Muling nakitang magkasama ng publiko ang magkapatid na Claudine Barretto at Marjorie Barretto sa lamay ng kanilang kuya na si Mito Barretto.
Si Mito ang panganay na anak nina Miguel Barretto at Inday Barretto.
Pito ang anak nina Miguel at Inday: sina Mito, Mitch, Joaquin o Jay-Jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine.
Pumanaw si Mito noong September 22, 2025. Siya ay 66.

Read: Marjorie, Claudine mourn the passing of brother Mito Barretto
CLAUDINE, MARJORIE, JULIA, claudia, LEON, DANI AT MITO'S WAKE
May ilang post sa social media na kuha mula sa lamay ni Mito sa Heritage Memorial Chapels sa Taguig City.
Sa isang video, makikitang abala si Marjorie sa pag-eestima sa mga bisita sa lamay.

Kumpleto naman ang anak ni Marjorie sa lamay: sina Dani, Julia, Claudia, at Leon Barretto.
Halata ang kalungkutan sa mga mata ng magkapatid na Dani at Julia.

Si Leon naman ay namataang dinadamayan si Lucas Barretto, anak ni Mito na nakitang tumatangis sa lamay.

Ang kapid ni Julia na si Claudia ay naroon din at nag-eestima ng mga bisita.

May video rin kunsaan makikitang magkalapit ang magkapatid na sina Marjorie at Claudine.
Pareho silang may kanya-kanyang kinakausap sa loob ng chapel.
Hindi malinaw kung nag-uusap sila o kung paano ang dynamics nila ngayong magkasama sila sa lamay para sa kanilang kapatid.

Kaninang umaga, nag-post naman si Dani ng family photo kunsaan ginaya nila ang "Mito signature pose."

Read: Leon, Claudia Barretto pay tribute to late uncle Mito Barretto
THE RIFT BETWEEN BARRETTO SISTERS
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang on-and-off feud ng pamilya Barretto—lalo na ng magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.
Sa Fast Talk With Boy Abunda noong May 5, 2023, isa sa mga itinanong kay Claudine ay ang kanyang kasalukuyang relasyon sa mga ate niyang sina Gretchen at Marjorie.
Nagkaroon ng matinding hidwaan ang Barretto sisters noong October 2019 nang sumakabilang-buhay ang kanilang ama na si Miguel Barretto.
Sabi ni Claudine tungkol kay Gretchen: “She never left my side. We don’t get to spend time all the time, but the words of wisdom, her being there, kahit thru phone lang, ang dami kong natutunan... Dada, Atong...”
Ang "Dada" na tinutukoy ni Claudine ay ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco.
Si "Atong" naman ay ang negosyanteng si Atong Ang, na malapit kay Gretchen.
Read: Claudine Barretto keeps close ties with Gretchen despite improved relationship with Marjorie
Pagdating kay Marjorie, sinabi ni Claudine na bagamat nagkikita sila sa family gatherings ay hindi pa rin sila talaga nakakapag-usap.
Aniya, “As for Marjorie, we don’t really get to talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, dinners, merienda with family.
“We have a big family. We did small talk. That’s good. That’s good enough."
Read: Claudine Barretto: Relasyon sa pamilya
Ang tanong ng netizens ngayon ay darating kaya si Gretchen sa huling lamay ng kuya Mito nila ngayong gabi ng September 26?
