Itinanggi ni Jak Roberto ang kumakalat na haka-hakang nagkakamabutihan o nililigawan niya ang aktres na si Kylie Padilla.
Ito'y matapos mapansin ng netizens ang chemistry at pagiging malapit sa isa't isa ng dalawa.
Magkatambal sina Jak at Kylie sa Kapuso afternoon drama series na My Father's Wife.
Sa pagbisita ni Jak sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 10, 2025, diretsahan siyang tinanong ng host na si Boy Abunda kung totoo bang nililigawan niya si Kylie.

Saglit na napahinto si Jak habang nakangiti—sabay sabing, "Hindi po. Hindi po."
Paglilinaw ni Jak, komportable lamang sila ni Kylie sa isa't isa kaya on and off camera ay lumalabas ito, dahilan para kakiligan sila ng fans nilang JakLie o KyJak.
Read: How did Jak Roberto react to crowd shouting ex-GF Barbie's name?
Saad ni Jak, "We're so comfortable with each other kasi nagka-work na rin kami before, sa Bolera.
"Natuwa ako sa kanya katrabaho kasi she's so open sa mga eksena. Wala na siyang parang mga walls and inbihitions. Mahusay [siya], sobra."
Bukod sa galing sa acting at trabaho ni Kylie, may mga ugali rin daw itong nagustuhan ni Jak, na naging dahilan kung bakit sila nagkasundo at naging matalik na magkaibigan.
"Masarap kausap. Marami siyang gustong ipaglaban. Marami siyang mga gustong gawin and i-discover," sabi ni Jak.
JAK BUYS GIFTS FOR KYLIE'S SONS
Sa nasabing panayam ni Jak, nabuking na binigyan niya ng regalong laruan ang mga anak ni Kylie na sina Alas at Axl—mga anak ng aktres sa estranged husband nitong si Aljur Abrenica.
Read: Kylie Padilla, Aljur Abrenica treat their kids to circus show
Gulat ngunit natatawang paliwanag ni Jak, "Paano nakarating dito yon?
"Pero ganito yan, Tito Boy, isang beses pa lang naman."
Hirit ni Boy, "Pa lang? So, ibig sabihin may susunod pa?"
Natatawang sagot ni Jak, "Depende sa age ng kids!"
Sabay seryoso niyang pagkukuwento: "Anyway, ang story kasi nun, e, papunta siya ng Australia that time.
"And medyo malulungkot siya kasi mahihiwalay siya sa kids niya for almost two weeks din.
"So, nandoon kami sa supermart, yung parang location namin sa My Father's Wife, may tiningnan siyang toys doon sa may toy section.
"Tapos sabi niya doon kay Kazel [Kinouchi], wala pa ako that time. 'Ano bang hilig ng mga anak mo?' [tanong] sa kanya ni Kazel.
"Sabi niya, 'Si Alas ganito, si Axl ganito.'
"Sabi ni Kaizel, 'Walang problema yan.' [Tinawag niya ako], 'Jak!'
"Sabi ko naman, 'Bakit bigla akong kasali?'
"Kasi sa set, kasi parang yung mga staff and co-actor namin, e, binibiro-biro na rin kami, inaasar na kami together."
Read: Kylie Padilla clueless sa "anak" nina Aljur Abrenica at AJ Raval
Noong una ay ayaw pa raw tanggapin ni Kylie ang biniling regalo ni Jak para sa dalawang anak.
"Ayaw niya, sabi niya, 'No! Wag na!'
"Ako yung nag-insist. Sabi ko, 'Bilhan na para hindi malungkot yung kids mo, tsaka kapag nakita mo, nakita mo silang nilalaro yung toys na binili...' Kasi mahilig sa soccer yung dalawa.
"So, after that, kinagabihan, parang naglalaro na yung kids niya ng soccer.
"Nakakatuwa na na-appreciate yung regalo," pagbabalik-tanaw ni Jak.
Is there a chance that Jak will court Kylie?
Bagamat wala pa romantikong ugnayan sina Jak at Kylie, sa kabila ng kanilang closeness, may tsansa bang ligawan ng aktor ang aktres pagdating ng araw?
Sagot ni Jak: "You know, Tito Boy, hindi siya mahirap mahalin. Napaka-open, genuine, and napakatalinong kausap.
"So for me, wala naman sigurong guy na hindi mai-in love sa kanya dahil ganoon siya ka-genuine na tao.
"And kung bibigyan ako ng chance, siguro hindi pa ngayon.
"Kasi gusto kong ingatan kung anong mayroon kami ngayon bilang close na magkaibigan."
Sundot na tanong ni Boy, "Why will you not take the chance?"
Mabilis na sagot ni Jak: "May ganun, e, parang kapag nakita mo na siya, first ko kasi na magkaroon ng girl bestfriend if ever.
"Parang ganun na kasi yung treatment ko sa kanya."
Ang Kapuso actress na si Barbie Forteza ang huling nakarelasyon ni Jak.
Noong January 2, 2025, nag-post si Barbie sa Instagram upang ipaalam sa publiko ang pagtatapos ng pitong taong relasyon nila ni Jak.
Sa ngayon, ang Kapamilya actor na si Jameson Blake ang nali-link kay Barbie.
Read: Jak Roberto reacts to Barbie-Jameson rumored relationship
Habang si Kylie naman ay walang kasiguraduhan kung siya ba ay in a relationship pa sa noo'y na-link sa kanyang "Tattoo Guy."
Noong June 23, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie at dito ay nausisa siya tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
Kinumusta noon ng PEP ang relasyon nila ng nobyo na kilala ng publiko bilang "Tattoo Guy."
"Ah, si Tattoo Guy. We dated, yeah, we dated," kaswal na pag-amin ni Kylie.
Dahil "we dated," tapos na sila?
"Secret!" natawang pag-iwas ni Kylie.
Dahil hindi direkta ang kanyang sagot, hindi mawari kung sila pa rin ng non-showbiz boyfriend niya.
Read: Is Kylie Padilla still in a relationship with "Tattoo Guy"?
