Trigger warning: sexual content
Inamin ng aktor na si Emil Sandoval na magkarelasyon sila ng adult content creator na si Salome Salvi.
Read: Salome Salvi not in exclusive relationship with bf Emil Sandoval
Nakapanayam si Emil noong Setyembre 30, 2025, Martes ng gabi, sa Frontrow HQ sa Quezon Avenue, Quezon City.
Dito niya ibinahagi na nagkamabutihan sila ni Salome sa VMX movie na Tahong, at naging magka-collab sa adult content mula Hulyo 2024.
"Usually, ang partner ko, puro si Salome lang, walang iba. Pero kung meron, OK naman din. Kasi, open naman kami sa ganoong ano," pag-amin niya.
Ano ang nagbunsod sa kanya para maging adult content creator?
Kaswal na tugon ni Emil: “Kasi, nag-bold na ako before, noong ‘80s pa, di ba? Andami kong nagawa noon.
“May pene rin akong nagawa noon. Mga dalawa din iyon, e, wayback 1986… so iyun, naisip ko rin, sabi ko, why not do it again and try it?
"Lalo na noong nag-meet kami [ni Salome], nagsama na kami. Iyun, sabi ko, 'Sige, OK yan.'”
Straight si Emil, samantalang bisexual si Salome. Para kay Emil, it doesn’t matter kung bi ang girlfriend niya.
Aniya, “OK sa akin lahat. Kasi nga, may content kaming ginawa na dalawang girl, ako yung guy. Meron naman na dalawa kaming guys with Salome.”
Kung ang mga penekula ay naipalabas noon sa mga sinehan, iyong adult content nina Emil at Salome ay online—nasa Pornhub at Telegram.
Read: Ariel Rivera reveals how he handles temptations
emil sandoval and salome salvi's THREESOME WITH THOR
Ibinalita ni Salome na naka-threesome nila ni Emil ang American porn actor na si Thor Johnson.
Kumusta iyong pagtatrabaho nila together?
"Professional. OK naman," natatawang wika ni Emil.
"Kasi may kink ako na, ewan ko, parang may kink ako na I like to see her, like, you know, with someone else na being intimate like that.
“Para mas lalo akong ganahan. Ha! Ha! Ha! Ganun yung kink ko, e. So, open kami sa ganun."
Hindi siya nagselos? Umiling si Emil, “Hindi. Wala, walang selos, e. Saka alam naman namin sa isa’t isa na you know, to each other na kaming dalawa.”
Open relationship sila?
Sagot ni Emil, “Yes, oo. I mean, she can date. I mean, I can date too. Yun, hanggang ganun lang.
"Or tikim-tikim! Ha! Ha! Ha! Pero iyung relationship sa iba, hindi na. Walang ganun na ano.
“So, kami lang din yung may relationship.”
Read: Zaldy-Mylene Co renewal of vows sa Vatican City, muling lumitaw
emil sandoval NO REGRETS
Sa edad niyang 58, may regrets ba siya sa mga naging desisyon niya sa buhay?
Mabilis na sagot ni Emil: “Wala, wala naman. Kasi I made my own choice. So, nag-Amerika din ako. Ang tagal ko sa Amerika, walang nangyari sa akin.
“Balik ako dito. Ayan, parang back to zero ako. Iyun, OK naman. So whatever choices you made, e, pucha, iyun na iyun, e. Di ba?
“You can’t blame anyone like your mom, your dad. It’s your own choice.”
Ano ang maiko-contribute niya sa industriyang kinabibilangan niya? Ano ang maipapayo niya? Batay sa mga karanasan niya, kailangan talagang i-professionalize ang mga bagay-bagay, or what?
Pag-ayon ni Emil, “Oo, yun. Professionalize. Professional dapat. At saka yung mga bago ngayon, sinasabi ko lang na, 'You know, be professional.'
"Kung ano yung opportunity na nandiyan, i-grab niyo na. Kasi dati rin, hindi rin ako masyadong naging ano, e.
“Medyo naging puro babae rin ang inuuna ko noong time na yun.
“Naging ano rin ako. Nung end na, medyo nahuli na, e."
Binalikan ni Emil ang pagsisimula niya sa pag-aartista noong '80s. Mula sa pagiging cast member ng teen-oriented film na 14 Going Steady, sumabak siya sa paggawa ng bold films.
