First runner-up ang kandidata ng Pilipinas na si Anita Rose Gomez sa Miss Asia Pacific International 2025 na ginanap sa Cebu City, Philippines, nitong Miyerkules ng gabi, October 8, 2025.
Ang kinoronahang Miss Asia Pacific International 2025 ay si Isabela Fernandez ng Brazil.
Second runner-up si Bowonrat Maneerat ng Thailand; third runner-up si Jana Janssens ng Belgium; at fourth runner-up si Elmira Wildober ng Netherlands.
Read: Kristine Hermosa still "most beautiful" at 42, what's her beauty secret?
Bukod sa pagiging 42nd Miss Asia Pacific International, napagwagian din ng Brazil ang Best in Evening Gown.
Best in Swimsuit ang Philippines, at Best in National Costume ang Thailand.
Pumasok sa Top 10 ang mga kandidata mula sa Nepal, Mongolia, Mexico, New Zealand, at Peru.
Ang mga napabilang naman sa Top 30 ay South Africa, Indonesia, Nigeria, India, Cambodia, Romania, Honduras, Colombia, USA, England, Malaysia, Vietnam, Germany, Macau, Singapore, Dominican Republic, Hong Kong, Taiwan, Canada, at United Kingdom.
Read: Dingdong Dantes, Chris Tiu, Boy Abunda banner GMA-7 Masterclass
MISS ASIA PACIFIC 2024 SKIPS CORONATION NIGHT
Hindi dumalo si Miss Asia Pacific International 2024 Janelis Leyba ng USA sa grand coronation para sana ipasa ang korona sa bagong titleholder.
Ayon sa Pageanthology, lumipad pabalik ng Amerika si Leyba noong umaga ng October 1, makalipas ang 6.9 magnitude earthquake na yumanig sa Cebu, partikular na sa Bogo City, noong September 30.
Naramdaman din ang malakas na lindol sa Cebu City, kung saan ginanap ang Gala Night ng Miss Asia Pacific International 2025.
Nagbalik umano ang trauma ni Leyba sa mga lindol mula nang maranasan niya ang 7.0 magnitude earthquake sa Haiti noong 2010.
Naintindihan at suportado raw ng organizers ng Miss Asia Pacific International ang desisyon ni Leyba.
Read: DJ Mo bids goodbye to Las Vegas home with Angelicopter
ANITA ROSE GOMEZ
Samantala, sa pamamagitan ng Facebook ay ipinaabot ni Anita Rose Gomez ng Pilipinas ang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kanyang Miss Asia Pacific International 2025 journey.
Humingi rin siya ng paumahin dahil hindi niya nakuha ang korona.
Mensahe ni Anita: "Thank you to everyone who believed in me. I’m sorry if I fell short in any way — I truly gave it my all. I hope I made you all proud."
Read: Angel Aquino on what people don't know about her: "I like girls."
