PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Brosas confident People Power can beat flood control scandal

K Brosas: "Ang ending nasa atin pa rin ang hustisya."
by Melba R. Llanera
Published Sep 30, 2025
K Brosas likens flood control scandal to her legal battle with house contractor who did not honor their 7-million-peso contract.
K Brosas compares the flood control scandal to her own legal battle with a house contractor who allegedly failed to honor their PHP7-million contract.
PHOTO/S: @kim.angela.__ via @kbrosas Instagram

Napamura na lang din si K Brosas sa kontrobersiyal na sabwatan ng mga opisyal sa gobyerno na nagkakamal ng bilyun-bilyong pisong kickback sa flood control projects.

"Di ba, ngayon yung mga contractor, ang masasabi ko lang diyan, t******!" bulalas ni K.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-comedienne sa presscon ng Sing-Galing Sing-Lebrity Edition, na ginanap sa Padi's Point sa Tomas Morato, Quezon City, noong September 27, 2025.

Ayon kay K, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang taong-bayan sa pagpapanagot sa mga tiwali sa gobyerno.

Aniya, "Itulad mo na lang sa akin, contractor ng bahay ko, milyun-milyon ang nawala pero pinaglaban ko."

Taong 2021 nang idemanda ni K ang contractor dahil napunta raw sa wala ang apat na taong pagpapatayo niya ng bahay.

Read: K Brosas wins court case against house contractor

Hindi raw natapos ang construction kahit nagbayad na siya ng PHP7M.

Pebrero 2025 nang lumabas ang desisyon ng korte na pumanig sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni K: "Four years, five years in the making, nanalo kami, nag-a-appeal pa.

"Pinapahaba lang nila, pero alam ng Diyos at sa mata ng batas, panalo ako.

"What more pa yung bilyun-bilyon? Ako, ilaban din natin. Nage-gets mo? Pinaghirapan mo yun, tax natin.

"Pero aside from that, alam ko naman pinapahaba lang ito, pero ang ending nasa atin pa rin ang hustisya.

"Nag-appeal sila, karapatan naman nila yun, e."

Sa kaso ng bahay ni K, kumuha siya ng bagong contractor at natapos ang pagpapagawa niya ng bahay taong 2022.

"Very good kasi may mga contractors na ako, naglabas uli ako ng ilang milyon so labada ako uli.

"Sabi nga, yung mga ganyan bine-bless ni Lord; at dumating naman ang mga blessings," saad niya.

Kaya sana raw ay huwag ding sumuko ang taong-bayan sa pagmamatyag at pagpuna sa mga sinasabing sabwatan ng mga mambabatas, officials sa iba-ibang ahensya ng gobyerno, at sa mga contractor.

Noong September 2022, higit-kumulang 50,000 katao ang dumalo sa Trillion Peso March sa EDSA, kung saan nagkaroon ng malawakang rally laban sa katiwalian sa gobyerno partikular na sa maanomalyang flood control projects.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dinaluhan ito ng mga artista, singer, at iba pang taga-industriya kabilang na ang grupo nina Vice Ganda.

Ayon kay K, kung wala lang siyang commitment noon ay kasama sana siya sa rally.

"Hindi ako puwede nun. Pero kung puwede ako, nandun ako, sure na sure ako, sumama ako kila Vice.

"Yun din ang sentimyento ko, sa Twitter, sa Instagram, hangga't walang nananagot, walang mangyayari, madali tayong makalimot.

"Natutuwa ako na walang kulay kung anuman ang political stand, lahat pananagutin kahit maging sino man yan — mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki — kasi walang mangyayari. Paulit-ulit lang tayo."

Read: Charming Actress, ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

K BROSAS ON ATE GAY'S HEALTH CONDITION

Isa sa malapit na kaibigan ni K si Ate Gay, na ngayon ay nagpapagamot dahil sa Stage 4 mucoepidermoid squamous cell carcinoma.

Ayon kay K, bukod sa dasal ay bukas siyang tumulong kay Ate Gay.

"Hindi pa kami nakakapag-usap kasi busy rin ang lola mo ngayon," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero one of these days, in the next few days tatawagan ko siya. Gusto ko rin malaman baka naghihintay ng tulong.

"Ganito naman tayo. Tayo-tayo lang din naman yan. Tayo-tayo lang ang magtutulungan.

"I'm praying for him. Kung may makakakaya man niyan, si Ate Gay yun.

"Nabuwisit lang ako sa doktor, misdiagnosed, di ba? Kung naagapan, dapat hindi aabot sa Stage 4.

"Pagdasal nating lahat si Ate Gay. Nag-iisa yung Ate Gay, alam natin yan, masa, di ba? Saka isa yan sa mga kasabayan ko sa industriya."

Read: Ben Tulfo castigates nephew Cong. Ralph Tulfo over P6.7M splurge

K BROSAS PLANS TO VISIT KRIS AQUINO

Dinalaw ni K si Kris Aquino noong May 2025.

Nang kumustahin ng PEP ang kalagayan ng kanyang kaibigan, hindi pa raw niya nabibisita ulit ito.

Hindi pa rin daw sila ulit nagkakausap, pero balak niyang bumisita kasama si Pokwang na malapit ding kaibigan ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani K, "Wala tayo puwedeng gawin kundi ipagdasal natin siya.

"Paminsan-minsan nagri-reach out kami sa isa't isa. Hindi nawawala yung communication."

Natutuwa naman daw si K sa anak ni Kris na si Bimby.

"Sobra akong proud kay Bimby, apakabait na bata, maganda ang pagpapalaki ng nanay, sobrang mabait," saad niya.

SING-GALING: SING-LEBRITY EDITION

Isa si K sa hosts ng Sing-Galing: Sing-Lebrity Edition, na nagsimulang umere sa TV5 noong September 27. Co-hosts niya sina Randy Santiago at Donita Nose.

Magsisilbi namang mga hurado sina Rey Valera, Nina, at Ariel Rivera.

Sabi ni K: "Blessed kasi pang-ilan na ito, pangatlo na yung regular edition; pangalawa na itong celebrity edition.

"Ang saya siyempre, tayo naman gusto lang natin maglabada pa more. Gusto natin continuous lang yun labada natin.

"Iba yung sa corporate show. Hindi ka dapat nawawala.

"Sobrang blessed ako, sobrang thankful sa TV5 at sa MediaQuest."

May 48 celebrities mula sa iba't ibang larangan ang maglalaban-laban sa Sing-Galing: Sing-Lebrity Edition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay K, hindi garantiya na lamang ang singer na sasaling contestant sa Sing Galing.

"Actually, kung titingnan mo, kung papanoorin mo, hindi, e. Hindi ganun kasi nga paramihan ng alam na kanta. Minsan hindi [nila] alam yung kanta.

"Saka yung mga alam natin na kumakanta, hindi automatic na nananalo. Panoorin niyo na lang."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
K Brosas compares the flood control scandal to her own legal battle with a house contractor who allegedly failed to honor their PHP7-million contract.
PHOTO/S: @kim.angela.__ via @kbrosas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results