Lahad niya: “After nung mga bagets-bagets days noon, nag-bold ako. After nung bold, yung producer ko noon, si Zaldy Pascual, di ba, andaming mga production outfit dati?
“May Emperor, may Regal, may Viva, tapos andami pang iba. Emperor Films noon yung sa mga bold na ginawa ko.
“Gusto nilang gumawa ng action. Tapos sabi ko, 'Sige, mag-shift tayo sa action.' So wala pang Robin [Padilla] noon, wala pang Ian [Veneracion]. Wala pa sila nun.
"So sana, OK yon… Sabi ngayon ni Zaldy, ‘Sige, gawa tayo ng action, ikaw ang bida.’
"E, ang nangyari noon, nagkasakit siya. Nag-Amerika. Ako din, nag-Amerika. Wala na. Hindi na natuloy. Sayang, e!"
Read: Meet Pavel Durov, the man behind Telegram and Dubai’s richest man
INDECENT PROPOSALS
Matapos niyang mag-VMX at maging adult content creator, nakatanggap ba siya ng indecent proposals? Mula sa bading man o matrona?
“Madami, oo, meron. Meron nga minsan, nagugulat ako, nagme-message sa Facebook,” salaysay ni Emil.
“Tapos meron din akong Twitter, e. Tapos meron pa nga, mga taga-Indonesia at saka Malaysia. Kasi, may VMX doon, e.
“Pero ngayon, wala na ako sa Viva, e. Nagpa-release na ako, e. Si Salome, sa Viva pa rin pero medyo nag-iisip na rin siya [na magpa-release], kasi hindi naaasikaso, e.
“Ngayon, nasa CinePop na ako. May nagawa na akong isa.”
Bolder and more daring daw ang mga babae sa CinePop? Required daw na magpa-nipple suck ang karamihan sa kanila?
“Hindi, hindi naman. Hindi naman. May restrictions din sila, e. Pero usually, mga babae dun, hindi naman sila sobrang nagpapa-restrict ng mga…”
Paano niya hina-handle iyong mga offer, iyong mga indecent proposal?
"Wala, kinakausap ko rin. Ine-entertain ko naman. Pero not to the extent na parang… kasi, hindi pa rin ako sanay na…”
Wala pa siyang tinanggap na offer? “Wala, wala," sagot ni Emil.
For the record, may nakarelasyon na ba siyang matrona o bading?
“Bading, meron,” pag-amin ni Emil.
Gaano katagal ang relasyon nila?
“Ewan ko. Siguro… sa Amerika yun, e. Hanggang nandito kami, nagkita rin kami dito noon, nung bumalik ako. Siguro mga two years din yun, ganun," balik-tanaw niya.
OK ang paghihiwalay nila ng bading?
Sagot ulit ni Emil, “Oo, OK naman. Medyo na-bad trip lang. Kasi nga, nagkaroon na ako ng girlfriend nung time na yun. So parang you know, may selosan.”
Read: Aiko Melendez confirms breakup with Congressman Jay Khonghun
SEXUAL PREFERENCE
Alin ang mas madali o mas mahirap pag nakipag-threesome siya? Iyong dalawa ang girls ang kasama niya, o dalawa silang hombre kasama ng isang babae?
“Mas nadalian ako dun sa dalawang guy! Parang mas naiilang ako pag dalawang girl,” natatawang pahayag ni Emil.
Paano kung alter gay ang gustong makipag-collab sa kanya? Kaya ba niya ang man-to-man? Keri niyang maging daddy ng twink?
“Parang hindi ko pa siguro ano, ewan ko. Kasi iba yung ano. Parang… di ba, nagkaroon ako ng ano na bading, nagkaroon ako ng relationship sa bading,” paliwanag ni Emil.
“Old school kasi yun, e. Iba ngayon, e, di ba? Kaya OK yung old school, e. Ngayon, iba, di ba?
“Anong tawag dun, parang vice versa. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ano ang maipapayo niya sa ibang mga lalaki na gustong pumasok sa pagiging adult content creator?
Sa hirap ng buhay ngayon, ang iba’y nananalig na iyon ang paraan upang guminhawa ang kanilang kalagayan.
