PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kids take cover inside plastic bags after quake in Medellin, Cebu

Uploader explains the story behind her viral photos.
by Bernie V. Franco
Published Oct 2, 2025
people inside plastic bags
A Facebook user uploaded photos showing people — many of them children — inside transparent plastic bags in the middle of the night. The uploader explained that they had fled to the mountains after the earthquake, fearing a tsunami. Here's why they ended up inside plastic bags.
PHOTO/S: Arg Del Real on Facebook

Pinag-uusapan at viral ngayon sa social media ang larawan ng mga batang sumuot sa transparent plastic bags sa kalaliman ng gabi habang nasa gitna ng bundok.

Ang mga larawan ay ipinost sa Facebook ni Arg Del Real, na kinilalang si Arguel Escalicas, nitong October 1, 2025.

Matapos yanigin ng 6.9-magnitude earthquake ang Cebu noong September 30, 2025, libu-libo ang naapektuhan.

At press time, umabot na sa 72 ang naiulat na nasawi, 300 ang nasugatan, at nasa 20,000 katao ang na-displace.

Kabilang sa mga na-displace ay ang mga residente ng Barangay Mahawak, Medellin, Cebu.

Malapit ang lugar sa dagat at karamihan sa mga kalalakihan dito ay mangingisda.

Nangyari ang lindol bandang 10:00 P.M. noong Martes.

Pagkatapos noon, nagdesisyon ang mga residente ng barangay na lisanin ang kanilang mga tahanan at umakyat sa bundok sa takot na baka magkaroon ng tsunami.

Sa isang report, binanggit ng Facebook user na si Arg na hindi sila nagtungo sa evacuation center dahil napakalayo nito at nawalan pa ng kuryente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
people inside plastic bags
The plastic used by the residents are the ones that fishermen use to contain their catch.
Photo/s: Arg Del Real on Facebook

Read: Can shirataki rice really help you lose weight?

WHY THE RESIDENTS wrappED THEMSELveS in PLASTIC

Nagkuwento si Arguel sa interview niya sa Aksyon Ngayon ng DZMM Teleradyo ngayong Huwebes, October 2, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang grupo nila ay tinatayang 27-30 members, pero sa bundok ay may nakasama pa silang iba pang grupong mula sa karatig lugar.

“Nakita po namin sa Facebook at broadcast na may warning po ng tsunami and malapit po kami sa dagat,” sabi ni Arguel sa panayam.

Ang mga kabahayan daw nila ay nasira.

“Wala namang landslide dahil ang mga bato ay matitigas. Hindi po siya landslide area,” sabi ni Arguel.

Nang tumigil ang lindol noong gabing iyon, umakyat ng bundok ang kanilang grupo.

Noong nasa taas na sila, bumuhos ang ulan, at ang kapoteng ginamit ng mga bata ay ang plastic bags na ginagamit ng mga mangingisda para sa kanilang mga huling isda.

Sa pagpapatuloy ni Arguel: “Pumunta po kami doon wala pa pong ulan. Tapos nung inumaga na, mga alas-dos, alas-tres [ng madaling araw], paparating na yung ulan.

“’Tapos yung asawa ng kapatid ko, bumalik siya sa baba, ‘tapos kumuha siya ng plastic ng isda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At pagbalik niya doon sa bundok, binigay sa amin isa-isa. Kaya sinuot namin, para hindi po kami mabasa.”

Nag-iwan daw sila ng maliit na butas para makapasok ang hangin at makahinga sila.

Makikita naman sa mga larawan na may namuong vapor sa mga plastic.

“Sinuot namin ‘tapos inupuan po namin para mapasok yung lahat katawan namin at di kami mabasa kasi nando’n kami sa bundok,” paliwanag ni Arguel.

Sa isa pang larawang ibinahagi ni Arguel sa FB, makikitang nakahiga ang mga residente sa inilatag na banig.

sleeping outside
Facebook user Arg Del Real also posted a photo of his neighbors sleeping in an open area on the mountain. Around 20,000 people in Cebu were displaced after the 6.9-magnitude earthquake on September 30, 2025.
Photo/s: Arg Del Real on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May natutulog ding mga bata sa maliit na katabing camping tent.

Naiilawan sila ng isang emergency light.

Ani Arguel, bumaba na sila sa bundok umaga ngayong araw ng Huwebes dahil wala na ring tsunami warning.

Pero ang inaalala nila ay ang makakuha ng ayuda para sa kanilang pangangailangan sa pagkain at tubig.

Sa Teleradyo, nakausap din si Janice Sumalinog, head ng Municipal Social Welfare and Development sa Medellin.

Inamin ni Janice na malaking hamon ngayon ang pagbibigay ng tulong sa kanilang lugar. Nahihirapan daw kasi silang kumuha ng mga datos dahil wala pa ring kuryente at signal.

Pero tiniyak niyang ginagawa nila ang kanilang makakaya para sa pagdi-distribute ng relief goods sa mga nasalanta, kabilang na sa mga residente ng Brgy. Mahawak.

Read: Life of Daniel Quisa-ot in prison before earning 4 licenses

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Facebook user uploaded photos showing people — many of them children — inside transparent plastic bags in the middle of the night. The uploader explained that they had fled to the mountains after the earthquake, fearing a tsunami. Here's why they ended up inside plastic bags.
PHOTO/S: Arg Del Real on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results