Nagpapahaging ba si Carla Abellana na masaya ang kanyang buhay pag-ibig?
Batay sa mga komento kasi ng mga kaibigang artista sa latest post niya, tila taken na ang Kapuso actress.
Ipinost ni Carla ang isang black-and-white photo kahapon, Biyernes, October 3, 2025.
Kita sa larawan ang magkatabing binti ng lalaki at babae.
“It’s you again,” ang simple at nakakaintrigang caption ni Carla na may kasamang happy face emoji.
Sa comments section, bumuhos ang heart at happy-face-with-heart emojis mula sa mga kapwa-artista, kabilang sina Ryan Agoncillo, Chynna Ortaleza, at Kris Bernal.
Panunukso ni Rocco Nacino, “Yihheeeee."



Malinaw naman sa comments ng mga fans na masaya sila para sa idolong si Carla dahil sa masayang lagay ng kanyang love life.
“Naks may pa soft launch, deserve mo po yan Ma’am Carla,” komento ng isa.
Hirit ng isa pa, “Hard launch when?”


Dahil mga paa ang ipinakita, nag-request naman ang ibang fans na ipakita na rin ang iba pang bahagi ng katawan.
“Sunod kamay na iyan, tapos face na,” komento ng isa.
“Face reveal na,” hirit ng isa pa.
“Face reveal naman po huhu. Excited na po kami,” pakiusap ng isa pang netizen.



Ang follower namang ito, nakasubaybay talaga sa posts ng aktres.
“Ito na yung third post ni @carlaangeline,” sabi ng isang male netizen.

Browsing the Instagram feed of Carla, may mga naunang post nga siya na ang vibe ay "dating" siya.
Ang pinakauna ay noong July 18.
Simpleng kuha ito ng restaurant table. Makikita sa larawan ang isang lalaking hawak at tumitingin sa menu.
Hindi kita ang buong mukha ng lalaki. Kita lamang ang kanyang bibig at baba.
“Hi,” caption ni Carla rito na may blushing emoji.

Ang sumunod na post ay noong August 17. Larawan din ito ng mga binti ng lalaking naka-running shoes at binti ng babae, na marahil ay kay Carla.
Tatlong purple heart emojis ang caption ng aktres dito.
Ang kapansin-pansin sa dalawa pang posts ay nagkomento rin ang ilang mga celebrities ng heart emojis o happy-face-with-heart emojis.
CARLA'S PREVIOUS MARRIAGE
October 2021 nang ikasal si Carla sa aktor na si Tom Rodriguez matapos ang ilang taong relasyon.
Subalit makalipas lamang ang ilang buwan ay umugong ang balitang hiwalay na sila.
Sinabi naman Tom, isang U.S. citizen, na nakakuha siya ng divorce decree noon pang June 2022.
June 2024 naman nang kumpirmahin ni Carla sa isang interview na kinilala na ng Philippine court ang divorce decree nila ni Tom, na ngayon ay mayroon ng anak.
Read: Carla Abellana on estranged husband's newfound love: "Not any of my concern anymore."
