PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SB19 Josh Cullen curses at corrupt officials; replies to netizens

SB19 Justin also replies to netizen asking for him to speak up about corruption.
by Rachelle Siazon
Published Sep 22, 2025
SB19
SB19 Josh Cullen to naysayers: "Apologies if my millions in taxes and one curse word ruined your day. I’ll try to be happier while being robbed." Seen above are Josh, Stell Asero, Felip Suson, Justin de Dios, and Pablo Nase. On the inset is a screenshot of Josh and Pablo singing "Kapangyarihan" in support of the trillion-peso march.
PHOTO/S: @officialsb19 Instagram / Josh Cullen Facebook (inset)

Hindi napigilan ni SB19 Josh Cullen na murahin ang korap na mga opisyal ng gobyerno na talamak ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Kaugnay pa rin ito ng nalantad na sistema ng sabwatan para makabulsa ng kickback mula sa bilyun-bilyong pisong flood control projects.

Umabot sa PHP1.001 trillion ang ibinuhos na pondo para lamang sa taong 2023-2025, base sa datos na inulat ni Senator Panfilo Lacson sa kanyang privilege speech.

Humantong ito sa Trillion Peso March na dinaluhan ng libu-libong tao mula sa Luneta hanggang EDSA kahapon, September 22, 2025.

Gabi pa lang ng September 20, Biyernes, naglabas ng video ang SB19 members na sina Josh at Pablo Nase ng video habang kumakanta ng "Kapangyarihan."

Ang "Kapangyarihan" ay kanta ng Ben&Ben at SB19. Isinulat ito ng magkapatid na Paolo at Miguel Guico, kasama si Pablo.

Sa video ni Josh, sabay silang kumanta ni Pablo ng "Akala niyo ba ang kapangyarihan ay nasa inyo..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa halip na "Sino ba kayo?" ay pinalitan ito ni Josh ng linyang "mga p****ng i** niyo."

Kalakip ng video ay ang post ni Josh na, "Ninanakawan niyo kami tapos gusto magpigil at maging mabait pa rin?"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang 4.5M views at higit 10,000 comments ang video.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami sa mga tagasubaybay ng SB19 ay naiintindihan ang saloobin nila sa pangngurakot ng government officials.

Sa kabilang banda, may ilan ding pinuna ang pagmumura ni Josh.

Read: Netizens ask amidst anti-corruption rally: Where’s Kathryn?

SB19 JOSH CULLEN ANSWERS NETIZENS

Hindi inatrasan ni Josh ang bumabatikos sa kanya.

Kagabi ay sumagot siya sa comments section ng kanyang FB post.

Pahayag ni Josh: "Sa mga nagko-comment na ‘Lasing’? ‘Sabog’? Baka kayo ‘yon.

"Tulog ba kayo nitong mga nakaraang linggo? Kung wala kang context, huwag na makisali.

"Minsan lang kami magsalita. Pigil pa nga. Weird niyo.

"Nasa Pinas na issue dinadala niyo pa rin sa inyo.

"Don’t mock people who actually care about what’s happening in our country."

SB19 Josh Cullen curses at corrupt officials; replies to naysayers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Lunes, September 22, sinagot din ni Josh sa Twitter ang netizen na kinukuwestiyon ang paraan niya ng paghayag ng saloobin.

Ayon sa netizen, hindi raw sapat ang paggamit ng strong language sa publiko para masabing nagpapakatotoo ang isang tao.

Mas nasusukat daw ang character ng tao sa kilos nito kapag walang kamera.

Tila naniniwala ang netizen sa usap-usapang hindi raw mamamansin si Josh ng kagrupo kung hindi lang daw dahil sa trabaho ng mga ito.

Kaya raw kinukuwestiyon ng netizen kung "aligned" ang sinasabi ni Josh sa aksyon nito sa likod ng camera.

Nag-reply si Josh sa pahayag ng netizen sa X.

Pahayag ni Josh: "Apologies if my millions in taxes and one curse word ruined your day. I’ll try to be happier while being robbed.

"Oh btw, your idol was the one who told me to post that."

