PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto opens up about coping with husband's death

Rufa Mae Quinto decides to stay in the Philippines after husband's death
by Melba R. Llanera
Published Oct 9, 2025
Rufa Mae Quinto opens up about how she copes with husband Trevor Magallanes's death
Rufa Mae Quinto on choosing to stay in the Philippines with her daughter Athena: "Saka nakakalungkot naman kasi siyempre yung uuwian namin sa Amerika, si Trev di ba? Yun lang naman ang dahilan kung bakit kami nandun, siya lang naman."
PHOTO/S: @rufamaequinto Instagram

Nagdadalamhati pa rin si Rufa Mae Quinto sa pagpanaw ng kanyang mister na si Trevor Magallanes.

Kahit nagbalik-trabaho siya rito sa Pilipinas, hindi pa rin daw maiwasang maging emosyunal kapag sumasagi sa isip niyang wala na si Trevor.

Pumanaw si Trevor noong July 31, 2025.

Read: Rufa Mae Quinto's husband Trevor Magallanes dies

Pahayag ni Rufa Mae: "Nalilibang ako, pero minsan after three days na busy, ganun pa rin, iiyak ka pa rin.

"Kagaya kahapon, umiyak ako tapos natulog ako ng tanghali, tapos sabi ni Athea, 'Mama, ako rin.'

"Hindi na siguro mawawala yung umiiyak, mapo-pause, busy ako, malilibang, pero babalik ka na naman sa katotohanan."

RUFA MAE QUINTO ON DAUGHTER ATHENA

Ang anak nina Rufa Mae at Trevor na si Athena ay walong taong gulang pa lamang.

"I think ang pinakamasakit yata yung mawalan ng asawa... Kasi dalawa na kayo, may anak na kami, naawa ka rin, dalawa kayong nami-miss siya," saad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano niya ginagabayan ang anak para maibsan ang lungkot nito?

Sagot ni Rufa Mae: "Wala, I just have to be there beside her, kasi kagaya nito, tulog naman siya kaya nagpaalam ako.

"Pero hindi ko rin alam kung paano ko iha-handle. Ang magagawa ko lang siyempre, ayusin ko ang sarili ko, ipakita ko sa kanya yung mga bagay na magaganda.

"Maganda ito na marami ang tumutulong sa akin para makatawid kami sa mga pinagdaanan namin."

Ngayon lang daw nasasaksihan ni Athena ang trabaho ni Rufa Mae bilang artista.

"May dance rehearsal, sa Your Face, may direktor, may studio... So, yun yung isang side na pinapakita ko sa kanya.

"Kasi, isa yung side na never niyang nakita sa akin, kasi normal na tao ako dun [sa Amerika].

"Tapos make-up make-up, yun nga, makikita niya na may sense of improvement, lahat na."

Inaaliw na lang daw ni Rufa Mae ang anak.

"Heto pagluluto, negosyo, magandang example yan. Yan ang ginagawa ko...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero gusto niya paggising niya, gusto niya laging katabi siya, kahit tulog ako, nakatabing-tabi.

"Alam mo yung clingy, ayaw niyang umalis sa tabi ko.

"May trauma yata yung ganun, paggising, parang iiyak na lang, ganun."

Read: Rufa Mae Quinto on joining YFSF: "Para malibang ako."

ON filing a DEATH CLAIM

Sa kabilang banda, tinanong si Rufa Mae kung may update na sa death claim na maaari niyang ihain kaugnay ng pagpanaw ng asawa.

Lahad niya: "Wala pa, kasi una, hindi pa ako nakakabalik sa Amerika.

"Umuwi lang kasi ako noon para ayusin namin ang lahat, ma-cremate namin yung body ni Trev.

"Yun pa lang ang nagagawa namin. And I think yun naman ang mas importante.

"Yung benefit na yan, forever namang benefit na yan, kaya pag-uwi ko dun, yun ang aasikasuhin ko. Kaya hangga't nandito pa ako, hindi ko maaasikaso.

