Ikinasal na si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa DJ at music producer na si John Odin.
Wala pang detalyeng inilalabas ang bagong kasal ngunit ibinahagi ni John sa Instagram Stories ang ilang larawan at videos ng naganap nilang pag-iisang dibdib.
Base sa mga naglabasang litrato at videos sa social media, ginanap ang kasal nina Bea at John sa isang beach resort sa La Union kahapon, October 8, 2025.
Dinaluhan ito ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
BEA AND JOHN LOVE STORY
Unang naisapubliko ang relasyon nina Bea at John nang ibahagi ng beauty queen sa Instagram Stories noong February 15, 2022, ang mga larawang kuha mula sa kanilang Valentine's Day date, kabilang na ang dinner date nila sa The Peak ng Grand Hyatt Manila.
Ni-repost ni John ang ilan sa mga ito sa kanyang social media account.
Noon ding panahong iyon sinagot ni Bea ang mga katanungan tungkol sa kanyang sekswalidad.
Ayon sa Miss Universe Philippines 2021, ina-identify niya ang sarili bilang isang pansexual.
Ang pansexual ay tumutukoy sa isang indibidwal na attracted sa anumang uri ng kasarian.
Bago ang pakikipagrelasyon ni Bea kay John, tumagal ng anim na taon ang same-sex relationship ng beauty queen sa dati niyang girlfriend na si Kate Jagdon.
Read: Beatrice Luigi Gomez claims Kate Jagdon cheated on her