Paliwanag ni Emil: “Isipin din muna nila bago nila pasukin. Kasi, hindi rin ganun kadali, e. Like iniisip nila, ‘Ahh madaling kumita ng pera diyan,’ at saka pagdating nung shoot mismo…
“Parang kay Salome, andaming nag-aalok, ‘Collab tayo, collab.’ Akala nila, andali lang. Pero pag andun ka na sa harap ng kamera, saka yung may ilaw, iba na, e.”
Iyong ibang lalaki, nahihirapang magka-erection on camera.
Sang-ayon niya, “Oo, oo. Nahihirapan, oo. Ako nung una. Kasi meron din kaming streaming, e. Nag-i-stream din kami dun. Live yun.
“Tapos magbabayad yung client kung ano yung gustong ipagawa sa inyo. Yun, ganun."
Sa kaso niya, dumaan din daw siya sa adjustment period.
"Nung first time na sumalang ako, medyo nahirapan ako. It took me a while to get an erection.
“Pero after nung time na yun, umokey na. I mean, at my age. Kasi, wala akong bisyo, e… 58 na ako, magpi-59.
“Wala kasi akong bisyo, e. Hindi ako umiinom. No drugs. Akala din nung mga nasa showbiz ako noon, e.
“Iniisip nila, ‘O, si Emil, e, nagda-drugs yan.’ I was with people around it, but I never did it. Parang hindi ako naimpluwensya, e. Babaero lang ako talaga.”
Read: Cherie Mercado receives Media Excellence Award in Canada
EMIL SANDOVAL CHILDREN
Anim ang mga anak ni Emil, na iba-iba ang nanay.
Iyong lima ay nasa Amerika at may kani-kanyang buhay. Isang anak lang niya ang nasa Pilipinas.
Ano ang reaksyon ng mga anak niya nang pasukin niya ang pagiging creator ng adult content?
“Wala. Hindi ko alam. Hindi ko na sila nakakausap… Iyung anak ko dito na close sa akin, yun, OK sa kanya,” sabi ni Emil.
“Nung una, medyo nagtampo siya. Pero naintindihan naman niya. So, yun, OK naman daw.”
Read: Life story of Minda Teves: From OFW to farm and resort owner
PROJECTS OF EMIL SANDOVAL
Matinee idol ang dating ni Emil Sandoval sa Regal movie na 14 Going Steady (1984) na bida sina Janice de Belen, Gretchen Barretto, at Nadia Montenegro.
Ang iba pang leading men doon ay sina Mon Alvir, Joe Vincent Aldeguer, Albert Anido, at Benedict Aquino. Ang director ay si Joey Gosiengfiao.
Nakasama rin si Emil sa comedy film ni Danny L. Zialcita na May Daga sa Labas ng Lungga (1984) kunsaan tampok sina Eddie Garcia, Gloria Diaz, Lyka Ugarte, Ronaldo Valdez, Tommy Abuel, Mark Gil, Janice de Belen, Noel Colet, Rosemarie Gil, at Tony Carreon.
Kapagkuwan ay sumabak siya sa bold films na Erotika (1985) starring Tanya Gomez; Unang Karanasan (1985) nina Liz Alindogan at Glenda Araneta; Magkayakap sa Magdamag (1986) nina Alona Alegre, Olivia Ortiz, at Anna Marie Gutierrez; Huwag Pamarisan: Kulasisi (1986) nina Maria Isabel Lopez at Anna Marie Gutierrez, to name a few.
Pasulput-sulpot siya sa local showbiz. Napasama siya sa indie film na Lamog (2011) starring Maui Taylor and Ace Castro, hanggang sa magpakitang-gilas siya sa VMX movies na Tahong (2024), Daddysitter (2024), at Kolektor (2025).
Kabilang sa pene actors noong 1980s sina George Estregan, Mark Joseph, Tony Martinez, Bobby Benitez, Tani Cinco, Gino Antonio, at Franco Madrigal.
“May movies din kaming nagawa ni George Estregan na bold. Tatay ko siya dun,” pakli ni Emil.
Kahit nag-o-online content siya, rumaraket pa rin siya sa mainstream.
Nakasama siya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre ng GMA-7. May offer din daw sa kanya ang ABS-CBN para sa Sins of the Father.
