PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Placards, punchlines steal the scene at Trillion Peso March

Whether humorous or serious, the messages are loud and clear.
by Bernie V. Franco
Published Sep 22, 2025
Trillion Peso March placards
DIFFERENT EXPRESSIONS. ONE MESSAGE. The Trillion Peso March on September 21, 2025, witnessed rallyists holding up placards bearing various messages. But all stood united in their call to end corruption and hold corrupt officials accountable.
PHOTO/S: Facebbok

Libu-libong mamamayang Pilipino ang nakiisa sa mga rally na ginanap sa Luneta Park sa Manila, People Power Monument sa Quezon City, at sa iba pang bahagi ng bansa nitong Linggo, September 21, 2025.

Iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagsama-sama sa kalsada upang ipabatid sa gobyerno at sa mga nasa puwesto ang isang mensahe: Dapat managot ang mga sangkot sa malawakang korapsiyon sa Pilipinas.

Kanya-kanyang isip ng paraan ang mga tao kung paano nila ipapahiwatig ang nararamdaman.

May mga gumamit ng effigies at costumes; may mga nag-chant; may mga sumigaw; at ang pinakakaraniwan, may nagtaas ng banners, slogans, at placards.

May seryoso at mayroon ding gumamit ng humor sa mensaheng ibinandera nila sa placards.

Pero iisa ang layunin ng mga ito: Ang kalampagin ang gobyerno.

Read: Viral "Fishball Warrior," tumakbong mayor ng Maynila

WITTY SLOGANS

Agaw-eksena ang mga bitbit na placards ng ilang dumalo sa rally.

Sa kabila ng seryosong usapin, nailabas ng ilan sa kanila ang wit at creativity para makapukaw ng pansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento nga ng isa, litaw na litaw ang “Pinoy humor."

Dugtong ng isa pang netizen, “Yung galit ka pero witty ka pa rin."

humor

May humirit ng: “Yung feeling na galit ka pero kailangan mong pakalmahin yung tinatanong mo baka hindi sumagot.”

humor 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marahil ang pinakasikat na satire na ginamit ng marami sa rally ay ang naging birthday wish ng Kapuso journalist na si Kara David.

“Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas,” saad ni Kara sa kanyang 52nd birthday kamakailan.

Ginamit ng maraming ralyista ang pahayag na ito ni Kara sa paggawa ng kanilang placards.

Narito ang ilan sa kanila:

“Pauna na lang po ang birthday wish ni Ms Kara David."

“Birthday wish ni Kara D. sana matupad."

Kara david 1
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
kara david
Photo/s: Facebook

“Sana matupad na ang wish ni Kara David."

“Lord! Dinggin mo ang wish ni Kara David."

Hindi nagpahuli ang isang babaeng nakasakay sa motorsiklo at may bitbit na tarpaulin, kung saan may nakasulat na:

“Sana madinig nila tayo! Pero kung hindi nila tayo maririnig, nawa’y matupad yung wish ni Ms. Kara David.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kara David 3
Kara david pa
Photo/s: Buena Arevalo Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kara David pa more
Photo/s: Facebook

Hindi rin pinalagpas ang mga sumikat na dialogues sa mga pelikula.

“Wag mo ‘ko ma-Terry-Terry…Yung tanong ko sagutin ninyo. San nyo dinala ang pondo ng bayan???”

Halaw ito sa dialogue ni Maricel Soriano sa 1994 film, Minsan lang Kita Iibigin.

Ang linya naman ni Piolo Pascual sa Starting Over Again (2014):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I deserve an explanation!!! I deserve an acceptable reason!!! Sa’n nyo dinala ang bilyong bilyong pisong kinamal mula sa pera ng taumbayan???”

movie placard

May placard din ang Kapamilya singer na si Darren Espanto, at ang nakasulat dito ay hango sa linya ni Kathryn Bernardo sa pelikulang The Hows of Us (2018).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dialogue na ito ni Kathryn ay in-edit, nilapatan ng musika, at sumikat sa TikTok.

