PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male personality ninakawan ng relative ng campaign ad concept

Concept ginamit ng relative sa sariling kampanya.
by KC Cordero PEP Team KC Cordero
Published Oct 18, 2025
Silhouette of two males with laptop
Nagulat na lang ang creative team ni Male Personality nang mapanood sa TV commercial at social media pages ang kanilang concept, pero si Relative na ang main character.

Isang rich businesswoman ang nag-commission sa isang creative team para gumawa ng campaign ad ng isang male personality na tumatakbo noon para sa mataas na posisyon.

Para kay Rich Businesswoman, okey naman ang performance ng bet niyang kandidato kaya gusto niya itong tulungan.

Photo of video camera
Swak agad sa panlasa ni Rich Businesswoman at ni Male Personality ang concept ng campaign ad. (Photo: Pexels)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pa, best friend niya ang wife ni Male Personality.

Nag-present sa kanya ng concept ang creative team, at approved agad iyon sa kanya.

Nagustuhan niya dahil swak yun sa pagkatao at campaign branding ni Male Personality.

Okey rin ang team ng male personality sa concept, kaya all systems go na.

MALE PERSONALITY RUNS VS. A RELATIVE

Mahigpit ang labanan noon sa posisyong tinatakbuhan ni Male Personality, at isa sa mga katunggali niya ay kanyang relative.

Hindi sila in good terms.

Pareho silang alanganin noon ang sitwasyon dahil hindi sila pumapasok sa mga posibleng manalo batay sa kabi-kabilang surveys.

Gayunpaman, si Male Personality at si Relative ay hindi kalayuan sa surveys at naroroon ang posibilidad na parehong may tsansang manalo.

Kung 12 ang iboboto, pasok sila sa Top 15 hanggang Top 20 sa surveys.

Si Male Personality ay labas-masok sa Top 12.

In fact, kung nagbigay-daan lang kay MalePersonality ang relative at hindi na kumandidato ang huli, baka mataas siya sa survey at sigurado ang panalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahahatak kasi siya ni Relative pababa.

Noong time na iyon kasi, hindi na kagandahan ang image ni Relative.

Si Male Personality, medyo good pa sa tingin ng mga botante.

In fact, sa latter part ng campaign ay sobrang good ng recall ng kanyang ad jingle.

RELATIVE’S STAFF sees MALE PERSONALITY’S CAMPAIGN AD IDEA

Sa nabuong concept ng creative team na kinomisyon ni Rich Businesswoman para sa campaign ad ni Male Personality ay may cameo ang isang very influential figure na oldie na.

Si Very Influential Figure ay may konek kina Male Personality at kanyang relative.

Nakakuha ng appointment ang creative team para ma-shoot si Very Influential Figure sa bahay nito.

Ang siste, mas close si Relative sa naturang very influential figure.

Nang dumating ang creative team sa bahay ni Very Influential Figure, naroon ang mga staff ni Relative.

Tinanong ng mga staff ni Relative kung ano ang pakay ng creative team.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi nilang kukunan sana ng mga eksena si Very Influential Figure para sa campaign ad ni Male Personality, nagkausap na umano ang dalawa at pumayag naman ang matanda.

Puwede raw bang makita muna ng mga staff ni Relative ang concept para madetermina nila kung kakayanin ni Very Influential Figure ang mga eksena dahil noong mga time na iyon ay medyo hindi okey ang health condition nito.

May edad na kasi ang very influential figure.

Iniabot ng creative team sa staff ni Relative ang hard copy ng script ng campaign ad ni Male Personality.

Sabi ng napag-abutan, ipakikita lang muna iyon kay Very Influential Figure.

Nang magbalik ang staff, sinabing hindi puwede si Very Influential Figure for a shoot at masama raw ang pakiramdam. Magbalik na lang daw ang creative team sa ibang araw.

Running out of time na ang creative team noon dahil ilang araw na lang at matatapos na ang kampanya kaya nakiusap silang baka puwedeng ma-shoot na ang very influential figure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anila, kakain din ng time ang editing at pagpapa-approve sa client.

Pero ang sagot ng staff ni Relative: Hindi puwede at sa ibang araw na lang talaga.

Umuwing luhaan ang creative team.

CREATIVE TEAM FINDS OUT RELATIVE’S CAMP STOLE THEIR IDEA

Hindi na na-shoot ng creative team si Very Influential Figure dahil hindi na sila nakakuha ng panibagong appointment dito.

Dahil doon, na-shelve na ang project.

Wala tuloy silang kinita.

Hanggang magulat na lang ang creative team nang mapanood sa TV at sa social media pages ni Relative ang isang campaign ad na kagayang-kagaya ng concept na kinomisyon sana sa kanila ni Rich Businesswoman.

Sa halip na si Male Personality ang main character, naging si Relative.

Iisa ang naging conclusion ng creative team: Ninakaw ng team ni rRelative ang kanilang idea.

Dahil ilang araw na lang bago ang halalan, sandali na rin lang nag-circulate ang ad na iyon ni Relative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na na-callout ng creative team ang attention ng team ni Relative.

Hindi rin naman nakadagdag sa boto ni Relative dahil olats ito.

Si Male Personality ay olats din. Apektado talaga siya ng bad image ng kanyang relative.

May chance sana siyang maghain ng electoral protest o mag-request ng recount dahil konting-konti lang ang lamang sa kanya ng katunggaling nakakuha ng last slot sa winning circle.

Pero hinayaan na lang ni Male Personality dahil BFF naman umano niya ito. Nag-concede na lang siya.

Para naman sa creative team, hindi nila na-realize na hindi pala safe ang pagpayag nilang makita ng staff ni Relative ang ginawa nilang concept.

Kung may image na dekwatero si Relative, ganun din pala ang mga staff nito.

Anyways, makalipas ang ilang taon at maraming pagbabagong naganap sa ating political landscape, parehong nasa puwesto ngayon sina Male Personality at si Relative.

Yung isa ay kasalukuyang iniuugnay sa napakalaking kontrobersiyang sobrang ikinagagalit ng sambayanang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More blind items:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat na lang ang creative team ni Male Personality nang mapanood sa TV commercial at social media pages ang kanilang concept, pero si Relative na ang main character.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results