Pagkatapos ng dalawang oras ay may paglilinaw si Josh.

Aniya, "He didn’t completely make me post this pala ha. He just said if I had the balls id post it online. Well… guess who does."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
SB19 Josh Cullen curses at corrupt officials; replies to naysayers

Sa takbo ng salita ni Josh ay tila ipinahiwatig nitong may kinikilingang ibang SB19 member ang netizen na pumuna sa kanya.

Napag-alaman naman ng ibang netizens na sadyang kontra raw ang netizen kay Josh noon pa man.

Hindi na raw kailangang magpaliwanag pa ni Josh sa paraan ng paghayag niya ng saloobin sa isyu ng korapsyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

SB19 JUSTIN REPLIES TO NETIZEN ASKING HIM TO SPEAK UP

Sa kabilang banda, may netizen sa X na naghahanap kay SB19 Justin de Dios at hinahamon itong manindigan tungkol sa korapsyon.

Puna ng netizen, sana raw ay hindi lang "subtle likes" ang gawin ni Justin kundi gamitin ang plataporma nito para magsulong ng paninindigan tulad ng iba raw nitong adbokasiya.

Diretsong sumagot si Justin dito.

Ayon kay Justin, nag-iisip pa siya ng plano para sa buong SB19.

"Hi! Yung post ni Ofifi is actually my initiative. I also have another initiative that we will do on the 24th.

"Sorry if I disappointed you by not posting on my personal account, I need to think more effective ways since our influence as a group is much stronger than me alone."

Ang tinutukoy ni Justin na "Ofifi" ay ang official SB19 account kung saan makikita ang video na naghahayag ng paninindigan ng grupo laban sa korapsyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
SB19 Justin de Dios explains his silence amid trillion-peso march

Nagpasalamat naman ang netizen sa paglilinaw ni Justin kung bakit ito tahimik, at na-appreciate daw nito kung anuman ang initiative na gagawin ng grupong SB19.

May mga iba pang netizens ang naghayag ng suporta kay Justin, at sinabing di na nito kailangang mag-sorry.

Naniniwala raw ang fans ng SB19 na kaisa ang grupo sa paninindigan ng taong-bayan laban sa korapsyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Celebrities spotted at September 21 protests in Luneta, EDSA

SB19 STELL AJERO ON TRILLION-PESO MARCH

Sa kaso ni SB19 Stell Ajero, kahapon ay nagsabi siyang hindi siya makakadalo sa Trillion Peso March.

Nasa Japan ang SB19 para sa kanilang concert doon.

Pero nakikiisa raw si Stell sa protesta.

Sabi ni Stell: "MAG INGAT PO ANG LAHAT NGAYONG ARAW. WALA MAN AKO NGAYON SA PROTESTA, NASAINYO ANG AKING BUONG SUPORTA!"

SB19 ON STANDING BY FELLOW FILIPINOS

Noon pang September 20, o gabi bago ang trillion-peso march, nanindigan ang SB19 na sila ay kaisa ng bawat Pilipinong umaasa ng tunay na pagbabago.

Ito ang tinutukoy ni Justin na kanyang initiative para maipahayag ang saloobin ng kanilang grupo laban sa korapsyon.

Sa kanilang official account sa X, naglabas sila ng video kalakip ng pagkanta nila ng chorus ng "Kapangyarihan."

Sabi rito: "Akala niyo ba, ang kapangyarihan / Ay nasa inyo? Sino ba kayo? / Magwawagi ang katotohanan / Ang kadiliman ay ibabagsak / Nagsisilbi ka dapat / Nagsisilbi ka dapat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang caption ng video: "Ang tao, ang bayan, ang tunay na kapangyarihan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SB19 Josh Cullen to naysayers: "Apologies if my millions in taxes and one curse word ruined your day. I’ll try to be happier while being robbed." Seen above are Josh, Stell Asero, Felip Suson, Justin de Dios, and Pablo Nase. On the inset is a screenshot of Josh and Pablo singing "Kapangyarihan" in support of the trillion-peso march.
PHOTO/S: @officialsb19 Instagram / Josh Cullen Facebook (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results