PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eric Celerio dedicates a piano solo for late father Levi Celerio

Eric Celerio explains why he started playing classical music again.
by Julie E. Bonifacio
Published Sep 19, 2025
Eric Celerio dedicates a piano solo for his late father and National Artist Levi Celerio
New York-based pianist Eric Celerio says his late father and National Artist Levi Celerio used to give him "philosophical" advice on music.
PHOTO/S: Levi Celerio Facebook / PEP File

Nagbalik sa bansa ang New York-based musician na si Eric Celerio para i-promote ang kanyang bagong album na Piano Reflections sa ilalim ng Star Music.

Anak siya ng National Artist for Music and Literature Levi Celerio, na kilalang prolific composer at lyricist para sa humigit kumulang 4,000 songs.

Si Levi ang sumulat ng pamosong Filipino song na "Ugoy Ng Duyan." Ilan pa sa commercial songs niya ay ang "Saan Ka Man Naroroon?" "Kahit Konting Pagtingin," "Gaano Ko Ikaw Kamahal," "Kapag Puso'y Sinugatan," "Ikaw," "O Maliwanag Na Buwan," "Dahil Sa Isang Bulaklak," "Bagong Pagsilang," at "Sapagkat Kami'y Tao Lamang."

Nakilala rin si Levi sa pagtugtog gamit ang dahon, na naitala sa Guinness Book of Records.

Si Levi rin ang composer ng sikat na Christmas songs na "Pasko Na Naman," "Ang Pasko Ay Sumapit," at "Misa de Gallo."

Pumanaw si Levi sa edad na 91, ilang linggo bago ang kanyang kaarawan noong April 2002.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The Genius of Composer Levi Celerio

Tulad ng kanyang ama, si Eric ay nahilig din sa musika.

Nakapanayam siya ng entertainment press at dito niya ibinahagi ang kuwento ng kanyang pagiging musikero.

Paano niya na-discover na may talent siya sa pagtugtog ng piano?

"Eight years old ata tumutugtog na ako," sagot ni Eric.

"Basta umupo lang ako sa piano, tumugtog na ako. Yun nga, oo. Mabilis, mabilis. Feeling ko may reincarnation na."

Bagamat mahal ang mag-aral ng piano lesson, tinustusan daw ito ng kanyang mga magulang.

"Mahirap ang buhay noon, e. Nung araw mahal na ang PHP60.

"Pero yung isang kapatid ko, sa violin naman. Yung kapatid kong babae pumupunta ng school, ako naman pinupuntahan sa bahay."

Malaki raw ang ambag sa kanya ng kanyang piano lessons.

"Para tama ang training. Para magaling mag-swimming, you gonna get a swim teacher para scientific. Para tama talaga."

Read: Gerald Anderson and Julia Barretto: A relationship timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON STUDYING IN THE U.S.

Apat daw silang magkakapatid. At dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon ang ina ni Eric na magtrabaho sa U.S.

Siya ay 13 taong gulang nang dalhin ng kanyang ina sa New York. Doon na siya lumaki at nakapagtapos ng kursong Music sa Queens College.

"Nag-start ako mag-piano lesson dito. Tapos nung pumunta sa Amerika, tinuloy ng nanay ko.

"So, I was fast progress. Dalawa pa ang piano namin sa bahay noon.

"Nagkaroon ako ng formal training almost one year and a half sa Philippines. Almost two years sa Amerika and the rest, natural lang talaga."

Nanatili raw ang ama ni Eric sa Pilipinas.

"Encouraging and very philosophical" daw ang kanyang ama pagdating sa pagbibigay ng advice sa kanyang musika.

Paliwanag pa niya, "Kasi ang music hindi naman yan literal, e. Sometimes [it's a] concept and you can get a lot from concept.

"Parang sa swimmer, sasabihin mo, lumulutang ka lang, lumilipad ka lang. That can a be lesson right there. Yung mismong literal, sometimes not necessary."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinaliwanag din ni Eric bakit pinili niyang mag-aral sa Queens College School of Music.

"Very reputational yan. One of the best schools of music in the U.S.," tukoy niya rito.

Mas maganda kaysa sa pamosong Julliard School?

"Ang Julliard, performer lang. Ang Queens College nagsusulat na ng mga libro, very theoretical,” paghahambing ni Eric.

"Pag galing lang sa Julliard, kamay lang [sabay muestra niya]. Ang theory, yung Queens College. Yun ang mga magiging teacher."

