Mula sa Amerika, bumalik sa Pilipinas si Ogie Alcasid noong Oktubre 9, 2025, para sa media conference ng concert nila ni Odette Quesada, ang Q&A.
Gaganapin ang Q&A sa MOA Arena sa Nobyembre 7, 2025.
Hindi tumagal ng isang linggo ang biyahe ni Ogie sa Amerika dahil pumunta lamang sila ng kanyang anak na si Nate Alcasid sa Las Vegas, Nevada, para panoorin ang Got Back! concert sa Allegiant Stadium ni Paul McCartney.
Paul ay dating miyembro ng legendary band na Beatles.
Read: Pinky Amador, bibili ng "fake news" sa bakehouse ni Ka Tunying
View this post on Instagram
Lumitaw ang pagiging masugid na tagahanga ni Ogie nang itanong sa kanya ng Cabinet Files sa Q&A mediacon noong Biyernes, Oktubre 10, ang mga karanasan at mga aral na natutunan niya mula sa panonood ng concert ni Paul.
Mula sa pagkakaupo, tumayo si Ogie at ganadung-ganado na nagkuwento.
Tuluy-tuloy na kuwento niya: “Papasok pa lang, medyo naiiyak na ako. Sabi ko, 'My God, totoo ba ito?'
“Tapos yung anak ko, natatawa sa akin.
"Pagdating namin, hindi ko akalain, yung tickets pala na iniregalo sa amin, 9th row, so ang layo kasi ang laki-laki ng venue.
“Nung lumabas na siya [Paul], ni walang bonggang opening. Lumabas lang siya, kumaway-kaway.
"Siyempre nung kumaway siya, nagtayuan na yung mga tao, so wala na akong makita dahil ang tangkad ng mga puti.
“'Help me if you can, I’m feeling…' Yun ang kinanta agad. Sabi ko, oh my God…nakakaano.”
Kinanta ni Ogie ang ilang linya ng "Help!," isa sa mga sikat na kanta ng Beatles.
Read: Sheree, umiyak sa kasal ng ex na si Gian Magdangal at Lara Maigue
PAUL MCCARTNEY: THE LEGEND AND HIS MUSIC
Bilang isa ring singer-songwriter, marami raw napagtanto si Ogie sa panonood niya ng concert ni Paul McCartney.
“So the experience was, here’s a legend right before you and here’s a legend who’s so, so giving.
"Alam mong nire-relish niya yung moment. Pinapahalagahan niya lahat ng tugtog niya, ng pagkanta niya.
"Although he’s 83 years old already, puwede na siyang mag-retire, pero gusto pa niyang ibigay.
"Nakaka-inspire yon as a singer, as a songwriter, na retirement is never an option in his mind.
“Hanggang kaya mo, di ba? Hangga’t may mga tao na manonood.
“And what I learned was hindi kailangang bongga ang entablado mo, especially for a singer-songwriter as he. Music lang talaga.
"Ganoon lang naman, kantahan, tugtugan."
Read: Mandy Moore, hot topic ngayon dahil sa kanyang new look
View this post on Instagram
OGIE'S HAIR-RAISING MOMENT AT PAUL MCCARTNEY'S CONCERT
Ikinuwento rin ni Ogie ang isang bahagi ng concert ni Paul na tumayo raw ang kanyang balahibo.
Saad niya: "Tapos meron isang moment, sobrang tumayo ang balahibo ko, kasi parang nakatayo yung mga tao, puro musikahan.
"Siyempre nagkakagulo kami, and then, hinintay niya na medyo mag-settle down.
"And then, ‘Hey Jude…' Dyusko ko, yung moment na yon was just divine for me as a fan.
"So I learned so much in that…he’s such a giving artist. You can tell that he’s so humble."
Naniniwala rin si Ogie sa walang kamatayang pagmamahal ni Paul sa pumanaw nitong kabanda sa Beatles at kaibigan na si John Lennon.
"You can tell also that he loves John Lennon so much," sambit niya.
"Alam ko marami silang intriga through the years pero mahal na mahal niya yung kaibigan niya.
“And that there was so much respect between them, which I have among my peers.
"Yan natutunan ko, to cherish them, to relish that. Kasi hanggang sa pagtanda, you have to go back to those memories.”
Pumanaw si John Lennon matapos siyang barilin nang limang beses ni David Chapman sa New York, USA, noong December 8, 1980. Siya ay 40.
OGIE ALCASID'S TRIVIA ABOUT "HEY JUDE" AND "LET IT BE"
May trivia si Ogie tungkol sa "Hey Jude" at "Let It Be" — dalawa sa popular compositions ni Paul.
Aniya: “Yung 'Hey Jude' pala, Jules pala yon, because that was a song for Julian Lennon, yung anak ni John.
“Nung naghiwalay si John at si Cynthia [Powell], yung una niyang asawa, ang inaalaala niya [Paul] yung kalagayan ni Julian na sana okay siya. Apparently, siya ang nag-alaga.
"I think John was so in love with Yoko Ono yata. Inalagaan niya [Paul] si Julian and gave it a whole new meaning.
Pagpapatuloy ni Ogie: "In 'Let It Be,' di ba there was a line there that goes ‘Mother Mary comes to me, speaking words of wisdom, let it be.’
“As a Christian or Catholic, you would think na si Mama Mary yon. But hindi, nanay pala niya [Paul] yon. His mom’s name is Mary.
"It’s just about his life."
View this post on Instagram
OGIE ALCASID WORKING ON A MUSICAL PROJECT
Isiniwalat din ni Ogie na may niluluto siya ngayong musical project.
Pagbabahagi niya: "I am definitely doing it next year—October, November of next year.
"And it’s a culmination of all the music that I’ve been through, 37 years of my being a singer-songwriter.
“And I was talking to my writers, sabi ko, 'This is actually a reflection of what happened to me, my personal life.'
“Why am I telling you this? Because, now that I have watched Paul McCartney and, you know, how courageous his beliefs and what he went through, all the more I am more inspired to make that musical."
Dagdag ni Ogie: “The most important thing that I cherish sa panonood kay Paul McCartney was being with my son.
“For him to be there with me and teach me how to video and all that was very, very precious to me. Yun ang importante.”
Read: Beauty queen Bea Luigi Gomez marries DJ-music producer John Odin