.

"You will not like me when I am mad, Scorpio ako. Alam mo naman ako, nagwo-walkout ako sa Vilma.

"Mas mahaba na ang pasensiya ko, and nag-mellow naman ako. When you get mature, nagme-mellow ka rin, lumalawak ang pang-unawa mo.

"At this point in time, ako kasi, ngayong senior citizen na ako, ayoko nang naha-high blood dahil ako ang nagsa-suffer.

"Pag umiinit ang ulo ko, nasisira at bumababa ang immune system ko, ako ang tinatamaan, hindi yung kalaban ko.

"I would be very, very gracious with you, but don't push me too hard."

Dagdag ni Vilma: "Ang motto ko ngayon, hindi ko na bibigyan ng problema ang sarili ko with all the bashings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"If you don't like me, I don't like you too. If you love me, I will love you more.

"Sumunod na rin tayo sa panahon, ganun lang yun. Para paproproblemahin ko ang sarili ko, it's not worth it."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos speaks about her realization amid corruption issues, the launch of a book featuring essays about her film characters, and how she handles emotions.
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results