Kahit naka-social media detox si Sharon Cuneta, paminsan-minsan ay nagpu-post pa rin siya sa kanyang Instagram account.
Noong September 20, 2025, nagbahagi si Sharon ng kanyang pananaw sa aniya'y malaking pagbabago sa sistema ng showbiz ngayon.
Marahil napagtanto ito ni Sharon habang hindi siya abala sa anumang showbiz commitment.
Kabilang na rito ang tungkol sa loyalty at pagiging honest.
Saad ng Megastar: "A few things I've learned—or confirmed—recently:
"Loyalty cannot be blind. No sense staying loyal to people who aren't loyal to you.
"Honesty is still the best judge of character.
"Some people change when money is involved.
"Showbiz has changed so much."

Bukod sa napansin niyang pagbabago sa mundo ng showbiz, pati raw ang mga taong gumagalaw rito ay nagbago na rin.
Na hindi na raw niya kayang sakyan.
Saad ng Megastar, "Showbiz has changed so much. Much more, the people in it. Some things, I can no longer live with."
Dapat na rin daw lumayo sa mga taong nagsasabing minahal ka nila pero sa kaibuturan ng kanilang puso ay wala itong katotohanan.
Aniya: "Let go of people whose ways you have just been tolerating for some time.
"Not everyone who says they love you and has your best interests at heart actually means it."
Sa huli, sinabi ni Sharon na maiksi lamang ang buhay kaya nararapat lamang bumuo ng tunay na relasyon sa mga totoong tao at totoong nagmamahal.
Saad pa niya, "Life is too short. Invest in relationships that are real, loving, and good for you.
"There are more meaningful, priceless things in life than Megastardom."

View this post on Instagram
Read: Netizens ask amidst anti-corruption rally: Where’s Kathryn?
Sharon to make a TV comeback soon
Halos isang buwan nang hindi aktibo si Sharon sa Instagram matapos niyang ianunsiyong pansamantala siyang mamamahinga sa social media.
Pero noong September 15, sorpresang inanunsiyo ni Sharon sa kanyang followers na malapit na siyang magbalik-telebisyon.
