Tila punung-puno na rin ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa talamak na korapsyon sa bansa.
Sa isang pambihirang pagkakataon ay hindi na napigilan ng singer-actress na maglabas ng saloobin sa kasalukuyang estado ng Pilipinas.
Ginawa ito si Sarah sa kanyang appearance sa UAAP Season 88 opening ceremony na ginanap sa University of Sto. Tomas (UST) grounds ngayong Biyernes, September 19, 2025.
Isang Thomasian si Sarah dahil dito siya nag-high school kahit hindi siya nagtapos doon.
Pinerform ni Sarah ang ilan sa kanyang hit songs gaya ng "Ikot-Ikot" at "Tala."

Maliban dito ay nakipag-interact din siya sa mga estudyanteng dumalo sa pagitipon.
Mensahe ni Sarah: "Masaya po akong makasama kayo ngayong gabi.
"Di naman po lingid sa kaalaman natin na napakaraming nangyayaring kaguluhan, kasinungalingan, panloloko ang ginagawa sa ating bansa."
Kasunod nito ay pinaalalahanan niya ang mga kabataan na nasa kanilang mga palad ang susi ng pagbabago sa bayan.
Dagdag niya: "Let us all be reminded na kayo—I don't want to put the pressure on you, ang ating mga kabataan—kayo ang pag-asa ng ating bansa at ng ating bayan.
"One day, kayo ang magbabago ng bulok na sistema ng bansang ito.
"Wag kayong mawawalan ng pag-asa. Wag tayo mawawalan ng pag-asa.
"Kumapit tayo sa hope at magtiwala.
"Patuloy na magtiwala na balang araw magbabago din ang bulok na sistema na yan, at umuunlad din ang ating mahal na bansang Pilipinas.
"Hindi na natin kailangan umalis ng bansa para makapaghanap ng magandang trabaho dahil nandidito na lahat ng oportunidad.
"Patuloy nating ipagdasal ang ating bansa."
Read: Gerald Anderson and Julia Barretto: A relationship timeline
Sarah: PINAIKOT-IKOT LANG TAYO. TAMA NA!
Noong kinanta naman niya ang "Tala", humirit siya bago ang chorus ng: "Parang panloloko lang sa bansa natin. Pinaikot-ikot lang tayo. Tama na!”
Dahil sa talamak na korapsyon sa bansa, nakatakdang magsagawa ng dalawang malaking kilos-protesta sa Linggo, September 21, na gaganapin sa EDSA at sa Luneta.
Read: Joel Lamangan, magdidirek ng Luneta rally sa kanyang birthday
