Nilinaw ni Vice Ganda na walang problema sa kanya kung tawagin siyang “Sir.”
Sa segment ng It's Showtime na "Laro Laro Pick” kahapon, September 30, 2025, labinlimang magsasaka ang naglaro.
Isa sa kanila ay mula pa ng Ilocos, si Tony 1K.
Dahil kaunti lamang ang manlalarong nakarating, ang ibibigay raw nila sa mga hindi makakaabante ay PHP2,000 sa halip na PHP1,000.
Pero nagbiro si Vhong Navarro kay Vice.
Si Tony kasi ay "PHP1K" lang daw ang gusto.
Tinanong ni Vice si Tony kung bakit may “1K” na karugtong sa pangalan nito.

Paliwanag ng contestant, nang ipinanganak daw kasi siya ay nakapulupot ang kanyang bituka sa kanyang katawan.
Lahad ni Tony, “Kaya tatlong zero yung napulupot sakin. Tatlong zero. Tatlong zero po, Sir.
“Nung namalayan ko na, bakit tinatawag ako na 1K? Ayun pala, sinabi nung partera [midwife], nakapulupot daw dito yung isang one, saka tatlong zero.
"Kaya yan ang pinapangalan sa akin, 1K po.”
Saad ni Vice, “Yes, Sir. Naunawaan, nage-gets na namin yun.”
Biro pa ng It's Showtime host, “Maganda ba si 'Sir' ngayon?"
Sagot naman ni Tony, “Maganda, Sir. Maganda po.”
Kasunod nito ay nilinaw ni Vice na walang problema sa kanya kung tawagin man siyang "Sir."
Sa katunayan, dapat na rin daw gawing normal ang pagtawag sa kanya ng "Sir" sa kabila ng kanyang pananamit.
Sabi ng gay comedian-TV host: “Actually, for once and for all, let's normalize me being called 'Sir.'
"I am okay with 'Sir.' Para hindi na tayo, 'Ay, Sir!'
"Para hindi na siya ginagawang katatawanan yung pagtawag sa akin ng 'Sir.' Kasi okay lang naman sa akin ang 'Sir,' di ba?
"Normal lang yun, okay to be called as 'Sir.'"
Read: Kyline Alcantara at Sandro Marcos, lumalalim na ang relasyon
MISGENDERING issues
Isa sa naging kontrobersiyal dahil sa pagtawag sa kanyang "Sir" ay ang Cebu-based personality, TV host, at LGBTQIA+ member na si Jude Bacalso.
Nagalit si Bacalso nang tawagin siyang “Sir” ng isang waiter sa insidenteng nangyari sa Ulli’s Streets Asia restaurant sa Ayala Center, Cebu, noong Hulyo 2024.
Dahil dito, dalawang oras umanong sinermunan at pinatayo ni Bacalso ang waiter.
Read: Waiter files complaints vs Cebu personality he called “Sir”
Humantong sa korte ang isyu kung saan hinaharap ni Jude ngayon ang patung-patong na reklamong inihain ng 24-year-old waiter na kanyang hiniya umano sa publiko.
Kabilang sa mga reklamong ito ay ang unjust vexation, grave scandal, grave coercion, grave threats, at slight illegal detention.
Read: Is Cebu waiter open to amicable settlement with Jude Bacalso?
Ang trans actress namang si Awra Briguela ay nanawagang itigil na ang pag-misgender sa mga katulad niya.
Read: Awra Briguela echoes call to stop misgendering
Sa kabilang banda, mas gusto naman daw ng entrepreneur na si Joel Cruz na tawagin siyang "Sir," sa kabila ng mahaba niyang buhok.
Bahagi ng kanyang pahayag: “Kasalanan ko na, unang-una, gusto ko tawagin ako 'Sir,' hindi 'Ma’am.'
“Ang kasalanan ko dun, nagpapatawag ka ng 'Sir' tapos ang haba ng buhok mo? Tapos naka-makeup ka, yung ganun. So, kasalanan ko.
“Ako kasi, when it comes to LGBTQ+, I respect every one of them. Kung ano ang kanilang kasiyahan, kung ano ang kanilang happiness, I respect that.
“Now, siguro kung merong ganun okasyon, don’t get offended at first.
"Just say politely na, ‘Itawag mo na lang sa akin ay Ma’am o kaya Sir, o kaya Miss,' sabihin mo. But, huwag ka makipag-away.
“Unang-una, tayo ang may mali, 'no? Mako-confuse naman kasi talaga yung tao. It’s not their fault, it’s our fault.
“Huwag tayo makipag-away.
"Hindi katulad yung patayuin yung waiter ng isang oras dahil lang dun. Kalokohan yun!”
Read: Joel Cruz, mas gustong tawaging "Sir" kahit mahaba ang buhok