Bilang musician, isa sa mga di malilimutang karanasan ni Eric ay nang manalo siya sa Carnegie Recital Home noong 1997 kunsaan nakalaban niya ang ibang musicians mula sa ibang bansa.

"Habang nag-aaral ako, nanalo ako sa isang kompetisyon. May mga rock friend pa nga ako na pumunta.

"Hindi bagay yung rock sa classical, e. Sinasabihan ko sila na keep quiet, 'Hindi ito rock concert!'"

Hanggang sa napunta raw siya sa pop music. Tumugtog at naging back-up daw siya ng ilang American singers gaya ni Christina Aguilera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya raw dumating sa puntong hindi na niya sineseryoso ang pagtugtog ng classical music.

Read: Rufa Mae Quinto denies foul play in husband Trevor's death

ERIC CELERIO new ALBUM FEATURING HIS PIANO PIECES

Pero tinawag daw siya muli ng kanyang roots pagdating sa musika, at saka bumalik sa pagtugtog ng piano.

"Eto lang. Itong last na ito. Kaya ko na-feel yun, Sabi ko, 'Teka. E, kung hindi na gumalaw ang daliri ko? Sayang.'

"So, nag-serious ako. Until I found this one, classical. I felt that I had to run an extra mile."

Nilunsad niya ang ikaapat niyang album, ang Piano Reflections, tampok ang 13 short piano pieces na ni-record niya sa New York.

“Puwede nating sabihin for the last three months, nag-a-araw-araw na ako. Para lang sa album ko na ito, ang Piano Reflections."

Paliwanag ni Eric tungkol sa inspirasyon ng kanyang mga piyesa: “Different emotions like peace, love, anger, reminiscing, bittersweetness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Or kaya yung naaalala ko na importante sa buhay ko nung bata ako. They became very good influence like yung lola ko, ang tinuro niya basta masipag ka. She didn’t even finish high school.

"Then, natuto ako na basta masipag ang tao, that’s enough. May tamad, may masipag, period."

Mayroon ding piyesa na iniaalay niya sa kanyang ama at National Artist for Music and Literature na si Levi Celerio.

Ani Eric, “Sa kanya yung 'The Waltz,' kasi parang hotel lounge."

Ang Piano Reflections ay available sa major streaming platforms tulad ng Apple Music, Amazon Music, at YouTube.

Read: Vilma Santos reflects on lessons learned amid corruption issues

IS HE OPEN TO DO SCORING FOR FILMS?

Samantala, nabanggit ni Eric na nagkaroon siya ng special participation bilang artista sa pelikula ni Lav Diaz, ang Batang West Side.

Posible kaya na pasukin din niya ang paggawa ng musical score sa local films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, puwede,” pag-ayon ni Eric, pero may halo itong pag-aalinlangan.

"I’ll try not because you’re gonna get busy. Ayoko na siguro. Saka kailangan mo complete equipment, latest computers.

"Parang you have to live that life. Medyo, I’m retired na siguro. Pero sayang, sayang talaga.

“Sana nga meron na musical instruments lang ang kailangan. Hindi yung musical soundtrack talaga."

ON CESAR MONTANO

Sabay naalala ni Eric na minsan ay nakausap niya raw si Cesar Montano, na gustong gawan ng biopic ang kuwento ng buhay ng ama ni Eric na si Levi Celerio.

Bakit naisip ni Cesar na gumawa ng biopic tungkol sa ama niya?

Sagot ni Eric: "Kasi nung pag-uusap namin, nakita niya sa akin yung mga untold Levi Celerio stories. Yung mga untold stories ng tatay ko nagustuhan niya. Kaya gusto ko he’s the first to do that film.

"Uumpisahan niya ang movie sa gitna ng gyera. Naligtas ang buhay ng tatay ko dahil sa dahon. Ang ganda, ‘no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos sa huli, pagkatapos ng movie parang makikita ako. Parang nagbaba-bye ako."

Pero wala naman daw pinal sa napag-usapan nila ni Cesar.

Sabay sabi ni Eric sa press: "How can I pin him down? You know, si Cesar mahilig mangako sa akin and nakakalimutan. So, I want to pin him down.

“Hindi pa niya nabili ang rights para sa life story ng tatay ko. Pero gusto niyang gawin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New York-based pianist Eric Celerio says his late father and National Artist Levi Celerio used to give him "philosophical" advice on music.
PHOTO/S: Levi Celerio Facebook / PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results