Hindi na rin masikmura ng aktres na si Julia Barretto ang billion-peso corruption na nangyayari sa gobyerno ngayon.
Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamilya Barretto sa pagpanaw ng uncle ni Julia na si Mito Barretto, lumalakas ang sigaw ni Julia laban sa korapsyon sa kanyang Instagram Stories.
Sa Instagram kahapon, September 25, 2025, nagbahagi si Julia ng ilang mensahe mula sa iba't ibang sites tungkol sa talamak na corruption.
Kabilang dito ang mga dapat mapondohan ng halagang isang bilyong piso.
Sabi sa unang ibinahagi niya: "P1 BILLION is not just a number. Here's what it could mean if it worked for us."

Sa isang bilyong piso ay kaya na raw nitong tustusan ang pagkain ng isang mliyong pamilya sa loob ng isang buwan.

Kaya na rin daw nitong pondohan ang pag-aaral ng 25,000 estudyante mula kinder hanggang college.

Higit sa lahat, kaya na nitong mabigyan ng maayos na tahanan ang 20,000 pamilya.

Read: Kirk Bondad wins Mister International 2025
JULIA: WHERE DID THE MONEY GO?
Sa bago niyang post ngayong Biyernes, September 26, broken-hearted naman si Julia sa kung saan napunta ang halagang PHP254.3 billion na para sana ay sa flood control programs ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon daw kasi sa Ateneo School of Government, mas malaki pa ang napunta sa operations budget ng ahensiya kaysa sa edukasyon, kalusugan, social welfare, at agriculture.
Nakasaad sa ni-repost ni Julia: "Where Did the Money Go? According to ASoG, P254.3 billion was poured into the Flood Management Program in 2025—32.1% of DPWH's operations budget.
"That's bigger than the budgets for health, social welfare, and agriculture combined.
"Meanwhile, education funding lagged, leaving 160,000 classrooms lacking and 70% of existing ones in poor condition."

Sa isa pang post, nasakripisyo raw ang mga pondo para sana sa social services dahil napunta lamang ito sa ayuda program ng gobyerno.
Nakasaad sa post: "Social services suffered deep cuts, with funds pulled from DSWD, PhilHealth, and the 4Ps program.
"In their place, P130 billion was channeled to discretionary dole-outs like AICS, AKAP, and TUPAD.
"ASoG warns this shift turns social services into political favors, leaving citizens dependent on patronage instead of rights. From Rights to 'Utang na Loob'"

Tila nawawala na raw ang tiwala ng tao sa gobyerno dahil sa katiwalian.
Kaya naman nananawagan ang Ateneo School of Government na dapat daw may managot sa paglihis ng pondo sa hindi dapat na proyekto.
Nakasaad sa huling post niya: "Public Office is a Public Trust. Today, the trust is broken.
"ASoG calls for accountability as billions in public funds are diverted."

Read: Kumusta ang Ashtine-Andres launching movie sa takilya?
