Dinomina ng mga pelikulang kalahok sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival ang mga nagsipagwagi sa 48th Gawad Urian na ginanap sa Teresa Yuchengco Auditorium ng De La Salle University sa Taft Avenue, Manila, ngayong Sabado, Oktubre 11, 2025.
Ang docu flm na Alipato at Muog, na tungkol sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos mula pa noong 2007, ang itinanghal na Pinakamahusay Na Pelikula.
Ito rin ang itinanghal na Pinakamahusay Na Dokumentaryo at Pinakamahusay Na Editing para kay JL Burgos, na siya ring direktor ng pelikula. Si JL ay nakababatang kapatid ni Jonas.
Read: MMFF 2025: Will-Bianca-Dustin movie makes it to Final 4

Pinakamarami namang napanalunang tropeyo sa 48th Gawad Urian ang itinanghal na Best Picture sa Cinemalaya 2024 na Tumandok.
Nanalo ito sa mga kategoryang Pinakamahusay Na Direksiyon (Arlie Sweet Sumagaysay at Richard Jeroui Salvadico); Pinakamahusay na Screenplay (Arden Rod Condez at Arlie Sweet Sumagaysay); Pinakamahusay na Musika (Paulo Almaden and The Ati People of Kabarangkalan and Nagpana), at Pinakamahusay na Pangalawang Aktor para kay Felipe Ganancial.
Posthumous ang parangal kay Felipe dahil pumanaw ang aktor, sa edad na 65, noong May 13, 2025.
Ang itinanghal na Pinakamahusay Na Aktor ay si Dennis Trillo para sa kanyang pagganap sa Green Bones, na nagpanalo rin sa kanya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Ito ang kauna-unahang Urian trophy ni Dennis, makalipas ang anim na nominasyon.

Pinakamahusay Na Aktres si Arisa Nakano para sa Kono Basho, na kalahok din sa Cinemalaya noong isang taon.
Ang co-star ni Arisa sa Kono Basho na si Gabby Padilla, na nominado rin sa parehong kategorya, ang naka-tie ni Marian Rivera bilang Best Actress sa Cinemalaya 2024.
Hindi nominado sa Gawad Urian si Marian para sa kanyang pagganap sa Balota.
Nagwagi naman bilang Pinakamahusay Na Pangalawang Aktres si Kakki Teodoro para sa Isang Himala, na nagpanalo rin sa kanya sa MMFF 2024.

Ang veteran actor na si Dante Rivero ang ginawaran ng Natatanging Gawad o Lifetime Achievement Award.
Read: Judy Ann Santos at Marian Rivera, inisnab ng Gawad Urian
48TH GAWAD URIAN WINNERS
Narito ang listahan ng mga nanalo sa 48th Gawad Urian:
Pinakamahusay na Pelikula: Alipato at Muog
Pinakamahusay na Aktor: Dennis Trillo (Green Bones)
Pinakamahusay na Aktres: Arisa Nakano (Kono Basho)
Pinakamahusay na Pangalawang Aktor: Felipe Ganancial (Tumandok)
Pinakamahusay na Pangalawang Aktres: Kakki Teodoro (Isang Himala)
Pinakamahusay na Direksyon: Arlie Sweet Sumagaysay and Richard Jeroui Salvadico (Tumandok)
Pinakamahusay na Screenplay: Arden Rod Condez and Arlie Sweet Sumagaysay (Tumandok)
Pinakamahusay na Dokumentrayo: JL Burgos (Alipato at Muog)
Pinakamahusay na Maikling Pelikula: Kyd Toratos (Bisan Abo, Wala Bilin)
Pinakamahusay na Sinematograpiya: Dan Villegas for (Kono Basho)
Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon: Marxie Maolen Fadul (Green Bones)
Pinakamahusay na Editing: JL Burgos (Alipato at Muog)
Pinakamahusay na Musika: Paulo Almaden and The Ati People of Kabarangkalan and Nagpana (Tumandok)
Pinakamahusay na Tunog: Jannina Mikaela Minglanilla and Michaela Docena (The Hearing)
Natatanging Gawad: Dante Rivero
Read: Will, Dustin, at Klarisse naka-score ng tigdadalawang entries sa MMFF 2025

