Puspusan ang promo para sa pelikulang Quezon.
Bago ang showing date, nakarating sa iba’t-ibang probinsiya ang bidang si Jericho Rosales.
Noong Linggo, September 14, 2025, nagkaroon ng politcal rally sina Echo at iba pang cast members sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Nagparada sila sa mall na tila nangangampanya, at umakyat pa sa isang mini-stage ang Kapamilya actor bilang si Manuel L. Quezon, na naging Pangulo ng Commonwealth of the Philippines mula 1935 hangggang sa kamatayan niya noong 1944.
“I’ve never promoted this much,” biro ni Echo sa isang forum na ginanap sa SM MOA IMAX Theater matapos ang parada.


Ang Quezon ang pangatlo sa Bayaniverse film series ng TBA Studios.
Una rito ang Heneral Luna, na ipinalabas noong 2015. Pangalawa ang Goyo noon 2018.
Si Jerrold Tarog ang direktor ng tatlong pelikula sa Bayaniverse.
Matatandaang noong 2013, nag-audition si Echo para gampanan si Heneral Luna ngunit hindi niya nakuha ang role, na ang isa sa requirements para sa gaganap ay magpalaki ng katawan. Naging balakid iyon sa kanya dahil the following year ang kasal niya kay Kim Jones.
Sa huli, si John Arcilla ang napili.
Read: TOTOO BA: Jericho Rosales auditioned for title role in Heneral Luna?
Kaya masaya ang aktor na nakasali siya sa hit film series.
“This has been the most important project of my life, and that’s not an exaggeration,” saad niya.
At marami raw siyang natutunan sa pagganap bilang dating Pangulo ng Pilipinas.
“Number one, it has brought me to closer to history, closer to becoming the Filipino I want to be—the questioning man that I am.
"Closer to what it really means to put cinema and history together.
"And, you know, at least I answered my question if I am on the right track as an actor, and as a filmmaker,” pahayag ng 45-year-old actor.
Read: Ellis Co speaks out against his father Congressman Zaldy Co
HOW JERICHO ROSALES PREPARed FOR THE ROLE
Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano pinaghandaan ni Echo ang role.
Aniya, nahirapan ang buong cast na gayahin ang looks at mannerisms ng mga characters.
Pero bukod sa itsura, mas naging challenge para kay Echo kung paano siya mag-switch. Mistulang naging journey raw ito para sa kanya.
“So one funny story is that three years ago, mahilig akong pumunta dun sa Intramuros. Merong isa dung tindahan ng antique. Titingnan ko yung mga kalasag, yung mga gamit ng mga magsasaka. Bibili ako ng artwork.”

At that time, may nakita siyang isang bust o sculpture ng isang lalaking galit na galit ang mukha.
“Parang very passionate. I was like, sobra namang intensity ng taong ito. Anyway hindi ko siya pinansin, yung bust na yun.”
Matapos ang tatlong taon ay tinawagan siya ni Direk Jerrold para i-offer ang role ni Quezon.
Agad daw na pumayag si Echo kahit hindi pa malinaw sa kanya kung paano ang gagawin niyang atake.
“The main question was, how do you prepare for power? Understanding power. I don’t have any idea of power. What does it mean to be a leader?” tanong niya.
Dahil dito ay bumalik siya sa antique shop sa Intramuros baka sakaling makakuha siya ng inspiration. At dito ay nakita niya muli ang istatwa ng lalaking sumisigaw.
“So I was looking for anything that would give me MLQ vibes. And then pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko yung bust nung lalaking nakaganun, it was Manuel L Quezon by Anastacio Caedo.
"So I immediately bought that bust and brought it home,” kuwento ni Echo.
Going back to the role, “The preparation to understand power was the most vicious and most insidious thing that na-encounter ko."
Mayroon daw kasing isang malaking scene sa pelikula na kailangan ng power para magawa nang maayos.
“Because we were just looking for that spirit of that one of the biggest scenes in the film, when he said, ‘I am the Philippines.’
"What does that mean? That was the most difficult journey ever,” saad ni Echo.
Sa October 15 na ipapalabas ang Quezon.
Kasama sa cast sina Karylle, Mon Confiado, Joross Gamboa, Aaron Villaflor, Ketchup Eusebio, Angeli Bayani, Jake Macapagal, Bodjie Pascua, at Therese Malvar.
JERICHO ROSALES ON FILIPINO PRIDE
Dahil political movie ang Quezon ay nagsalita rin si Echo tungkol sa mga malalaking issue sa pulitika na kinaharap ng bansa sa ngayon.
Aniya: “Our sense of pride is so down there. And the main problem that I see, because I just observe, is that wala na tayong ikakatuwa sa bansa natin ngayon na obvious. Kailangan mo nang kalkalin."
Iniisip niya na tila mas malalim na ang paghuhugutan ng mga Pilipino para lang maramdaman ang pagmamahal sa bansa.
Pero ang pakiusap ni Echo, “Hindi tayo dapat ganun."
Inisa-isa niya ang mga bagay na dapat ipagmalaki.
“Dapat proud ka na meron tayong coconut. Sandamakmak na coconut. Na lahat na bumubuhay mula langis, na mula pa lang nung panahon ng Amerikano, inaangkat na nila, at kaya nga sila nandito.
"Dapat proud tayo sa kulay natin.
"Ngayon ayaw na nating manood ng Pilipino, Koreano na lang. Anak ng teteng. Okay yung TV, okay yung pelikula. Pero dapat maging proud tayo sa sarili nating balat. Okay lahat ng pelikula natin, di ba? Kailangan lang talaga nating sabihin sa sarili natin na, 'Teka lang, baka oras na, na kung ito yung ginagawa ko, lampasan ko yung ginagawa ko.”
Bukod pa rito, dapat magsalita raw tayo tungkol sa mga anomalya sa pamahalaan.
“Siyempre mabubuw*sit lahat ng tao sa pulitiko. E, kasi hinahayaan nating ganun, e. E di huwag nating hayaang ganun.
"Magkaroon tayo ng accountability. Pag di okay itong semento na ito, e, di sabihin natin, hindi po okay ito,” saad niya.
Pagpapatuloy niya, hindi tamang manahimik lamang ang mga Pilipino.
“Kasi kung tatameme lang tayo, baka yun talaga ang problema natin. Lagi tayong tameme, tameme, tameme.
"Hindi tayo tameme. Proud. Dapat proud.
"So ngayon, 2025, ang movement natin, maging proud Filipino. Because kung hindi ka proud Filipino, mawawala na ang Pilipinas,” paliwanag ni Echo.