"Nag-contest kasi ako... Saka nakakalungkot naman kasi siyempre yung uuwian namin sa Amerika, si Trev di ba? Yun lang naman ang dahilan kung bakit kami nandun, siya lang naman."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinasabing may matatanggap na monetary benefit si Rufa Mae dahil sa serbisyo ni Trevor noon bilang pulis sa U.S. mula 2018-2023.

Pahayag ni Rufa Mae: "Para sa amin yung mag-ina, saka pinaghirapan yun ng asawa ko, kaya lahat yun ginawa niya yung planong yun.

"May journal siya na sinabi nga niya na yun ang gusto niya. Saka may usapan kami kasi mas matanda ako sa kanya.

"Nung nandun kami kasi, sabi ko, kasi okay ako, kasi mas matanda naman ako, siyempre nakapag-work na ako. Pero later on, siya naman.

"Kaya ngayon, yun yung nangyari. Yun nga lang, he passed away, pero yung plano namin, ginawa pa rin niya."

Read: Kristine Hermosa's take on intimate relations for married couples

PROJECTS IN PH

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rufa Mae sa grand opening ng Easy Training Center.

Ginanap ito sa Congressional Avenue, Quezon City, noong October 3, 2025.

Labis ang pasasalamat ni Rufa Mae sa mga taong patuloy na nagtitiwala at nagbibigay sa kanya ng mga proyekto, na malaking tulong daw sa kanilang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya nga nag-radyo na rin ako, Teleradyo sa Abante.

"Sa Your Face Sounds Familiar nag-contestant na rin ako, tapos marami akong endorsements, para kasi makita niya yung mga ginagawa ko."

Pinili rin daw talaga ni Rufa Mae na pumirmi muna sa Pilipinas.

Sabi niya: "God is good, e. Siguro yun din ang plano sa akin ng destiny ko, kaya pala dito ako binalik ng Diyos.

"Yung mga nangyari sa buhay ko, lagi na lang akong pinababalik sa Philippines, yung destiny ng Diyos na parang, 'Rufa, kasi may mga kailangan ka pang asikasuhin, may gagawin.'

"Ngayon, parang naging maliwanag sa akin na dito muna ako magpokus kasi nga nandito lahat ng nagmamahal, tumatangkilik...

"Maraming offers, may trabaho, kaibigan, pamilya, kaya todo na 'to!"

Read: HOW MUCH? One-night stay at Bvlgari Hotel Roma in Italy

TRYING OUT A NEW HOBBY

Nagkita sila sa event ni Chef Boy Logro, na endorser ng brand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-motivate daw si Rufa Mae na matuto ng pagluluto para higit na malibang.

Lahad niya: "Nakakatuwa kasi si Chef Boy Logro dati magkasama kami lagi sa mga events, parati kaming nagkikita.

"So, isa sa gustung-gusto kong gawin dahil may anak ako is pakainin ko sila mula nang magpamilya ako, kasi sa U.S., ganun ang ginagawa ko dati.

"Kaya nung nakita ko siya saka mga chefs, alam ko na isa sa destiny ko ay mag-aral na ring magluto.

"Marunong ako, nagluluto na, pero gusto kong dagdagan. For example, sa baking, pastries, kape, ganyan.

"Kasi ako, more on ulam, pagkain talaga. Kasi Kapampangan nga ako, mahilig kaming magluto kahit na anong klaseng pagkain."

Dagdag niya: "Masaya kasi pag pinapakain mo sa pamilya mo, sa asawa mo, sa anak mo yung luto mo.

"Ang saya-saya ko lagi kasi mula nang ako na yung nagluluto sa bahay namin, siyempre yung amoy ng bahay sumasarap. Nagiging masaya yung bahay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto on choosing to stay in the Philippines with her daughter Athena: "Saka nakakalungkot naman kasi siyempre yung uuwian namin sa Amerika, si Trev di ba? Yun lang naman ang dahilan kung bakit kami nandun, siya lang naman."
PHOTO/S: @rufamaequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results