Hindi nagpahuli ang mga kilalang personalidad sa naganap na malaking anti-corruption rally ngayong araw, September 21, 2025.
May celebrities na namataan sa pagkikilos sa EDSA, sa Makati, sa Luneta at sa iba pang lugar sa bansa.
Naroon sila para sumama sa hinaing ng mamamayan na tigilan na ang korupsyon sa pamahalaan.
Narito ang ilan sa mga artista na sumali sa rally.
MAKATI RUN AGAINST CORRUPTION
Kaninang umaga ay nagkaroon ng Run Against Corruption event sa Ayala sa Makati City.
Sina Dingdong Dantes at Kim Atienza ang nag-organize nito.
Namataan sa event sina Benjamin Alves, Jerald Napoles, Kim Molina, Dasuri Choi, at si Faith Da Silva.
View this post on Instagram
Nakaitim ang mga nasabing celebrities. Sa damit nila ay may mga nakasulat na iba’t ibang mensahe laban sa korupsyon.
Nagbigay ng statement si Dingdong tungkol sa event na ito sa kanyang Instagram account.
“Not our usual Sunday run,” panimula ng actor and TV host. “Today, our small community gathered not just for distance, but with prayer and intention.”
Dagdag niya, ipananalangin daw nila ang mga a-attend sa malaking rally.
“We hoped. We dreamed. For a corrupt-free Philippines. For accountability from those who have stolen from us. And for those attending the big rallies, we lifted them up in prayer as well. We each have different ways of expressing our grievances and hopes. Today, this was ours,” sabi ni Dingdong.
PEOPLE POWER MONUMENT
Marami ring celebrities ang namataan sa pagkilos sa People Power Monument sa may EDSA sa Quezon City.
Nakita sa crowd sina Vice Ganda, Catriona Gray, Anne Curits, Donny Pangilinan, Gabbi Garcia, Khalil Rhamos, Rhian Ramos, Saab Magalona, Ion Perez, at Bianca Gonzales.
Umakyat ang ilan sa kanila sa isang maliit na entablado para kumustahin ang madla.
Sa isang speech, ay may maanghang na salita si Vice laban sa mga corrupt.
“Putang-ina niyo. 'Tapos na ang panahon ng mga mababait at resilient. Ang mga mababait ginago. Ang mga resilient, tinarantado,” saad ng It’s Showtime host.
@angatbuhaypilipinas 'IKULONG PATI PAMILYA NILA' WATCH: Vice Ganda delivered a speech at the EDSA White Plains rally on Sunday, Sept. 21, joined on stage by Iza Calzado, Catriona Gray, Gabbi Garcia, and Nicole Cordoves in a show of solidarity.
? original sound - TAYO ANG LIWANAG
Nag-lead din si Vice sa pagkanta ng "Ako’y Isang Mabuting Pilipino," isang protest song na isinulat ni Noel Cabangon.
Namataan din malapit sa People Power Monument sina Marjorie Barretto, Julia Barretto, Gardo Versoza, Moi Bien, Jackie Gonzaga, Jasmine Curtis-Smith at Darren Espanto.
Dumalo rin sina Nadine Lustre, Iza Calzado, Dingdong Avanzado, Mika Salamanca, Ralph de Leon, Ivana Alawi, KD Estrada, Raheel Bhyria, at ang mga miyembro ng bandang Ben & Ben.

Namataan namang magkakasama sina David Licauco, Dustin Yu, at ang Regal Entertainment CEO na si Roselle Monteverde.
View this post on Instagram
BAHA SA LUNETA
Habang nagaganap ang programa sa EDSA ay may isa ring pagkilos sa Rizal Park sa Luneta, sa siyudad ng Maynila.
Dito namataan sina Maris Racal, Andrea Brillantes, Ping Medina, Tessie Tomas, Angel Aquino, Jodi Sta. Maria at ang direktor na si Joel Lamangan.
May dalang megaphone si Maris kaya’t nakapag-lead siya saglit sa rally.

“Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo,” ang panawagan ng Kapamilya actress.
Umakyat naman sa entablado si Angel para magbigay ng mensahe.
“Bata pa lang ako sa UP Baguio, nakikipaglaban na kami sa ganitong klaseng sistema. Pero hanggang ngayon, parang mas malala pa ang nangyayari. Parang mas in our face nila ginagawa yung pagnanakaw nila, yung paglulustay nila sa pera natin,” saad ng award-winning character actress.
@themanilatimes Angel Aquino, Tessie Tomas, Jodi Sta. Maria call for change Celebrities Angel Aquino, Tessie Tomas and Jodi Sta. Maria join other Filipinos in the anti-corruption rally in Luneta on Sunday, September 21, 2025. VIDEO BY IZA IGLESIAS
? original sound - The Manila Times
Dagdag pa niya, dapat daw ay maging vigilant ang mga Pilipino.
“Panagutin natin sila dahil sobra na sila,” sabi ni Angel.
Nagbigay rin ng mensahe si Jodi. “Gusto ko lang mag-share,” saad niya. “This is the very first time na sumali ako sa isang rally na katulad nito.”
Naniniwala raw ang Kapamilya actress na importante ang pagkakaisa ng lahat.
“It doesn’t really matter kung anong sektor ang kinabibilangan mo. Kung saang institusyon ka galing, kung anong paaralan ka gumraduate o kung anong paaralan ka nag-aaral.
"Ngayon, lahat tayo nandidito dahil tayong lahat ay mga Pilipino. At bilang Pilipino, may karapatan tayo, ang bawat isa sa atin, ano ba ang nangyayari, sa pera, ano ba ang nangyayari, ang sitwasyon ng ating bayan,” sabi ni Jodi.
Dagdag pa ni Jodi, dapat daw ay may managot na ngayon.
“Ilang rebolusyon na ang pinagdaanan natin, simula noong unang EDSA, EDSA Dos, EDSA Tres, napakarami. Pero minsan, nasa news, dalawang linggo, tatlong linggo, mamamatay, mawawala. Dapat, hindi na natin ito pwedeng palagpasin,” paliwanag niya.
@chie.zip Actress Jodi Sta. Maria at the Luneta Rally against flood control and corruption #BahaSaLuneta #Luneta #Rally #KurakotManagot ? original sound - chie.zip
Pagpapatuloy ni Jodi, dapat daw ay maging malakas ang bansa para sa susunod na henerasyon.
“Anong papamana natin sa kanila? Utang? Yun ba ang gusto natin? There has to be change. Change has to happen,” sabi pa ni Jodi.
Sa huli, umapela siya na huwag tumigil ang mga Pilipino sa pagpaparating ng mga hinaing.
“Collectively may magagawa po tayo. Hindi ito kilos ng iisang tao lamang. We have to work as a country. Tayong lahat as a people, kailangan pong kumilos tayo.
"Kailangan po na marinig ang boses natin na gusto nating baguhin ang sistema. At siyempre, gusto natin na may managot. Gusto natin na makulong ang corrupt,” pahayag pa ni Jodi.