PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Duterte charged with 3 counts of murder by ICC prosecutors

The charges are in connection with alleged crimes against humanity.
by Erwin Santiago
Published Sep 23, 2025
rodrigo duterte icc warrant of arrest
Former President Rodrigo Duterte faces three murder charges filed by International Criminal Court prosecutors.
PHOTO/S: Facebook

Pormal nang naghain ng tatlong bilang ng kasong murder ang deputy prosecutors ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ngayong Martes, September 23, 2025, ay inilabas ng ICC sa kanilang official website ang redacted version ng buod at detalye ng mga kasong isinampa sa dating Pangulo ng Pilipinas.

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

Base sa dokumento, dapat managot si Duterte sa mga sumusunod:

Una, mga patayan sa Davao City habang nakaupo siya bilang mayor, mula 2013 hanggang 2016, kung saan 19 ang nasawi sa siyam na insidente.

Pangalawa, ang pagpatay sa 14 "high-value targets" sa ilang panig ng Pilipinas nang nasa puwesto siya bilang Presidente ng Pilipinas, mula 2016 hanggang 2017.

Pangatlo, murder at attempted murder sa mga isinagawang barangay clearance operations, mula 2016 hanggang 2018, kung saan 45 ang nasawi.

duterte icc charge sheet
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi pa sa nakasaad sa dokumento: “At least between 1 November 2011 and 16 March 2019, Duterte and his co-perpetrators shared a common plan or agreement to ‘neutralize’ alleged criminals in the Philippines (including those perceived or alleged to be associated with drug use, sale or production) through violent crimes including murder.”

Ang ICC charge sheet ay may petsang July 4, 2025 at pirmado ng ICC deputy prosecutor na si Mame Mandiaye Niang.

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

RODRIGO DUTERTE'S ARREST

Iniimbestigahan ng ICC si Duterte dahil sa sinasabing krimen nito laban sa sangkatauhan na nangyari habang siya ang nakaupong Pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 2016 - Hunyo 22, 2022.

Binansagang EJKs—o Extrajudicial Killings—ang pagkakapatay sa mga taong may involvement daw sa drug trade.

Ayon sa pna.gov.ph ng March 30, 2022, ang EJK figures ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay: "6,229 ang namatay sa isinagawang 226,662 anti-drug operations simula noong July 2016 hanggang January 31, 2022."

Ayon naman sa Commission on Human Rights (CHR) report ng November 2, 2021, ire-review nito ang "5,655 cases of anti-drug operations where deaths occurred including those being handled by the Administrative Order No. 35 Inter-agency Committee on Extra-Legal Series, Enforced Disappearances, Torture, and Other Grave Violations to Life, Liberty and Security of Persons."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang inilabas na warrant of arrest ng ICC kay Duterte ay pirmado ng tatlong judges ng Pre-Trial Chamber 1.

Ang Pre-Trial Chamber 1 ay binubuo ng tatlong babaeng judges: sina Julia Antoanella Motoc mula sa Romania, Reine Adelaide Sophie Alapini-Gansou mula sa Benin, at Maria del Socorro Flores Liera mula sa Mexico.

Ang petsang nakalagay sa warrant of arrest ay March 7, 2025.

Read: Former President Rodrigo Duterte arrested on ICC warrant over drug killings

WHAT IS ICC?

Ang International Criminal Court ay isang inter-governmental organization na nagsisiyasat, at kung kinakailangan, ay nagsasagawa ng mga paglilitis laban sa mga indibidwal na inaakusahan ng pinakamabigat na mga krimen na may kinalaman sa international community.

Apat ang krimeng iniimbestigahan ng ICC.

Una ay ang genocide, o ang intensyonal na paglipol sa isang lahi o religious group, sa pamamagitan ng planadong pagpatay o lubusang pananakit sa mga miyembro nito.

Pangalawa ay ang war crimes, kung saan nakapaloob ang malulubhang paglabag sa mga batas ng digmaan, gaya ng pagpatay ng sibilyan, pagpapahirap sa mga bihag, at paggamit ng ipinagbabawal na sandata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangatlo ang crimes against humanity, o ang malawakang pag-atake laban sa mga sibilyan, kabilang ang pagpatay, pang-aalipin, torture, forced disappearance o sapilitang pagkawala, at iba pang di-makataong gawain.

At ang pang-apat ay ang crime of aggression. Dito ay pinagbabawalan ang pinuno ng isang bansa o estado na magplano o magsagawa ng marahas na pananakop laban sa iba pang teritoryo.

Sa apat na ito, ang pangatlo, o crimes against humanity, ang ikinaso kay Duterte.

Sa estima ng Human Rights Watch, mahigit sa 12,000 na Pilipino ang namatay sa war on drugs ni Duterte.

Read: EXPLAINER: What is ICC and why is it handling the Duterte case?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former President Rodrigo Duterte faces three murder charges filed by International Criminal Court prosecutors.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results