PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shuvee Etrata addresses criticisms about her political stand

Shuvee: "I stand for and with the Filipino people--always."
by Rachelle Siazon
Published Sep 23, 2025
Shuvee Etrata addresses critcisms on her political stand
Shuvee Etrata: "Pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko. I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it... Huwag po kayong mag alala, natuto na po ako..."
PHOTO/S: @niko.gonzales via @shuveeetrata Instagram

Nagsalita na si Shuvee Etrata sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa kanyang political stand.

Trending sa X (dating Twitter) ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate matapos mahalungkat ng netizens ang video niyang kuha noong March 2025.

Kasabay ito ng panawagan ng netizens sa mga iniidolo nilang artista na sana raw ay gamitin ang impluwensiya ng mga ito sa paninindigan para sa mga mahahalagang isyu sa bansa.

Shuvee Etrata addressess criticisms on her political stand

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa netizens, dismayado sila dahil sa pag-aakalang mas maiintindihan ni Shuvee ang sitwasyon ng vulnerable sectors dahil sa dinaanang hirap sa buhay ng Kapuso star.

Inaasahan daw sana nilang gamitin ni Shuvee ang boses nito para hikayating managot ang mga lider na may atraso sa taong-bayan.

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

SHUVEE ETRATA OFFICIAL STATEMENT

Isang open letter ang isinagot ni Shuvee kaugnay ng mga natamo niyang kritisismo mula sa netizens.

Walang direktang personalidad o isyu na tinukoy si Shuvee sa kanyang pahayag.

Ang tanging malinaw ay humingi siya ng pasensiya sa mga nadismaya sa kung anumang nasabi niya noon na nakasakit sa iba.

Idiniin niyang nakikiisa siya sa mga kapwa Pilipino na dumadaing lalo na sa isyu ng korapsyon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

"Maayong adlaw sa tanan! I'm deeply grateful for the support many of you have shown. Bago lang po lahat to sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko. I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it.

"Sa totoo lang po, iniwasan ko po talaga ang magsalita tungkol sa politics dahil napaka-divisive nito.

"Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mahalin ang bayan at manindigan laban sa sumisira nito tulad ng korapsyon.

"LALO NA PO NGAYON.

"Huwag po kayong mag alala, natuto na po ako. Lalawakan ko pa po ang pag-iisip ko para sa ating lahat. I will continue to learn and grow.

"Mahal ko po kayo at mahal ko ang Pilipinas lalo na sa panahon ngayon. I stand for and with the Filipino people—always."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shuvee Etrata: "Pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko. I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it... Huwag po kayong mag alala, natuto na po ako..."
PHOTO/S: @niko.gonzales via @shuveeetrata Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results