Saad sa placard ni Darren na may picture ni Kathryn: “Pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na ang mga Pilipino."

Darren Espanto

Gumawa rin ng slogan batay sa mga trends na sumikat sa TikTok tulad ng Jet2 Holiday promo ad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa hawak na placard ng ilang nakilahok na estudyante, “Nothing beats a taxpayer funded holiday.”

Jet2 Holiday
Photo/s: Facebook

At siyempre, hindi mawawala ang masang humor ng mga Pilipino.

May nagsulat sa placard na pang-date raw sana; may isa pa na nagsulat na pangnood daw sana niya iyon ng SB19 concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
date
Photo/s: Facebook

Pero panalo at hard-hitting ang humor ng nagsulat sa placard na ito (published as is): “40 cars??!? Kapatid ko nga tatlo lang brief!!”

brief
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang banat na ito ay patama rin sa tinatayang 40 luxury cars ng contractor na si Sarah Discaya, na umano’y nabigyan ng bilyun-bilyong piso para isagawa ang anomalous flood-control projects ng Department of Public Works and Highways.

May mga placards ding gumamit ng wit na patungkol sa baha at tax.

Narito ang iba pang placards:

alipunga
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

tax
Photo/s: Facebook


Photo/s: Facebook

Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda, Cardinal David’s views on death penalty

SERIOUS MESSAGES

Hindi rin mawawala ang mga mas seryosong mensahe.

Mga panawagang sapul sa mga kinauukulan:

“Ibalik niyo ang pera ng taumbayan,” mababasa sa placard na bitbit ni Donny Pangilinan.

Ayon sa placard naman ng isang ralyistang dumalo na binalot ng putik ang katawan, “Hirap maging mahirap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Donny Pangilinan
Photo/s: Facebook
mud
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Speaking of pera at hirap, mababasa sa isa pang placard: “Pera namin galing hirap, pera niyo galing sa mahihirap!”

Kuhang-kuha nito ang panawagan ng taxpayers na dugo at pawis ang puhunan sa pagtatrabaho para kumita, pero ang ibinabayad pala nilang buwis ay binubulsa ng mga kurakot.

Sapul ang mensahe ng isang ralyisita: “Lunod na kami sa baha, kayo sa pera.”

rally
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
rallyists
Photo/s: Facebook

Hopeful naman ang bitbit na placard ng isang female rallyist.

Anito: "When the waters rise, so must we!”

rallyist 4
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami rin ang may hugot pero may katotohanan ang itinaas na placard, gaya ng placard ng isang male rallyist.

Sabi rito (published as is): “When the rich rob the poor it’s called business. When the poor fight back its called violence.”

On point naman ang maiksing mensahe ng isang babaeng nakisali sa rally: “The fact that we are here means you’re doing your job wrong!”

rallyist 6
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
rallyist 7
Photo/s: Facebook

Ang kapirasong papel na hawak ng aktres na si Maris Racal ay may iilang salita, pero malinaw ang mensaheng ipinaparating nito.

Ang panawagan niya: “Lahat ng korap, dapat managot.”

maris racal
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba-iba ang paraan ng pagpapahayag ng mga dumalo sa rally tungkol sa isyu ng korapsiyon.

Mayroong mahinahon, meron ding nagngingitngit sa galit, ang iba nga idinaan sa mas marahas na paraan.

Pero sa kabila ng mga pagkakaibang ito, malinaw ang mensahe na nais nilang iparating—nakakatawa man o seryoso ang nakasulat sa bitbit nilang placards.

Nais nilang managot ang mga korap na opisyal at matigil na ang malaking problema sa korapsyon sa bansa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DIFFERENT EXPRESSIONS. ONE MESSAGE. The Trillion Peso March on September 21, 2025, witnessed rallyists holding up placards bearing various messages. But all stood united in their call to end corruption and hold corrupt officials accountable.
PHOTO/S: Facebbok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results